Kaagad na nawala ang sayang nararamdaman ko nang maaninag ko si Javier na nakatingin sa amin ni Zavian. Kung kanina ay abo-abot ang tahip ng aking puso dahil sa kagalakan ay ngayon napalitan na ito ng kaba. Naandito si Javier at nakita niya kaming dalawa ni Zavian! “Dad,” pagtawag ni Zavian sa kanyang ama bago ako hawakan sa braso at hilahin papunta sa likod niya. Hindi nagsalita si Javier pero nanatili ang tingin niya sa aming dalawa ni Zavian. Kinikilabutan ako sa malamig niyang titig. Ito iyong galit na tahimik pero kailangan mong paghandaan. Dahil sa totoo lang, mas maganda pa iyong galit na nakikita mo talaga kaysa iyong galit na para bang tinatago. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Javier, kalmado. Ganunpaman ay hindi ako nagawang pakalmahin nang kalmadong boses niya dahil kit