Nakarating kami sa isang malaking bahay malapit sa gitna ng bayan ng Victoria. Mataas ang gate at kulay puti ang exterior ng bahay. May fountain pagkapasok mo ng gate at medyo malayo pa ang bahay sa mismong gate. May simbolo rin ng pamilya nila sa malaking gate. Ang laki! Bumaba sina Hati at Silas ng sasakyan kaya’t naisipan ko na bumaba na rin. Sinundan ko lamang kung anong ginagawa nila. Nagtungo kami sa engrandeng double doors at kumatok ang dalawa. Kaagad naman na may nagbukas ng pinto. “Anong ginagawa ninyo rito? Wala kayong appointment sa akin,” bungad ni Gio sa amin. Ibig sabihin bahay ito nina Gio? “We’re here for Tito Santi and not for you, idiot!” panunukso ni Hati kay Gio ngunit bakas ang pagkaseryoso sa kanyang boses. Ngumuso si Gio bago kami tuluyang pagbuksan ng pinto. P