“Triana, maaari mo ba itong ibigay kay Sir? May kailangan lang akong daluhang meeting ngayon.” Napatingin ako kay Ma’am Laura, siya ang department head namin. Tumango ako sa kanya at kinuha ang mga dokumentong iniaabot niya sa akin. “Ano pong mga dokumento ito, ma’am?” tanong ko. Baka kasi magtanong si Sir sa akin kung tungkol saan ang mga dokumentong ito. “Container deposits. Hinihingi niya kasi ‘yung mga list ng importers na hindi pa nake-claim ang mga deposits nila.” Umawang ang aking labi at kaagad na tumango kay Ma’am Laura. Sinabi ko sa kanya na kaagad ko itong dadalhin kay Sir Philip. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at naglakad patungo sa opisina ng manager. Kinakabahan ako kahit na ilang beses ko na namang nakaharap si Sir Philip. Kumatok ako at binuksan ang pinto nakita ko