Sabado ngayon at kakapaalam lamang ni Audrey na papunta siya ngayon kina Hara dahil pupunta sila ng mall. Niyaya niya pa ako ngunit kaagad akong tumanggi dahil hindi naman ako mahilig mag-mall. Isa pa, wala naman akong gagawin doon. Magsisimula na ako sa part-time job ko sa isang resto na pagmamay-ari ng kaibigan ni Zavian sa susunod na linggo. Magkahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman. “Triana, kumain ka na!” bati sa akin ni manang nang makita niya akong pumasok sa kusina. Hinahanda na nila sa hapag kainan ang umagahan. Ang sabi ay hindi na raw rito kakain si Audrey at kina Hara na lamang na pinsan niya. “Sige po, manang. Si Zavian po ba? Nakakain na po ba ng umagahan?” tanong ko sa kanya bago magtungo sa hapag kainan. Nakasunod lamang naman siya habang dala ang lalagyan ng