Nakatitig lamang ako sa kisame ng aking kwarto. Mabilis ang pintig ng aking puso na akala mo’y tumakbo ako sa labas ng village ng ilang beses. Ang gulo-gulo ng isip ko at si Zavian ang dahilan bakit ako ganito ngayon. Anong oras na tuloy ay hindi pa ako makatulog. Gustong-gusto ko siyang patigilin sa ginagawa niya dahil alam kong mali ang gusto niya! Hindi niya ako pwedeng ligawan at mas lalong hindi maaaring magustuhan niya ako! But damn, ang kulit niya at maging itong puso ko ay makulit din dahil patuloy sa pagkabog sa mga kinikilos niya! Kumalma ka, Triana. Bukas na bukas kailangan mong harapin si Zavian. Tell him you’re thankful for everything he’d done for you pero hanggang doon na lamang iyon. Kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya kahit ilang beses niya pang sabihin na h