Nakangiti ako habang nakaharap sa malaking gate ng State University kung saan ako mag-aaral sa panibagong semester. Nagpalit na lamang ako ng course dahil wala rito ang dati kong kurso. Business related pa rin naman ang kurso ko ngayon dahil balang araw ay umaasa ako na makakapagtayo ‘ko ng sarili kong business. Halos maligaw ako sa malawak na school ground ng university. May ilang part-time job na rin akong nakuha na pasok sa aking schedule. Ngayon naman ay wala akong aalalahanin sa tuition fee kaya’t ang tanging paglalaanan ko ng pera ay ang ipon, panggastos sa araw-araw, at ang upa ko sa bahay. Nakita ko ang classroom ko matapos ang mahabang paghahanap dito. Mabuti na lang at inagahan ko talaga ang pagpasok para kahit maligaw man ay hindi pa rin ako male-late. Halos lahat ng mga kakl