“Hindi ako makakapag-stay ngayon dito. Hinahanap daw ako ni Dad,” sabi ni Zavian nang makarating kami sa tapat ng apartment. Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Ni hindi ako tumingin sa kanya o nagsalita. Masyado akong maraming iniisip na sa tingin ko’y maganda ngang hindi muna kami magsama ngayon. How ironic. Kahapon lang ay ayokong mapahiwalay sa kanya tapos ngayon parang gusto kong huwag muna siyang makita hanggang sa makakuha ako ng mga kasagutan sa mga gumugulo sa pagkatao ko. Pakiramdam ko kasi ay may itinatago siya sa akin o kung hindi man siya, si Javier. Kung totoo ang kutob ko na nagkrus na ang mga landas namin noon pa man, ang mga nangyari ngayon ay hindi coincidence but a plan. “Ingat ka pag-uwi. Uhm…papasok na ako sa loob.” Humarap kaagad ako sa pinto at binuksan iyon.