Nakatulog ako sa bisig ni Zavian pero nagising din na wala siya sa tabi ko. Base sa dilim ng kwarto ay gabi pa rin at hindi pa sumisikat ang araw. Gagalaw na sana ako sa aking pagkakahiga upang hanapin si Zavian nang marinig ko sa likod ko ang kanyang boses. “That’s not going to happen, Silas. I won’t let him.” Natigilan ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Zavian. Ang panlalamig ay may kaakibat na galit at poot. Nakakakilabot. Parang ang boses niya pa lamang, kahit hindi naman ako ang kausap niya, sapat na para kilabutan ako. “Naandito na ako, bakit pa ako titigil?” mariing sambit ni Zavian sa kausap niya. Ang kanyang pinsan na si Silas ang kausap niya. Kung ano man ang kanilang pinag-uusapan ay wala akong ideya pero base sa tono ni Zavian, kung ano mang sinasabi ni Silas ay hi