CHAPTER 7: GOOD LUCK

2603 Words
Laglag pa rin ang panga ko, hindi makapaniwala sa nakikita sa harapan ko. Mag-ama ang dalawang Benavidez na na-engkwentro ko sa club na pinagtatrabahuhan ko noon. Magkaibang araw ko nga lamang sila nakita pero mag-ama sila! Napatingin ako sa kamay ni Zavian nang maglahad siya sa akin. “Hi, nice meeting you, Triana.”  Nag-angat ako ng tingin sa kanya at binati ako ng isang ngiti niya. Halos pumikit ang kanyang mga mata dahil sa laki ng ngiting iginawad niya sa akin. “N-Nice to meet you,” nahihiya kong pagbati naman sa kanya bago tanggapin ang kamay nito. Napayuko ako dahil hindi ko ata kayang makipagtitigan sa kaniya. Para akong pinapaso at tinutunaw. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang mapansin na tila ba wala siyang balak bitawan iyon. Tumingin ako kay Javier at ngumiti. Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Audrey. Pinalibutan kami ng katahimikan matapos ang pagpapakilala ni Javier sa akin sa mga anak niya. Si Audrey ay tumitingin sa akin pagminsan, na para bang pinag-aaralan akong mabuti gamit ang mala-pusa niyang mga mata. Samantalang si Zavian naman ay kung hindi pa tatawagin at kakausapin ng ama ay hindi pa mawawala ang titig sa akin. May kung ano sa ekspresyon ng mukha niya…tila ba namamangha. “Sabado bukas, may pasok ka ba Zav?” Dinig kong tanong ni Javier sa panganay na anak. Kung hindi ako nagkakamali ay 18 years old na ito. Siguro ay nag-aaral sa kolehiyo. “Wala, Dad. Wala akong pasok tuwing Sabado.” Muling bumalik ang tingin ni Zavian sa akin kaya’t kaagad akong nag-iwas. Oo nga pala, sa isang bahay nila sa Laguna na mas malapit sa pinapasukan nilang school sila naglalagi at hindi rito sa mansyon nila sa Sta. Rosa. Hindi rin masyadong alam ni Javier ang iskedyul ng mga anak dahil hindi niya ito madalas makasama. “Sir, nakahanda na po ang pagkain,” sabi ng isang kasamabahay bago kami magalang na igaya papunta ng dining area. Lumapit sa akin si Javier at marahang hinawakan ang balikat ko bago iminuwestra ang patungong hapag kainan. Ngumiti naman ako sa kanya at naglakad na kasama siya. Ang dalawang anak niya naman ay nakasunod sa amin. Hindi talaga ako mapalagay dahil kahit nasa likuran ko si Zavian ay ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. Siguro ay dahil nga nakikilala niya ako at nagkakilala na kami isang beses sa club. Baka iniisip niya na pinikot ko ang tatay niya kaya ako naging girlfriend nito. Si Javier ang nakaupo sa gitnang bahagi ng hapag kainan. Ako ay sa isang gilid niya at ang dalawang anak ay sa kabilang gilid naman niya. Magkatapat kami ni Zavian kaya nakaramdam ako ng pagiging hindi komportable. Nagpasalamat ako sa mga katulong matapos nila akong pagsilbihan. Hindi pa rin ako sanay pero dahil ilang linggo na rin kaming magkasama sa iisang bahay ni Javier ay nagiging komportable na akong hindi masyadong kumikilos sa bahay. Ganoon pa man ay minsanang kumikilos pa rin ako dahil nahihiya akong umastang may-ari ng bahay ganoong girlfriend pa lang naman ako. “Anyway, pinapaumpisahan ko na, Triana, ang paghahanap sa nanay mo.” Nakuha ni Javier ang aking atensyon dahil sa sinabi niya. Natuwa man sa ibinalita ngunit nahiya rin ako nang maramdaman ko ang pagtingin sa akin ng mga anak niya. “You are looking for who, Dad?” tanong ni Zavian habang papalit-palit mula sa akin at sa kanyang ama ang tingin. Nakaangat ang labi nito na papunta na sa isang pagngisi. “I’m helping Triana to find her mother…and her siblings. Umalis kasi ito kasama ang mga kapatid niya. I offered to help her,” sagot naman ni Javier bago magpatuloy sa kanyang pagkain. Tiningnan ako ni Zavian at nakita ko ang panliliit ng kanyang mga mata. Ngunit ang kaibahan nito ay hindi ito iyong nanlalait o nang mamaliit. More on, para siyang may tinutuklasan. “I see,” matipid niyang sagot sa ama, nakatingin pa rin sa akin. Ibinagsak ko na lamang ang titig ko sa pignan ko at pinilit ang sarili kahit na hindi ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay nakatitig pa rin sa akin si Zavian. Iyong titig na tumatagos. Iyong titig na para bang nababasa niya kung ano mang tumatakbo sa isip ko. “Dad, uuwi ako bukas. May usapan kami nina Hara na dadalaw kay Aranza. You know, she was confined in the hospital for a week. Gusto lang namin siyang kumustahin,” pagsingit ni Audrey sa pag-uusap ng kanyang ama at ng kapatid. “Sure. Take your guards and your driver with you. Kaya mo bang mag-isa sa bahay kung sakali?” tanong ni Javier sa anak na babae. “Huh? Hindi ka uuwi bukas Kuya? Wala ba kayong usapan nina Kuya Silas?” tanong naman ni Audrey sa kapatid. Bahagya akong nag-angat ng tingin at nagsisi lamang ako nang makita ko si Zavian na nakatingin pa rin sa akin. Nag-iwas lamang siya nang kausapin siya ng kapatid niya. “Hindi ako uuwi,” matipid na sagot niya sa kapatid. “Bakit? Parang kanina lamang sabi mo saglit ka lang dito sa bahay—” “I changed my mind. May gagawin ako rito. Mas magiging tahimik ang buhay ko kung malayo ako kina Gio na mahilig manggulo. I have some homework to do.” Nilaro ni Zavian ang labi niya habang nakangisi. Hindi ko naman alam kung ano iyong tinutukoy niya pero bakit ako iyong kinikilabutan? Isa pa, bakit ba panay ang titig niya sa akin? “O…kay.” Nagkibit balikat na lamang si Audrey at bumalik na sa pagkain. Ako naman ay nakipagkasundo sa sarili na huwag na muling titingin kay Zavian. Natapos ang pagkain namin. Tumulong pa nga ako sa paglilinis ngunit pinigilan ako ng mga kasamabahay. Napangiwi ako dahil nahihiya talaga akong pinagsisilbihan. Lumapit sa akin si Javier kaya itinuon ko na lamang sa kanya ang aking atensyon kahit na nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang paninitig pa rin ng kanyang anak na lalaki. Bakit ba nakatitig siya sa akin? Para tuloy akong maiihi sa kaba. “I just have to do something. Aalis lang ako para pumunta sa Biñan. May kailangan lang ako asikasuhin sa isang warehouse namin doon. Will you be okay here? Naandito naman sina Audrey.” Lumapit sa akin si Javier upang bumulong. “Don’t worry, Audrey is a nice girl.” Napansin siguro ni Javier na iniisip ko na baka ayaw sa akin ni Audrey kaya’t sinabi niya ang huling pahayag. Tumango ako sa kanya at hinalikan niya naman ako sa pisngi. “Zav.” Bumaling siya sa anak na lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan. Nilalaro niya ang kanyang cellphone sa isang kamay habang nakahilig sa may hagdanan. “Sasama ka ba sa akin? Papunta ako ng Biñan ngayon.” Para bang napaisip si Zavian sa itinanong ng ama. Ngunit nang mapatingin siya sa akin at magtama ang aming mga mata’y kaagad siyang umiling. “Hindi na, Dad. Dito na lang muna ako.” Hindi naman umalma si Javier. Tumingin siyang muli sa akin kaya’t nagsuot ako ng isang pilit na ngiti. “Aalis muna ako,” paalam niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Nagpaalam din siya sa mga anak bago maglakad papalabas ng bahay. Kasama rin niya ang mga bodyguards niya na parati niyang dala kahit saan siya magpunta. Tumayo si Audrey na kanina lamang ay nakupo sa sofa ng sala. “Magpapahinga na muna ako, Kuya. Galing sa school ay diretso tayo rito. I’m so sleepy.” Tumingin siya sa akin kaya’t nabigla ako. Tipid man ay ngumiti si Audrey sa akin. “Nice meeting you again, Triana.” Ngumiti ako sa kanya at tumango. Umalis na rin siya pagkatapos nito. Gusto ko na ring pumunta sa magiging kwarto ko pero kinakabahan akong umalis sa kinatatayuan ko dahil nakatayo si Zavian sa may hagdanan. Kahit na hindi na siya sa akin nakatingin ngayon dahil mukhang may tinetext siya sa cellphone niya ay hindi pa rin ako mapalagay. Humugot ako nang malalim na paghinga at nagdesisyon na maglakad na papunta roon sa hagdanan. Nang mapadaan ako sa dako niya ay naramdaman ko na naman ang pagtitig niya sa akin. Mas pinili ko na nga lang na magkunwaring hindi ko iyon napansin at umakyat na sa pangalawang palapag ng mansyon. Diretso ako sa kwarto ko. Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko sa tuwing naalala ko kung paano ako titigan ni Zavian. Hindi naman niya ako minamanyakan dahil hindi iyon ang titig na may pagnanasa, hindi rin naman hinuhusgahan. Hindi ko lang talaga mapaliwanag. Masyado iyong mahiwaga. Kaagad akong pumasok sa kwarto ko at napansin na nakaayos na pala ang mga gamit ko sa mga aparador. Papunta na sana ako sa closet ko nang maramdaman ko ang marahang pagbubukas ng pinto. Hindi ako lumingon pero alam ko kung sino ang nakatayo roon. “You were that girl from the club…Night Parade, right?” Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakahilig sa may hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Bahagya itong nakanguso at nakatingin sa akin, naghihintay ng aking isasagot. Napasinghap ako. Hindi ko malaman kung bakit kinakabahan ako sa kanya. Hindi naman ganito ang naramdaman ko noong nagkita kami noon sa bar. Ibang-iba ang ere na dala niya. Maawtoridad ito at may pagkaseryoso kahit na minsana’y ngumingisi siya sa akin. He’s hard to read. “Ah, y-yes…” Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko. Nang una ko siyang makilala ay parang ang friendly niya. Tapos ngayon, nakakatakot na. Tumango-tango siya bago dilaan ang ibabang labi niya at tumayo nang maayos. Napalagok naman ako sa sariling laway. Ngayong nakikita ko siya nang maayos kumpara noong unang beses sa club at kanina ay masasabi ko na younger version nga siya talaga ng kanyang ama. May magandang pangangatawan na kahit may suot ay malalaman mo iyon. Matangakad at may magagandang mga mata na tunay na nakakaakit—stop it, Triana! Naglakad siya papasok sa kwarto at pinagmasdan ang buong silid. “May I come in?” Napangiwi ako sa itinanong niya. Ano pa bang masasabi ko? Pumasok na nga siya bago siya magtanong, eh. “Girlfriend ka talaga ni Dad?” tanong niya sa akin. Ayan na naman iyong mga mata niyang hindi ko maipaliwanag na nakatingin sa akin! Parang kahit anong pag-iisip ko kung anong mensahe ang gustong ipadala ng titig niya sa akin ay hindi ko talaga malalaman. Tumango ako. Hindi ko magawang makapagsalita. Kinakabahan talaga ako at nahihiya sa kanya. “Kailan pa? Noong nagkita tayo sa bar, kayo na ba?” tanong niyang muli. Umiling ako. “Hindi pa. Nito lang naman. Medyo mahabang kwento.” Napayuko ako. Natatakot na matapos niyang marinig ang isasagot ko ay husgahan niya na ako. “Ohh…” Tumang-tango siya. “Sayang.” Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Para mang bulong iyong huling sinabi niya ay narinig ko pa rin. Parang nanuyo ang aking lalamunan doon.  Sayang? Bakit sayang? Umawang ang labi ko, gusto ko sanang magsalita kahit na ngangapa ako sa aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin bago kunin ang cellphone niya, tiningnan kung sino ang tumatawag at tumaas ang kanyang kilay roon. “Sorry, I have to take this. Anyway, enjoy your stay here, Triana.” Tinalikuran niya ako at umambang lalabas na ng silid ko. Triana naman ang pangalan ko pero bakit kinilabutan ako nang siya ang bumanggit nito? “Hello, Peachy. Napatawag ka?” Iyon ang huling mga salita na narinig ko mula kay Zavian bago niya isara ang pinto at tuluyan nang mawala sa paningin ko. Napaupo ako sa kama habang tulala pa rin. Parang nakalimutan kong huminga nang mga oras na naandito si Zavian at nakikipag-usap ako sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagkabog nito. Siguro ay dala ng kabang nararamdaman. Nang gabing iyon ay naglinis ako ng katawan at natulog. Hirap mang makatulog ay nagawa ko pa rin naman. Hindi na rin naman bumalik si Zavian—bakit ba iniisip ko na babalik iyon dito? Kinaumagahan ay lumabas kaagad ako ng kwarto. Iniisip na maaari akong tumulong sa kusina kahit na alam ko na hindi ako hahayaan.  “Good morning po,” bati ko sa ilang kasamabahay na naabutan ko sa kusina. Magalang din naman nila akong binati. Pinagmasdan ko ang ginagawa nila. Mukhang tapos na rin naman silang magluto ng umagahan kaya’t wala na rin akong gagawin pa. “Si Javier po ba ay gising na?” tanong ko sa kanila, nagba-baka sakaling gising na ito. “Hindi po ata umuwi si Sir Javier kagabi, Ma’am,” magalang na sagot sa akin ng isa.  Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam na wala pa lang balak na umuwi si Javier kagabi. “Hindi umuwi si Dad dahil may mga kailangan daw siyang asikasuhin sa Biñan kagabi. Baka bukas pa iyon makauwi kapag nagkataon.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Zavian na nakahilig sa hamba ng pintuan. Napalagok ako at kaagad na kinabahan nang makita ko siya. Sa hindi malamang dahilan ay hindi talaga ako komportable sa presensya niya. “Ah, I-I see.” Pinili kong mag-iwas ng tingin sa kanya kaya’t nilingon ko ang mga katulong. Nagpumilit pa akong tumulong sa kahit ano mang ginagawa nila pero pinigilan nila ako. Naglakad na sila papunta ng hapag kainan kaya’t naiwan kaming dalawa rito ni Zavian. Hindi talaga ako mapalagay, lalo na nang lumapit siya sa gilid ko at buksan ang ref na katabi ko lamang. Kumuha siya ng tubig at baso. Huminga ako nang malalim bago tangkaing umalis doon nang magsalita na naman si Zavian kaya’t napatigil ako. “Dad called me last night, mag-aaral ka raw sa university na pinapasukan namin?” Tumingin ako kay Zavian. Nakahilig siya sa may sink habang umiinom ng tubig. Para siyang model sa posisyon niyang iyon. Mahaba ang kanyang biyas, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Bukod pa roon, hindi mo naman talaga maipagkakakila na magandang lalaki rin ito. Hindi na ako magtataka kung maraming babaeng umiiyak upang mapansin lang ng isang kagaya niya. “Uhm…napag-usapan pa lang namin pero…hindi pa naman sigurado kasi wala pa akong pambayad sa magiging tuition ko. Tapos mahal pa sa school niyo kaya…” nahihiya kong sambit sa kanya. Kinagat ko ang labi ko, hindi na lang ipinagpatuloy ang sasabihin. “He’s going to pay for you expenses. Gagawin ka atang scholar ng Benavidez—” “Hindi ko pineperahan ang dad mo,” pagputol ko sa sinasabi niya at tumingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay iyon ang iniisip niya. Na kaya ako nakipagrelasyon sa kanyang ama ay para sa pera nito. He was stunned. Kita ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko. Hindi rin naman iyon nagtagal at ngumiti siya sa akin. Inilagay niya sa dishwasher ang ginamit niyang baso at muling tumingin sa akin. “I know, hindi naman iyon ang sasabihin ko. We offer scholarship, Triana. Ang alam ko ay gagawin kang isa sa mga scholars kung maganda ang grades mo sa previous school mo. Dahil sabi nga ni Dad ay ayaw mo raw na pag-aaralin ka niya gamit ang mismong pera niya.”  Naglakad siya papalapit sa akin kaya’t para akong nanliit. Masyado siyang matangkad tapos ay intimidating pa kahit nakangiti naman!  “Good luck,” matipid niyang bati sa akin bago niya ako lagpasan.  Parang doon lamang muli ako nakahinga nang maayos nang mawala siya sa harapan ko. May kung ano talaga kay Zavian na nagpapabigat ng dibdib ko at natatakot ako sa kung ano mang pakiramdam ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD