CHAPTER 6: FAMILY

2914 Words
“P-Po?” Tinangka kong bawiin ang braso kong marahas niyang hinawakan dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bakit naman ako ang gagawing pambayad ni Mama sa utang niya?  “Ikaw si Triana, hindi ba? Nakipagkasundo ang nanay mong si Savannah na kung hindi siya makakabayad ng pera sa amin ay ikaw ang kukuning kabayaran. Tinakasan na nga kami ng magaling mong ina!” sigaw sa akin ng lalaki bago ako muling hilahin. Sa hindi kalayuan ay napansin ko na may naghihintay na van. Nanlaban ako at binawi ang aking braso sa kanya. Nagtagumpay ako kaya’t umatras ako papalayo. Ang dalawang lalaki naman na nasa harapan ko ay tinitingnan ako ng masama. “Miss, wala kaming oras sa kaartehan mo, ha. Ikaw ang napagkasunduang kabayaran kaya sumama sa amin—” “Wala akong alam sa sinasabi niyo.” Nang tinangka nila akong hawakan muli ay umiwas ako. “Huwag niyo nga akong hawakan! Kung may usapan kayo ni Mama, huwag ako ang lapitan niyo.” Tatalikuran ko na sana sila upang makaalis doon nang hablutin na naman ako ng isang lalaki. Ngayon ay mas mahigpit na ang pagkakahawak sa akin. “Sasama ka sa amin. May pinirmahang kasulatan ang nanay mo na ikaw ang kabayaran sa utang niya! Sasama ka sa amin o dadanak ang dugo mo rito!” Nangilabot ako sa narinig. Ang dami kong iniisip ay dumagdag pa ito. Ito ba ang dahilan bakit kailangang-kailangan ni Mama ng pera? Sana ay sinabi niya na lamang para nakahiram agad ako at hindi ganito. Hindi ako iyong magiging kabayaran dito tapos wala pa akong alam! Ganito ba siya kagalit sa akin? Ganito ba niya kaayaw sa akin bilang anak niya? Iniwan na nga niya ako ay may mga lalaki pang magpapakita sa akin upang sabihin sa akin na pambayad ako sa utang. Natigilan ako at parang nagblangko ang utak ko. Hindi ko matanggap na ganito ang sasapitin ko sa sarili kong ina. Na kung wala siyang pera pambayad ay ako ang gagawin niyang kolateral? Nahila ako ng dalawang lalaki dahil nawala na ako sa sarili ko habang nag-iisip. Sabagay, araw-araw naman niyang pinaparamdam na wala akong importansya.  Ang dami kong ginawa para sa kanya, para matuwa siya sa akin at kahit isang beses ay matrato niya akong anak niya dahil wala naman akong amang kinilala pero kahit anong gawin ko, hindi niya ako makita bilang anak niya. Kapag nakikita ako ni Mama, pakiramdam ko ang mga mata niya ay punung-puno ng pagkamuhi sa akin, sa buong pagkatao ko. Papalapit na kami sa van nang may biglang humila sa akin papalayo sa dalawang lalaki. Hindi ko pa siya natitingnan dahil wala pa rin ako sa aking sarili. Mas una ko pa ngang napansin ang naging galit na ekspresyon ng dalawa sa harapan namin. “Bakit mo kinukuha iyong bayad sa utang—” “Magkano ang kailangang pera para mabayaran ang utang nila?” malamig na tanong nito. Nakilala ko kaagad ang boses kaya’t nagdesisyon akong mag-angat ng tingin at hindi nga ako nagkamali na si Sir Javier iyon. Hindi pa rin pala siya umaalis. “Sino ka ba? Tapos na ang deadline ng pagbabayad. Iyan na ang bayad ni Savannah Lopez sa amin—” “I am asking you how much do you need just to let this woman go. Sasagot ka ba nang maayos o ipapadala kita sa katapusan mo?” Nangilabot ako sa sinabi ni Sir Javier. Ang ekspresyon ng mga mata niya ay hindi katulad ng ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya ako. Ang parating nakangiti sa aking Javier Benavidez ay halos hindi mo na makita pa. Nakita ko ang panlalaki ng mata ng isang lalaki bago ito bumulong sa kasamahan niya. Mukha pang hindi iyon naintindihan ng kausap niya kaya iritado niya itong pinaulit. “Iyong hikaw na suot niya…” Napatingin silang dalawa kay Sir Javier, mukhang doon sa tinutukoy na hikaw na suot nito. Naalala ko na may isang hikaw nga pa lang suot si Sir Javier. “Benavidez iyan! Sabihin mo na lang magkano ang kailangan natin pera bago maglabas ng baril.” Napansin ko ang gulat na ekspresyon ng lalaki. Bago ito tuwid na sumagot at tumingin kay Sir Javier. “Treinta mil ang utang nga nanay niya—” Binitiwan ako ni Sir Javier at mabilis na nagsulat sa dala niyang cheque. Matapos niyang pumirma rito ay ibinigay niya iyon sa lalaki. “That’s 50 thousand. Sobra pa sa utang nila. Inaasahan ko na hindi na kayo babalik at guguluhin muli ang pamilya nila. Once I receive a report that you’re still roaming around here, you’re going to meet your end. Now, leave.” Tiningnan ako ng dalawang lalaki bago nagmamadaling tumakbo sa kanilang van. Kaagad din namang umalis iyong van na iyon at natira kami ni Sir Javier. “Are you alright—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasbaihin nang mapansin na umiiyak ako. Kung umiyak ako sa harapan niya kanina, mas malala ang pag-iyak ko ngayon. Kaagad kong pinahid ang mga luha nang mapagtanto ko na tinititigan niya ako. Pilit akong ngumiti sa kanya nang magawa ko siyang tingnan. “Babayaran ko po iyon, sir, h-hindi pa nga lang po agaran, pero babayaran ko po iyong pera—” Halos pumiyok ako dala ng paghikbi. Ang kanina pang bigat ng dibdib ko ay parang lahat ngayon kumawala. Hindi ko matanggap na iniwan ako ng nanay ko na parang isang basura lang. Hindi nagsalita si Sir Javier at hinayaan lamang akong kumalma. “Pasensya na po kayo at nasaksihan niyo pa iyon—” “Nasaan ang nanay mo?” tanong niya sa akin. Nawala ang pilit kong ngiti nang itanong niya iyon sa akin. Kinagat ko ang nanginginig kong labi bago magkaroon ng lakas na magsalita. “H-Hindi ko po alam. Nasunog po ang bahay namin tapos si Mama raw po ay umalis kasama ang dalawang kapatid ko…naiwan po ako ritong mag-isa.”  Gusto kong isipin na kaya naiwan ako ay dahil wala ako kanina at babalikan na lamang nila ako kapag naging maayos na ang kung ano mang sitwasyon ni Mama ngunit ang mga lalaking sinasabing bayad ako sa utang ay sapat na para isipin kong intensyon niyang iwanan akong mag-isa rito.  “I have water in my car. Sumama ka muna sa akin.” Hindi ako umangal sa sinabi niya. Sumunod ako kay Sir Javier at muli kaming sumakay sa sasakyan niya. Binigyan niya ako ng isang bottled water na kaagad ko namang ininom. Sa tingin ko ay kailangang-kailangan ko nga ito. Pinakalma ko ang sarili ko. Ang saklap naman talaga ng buhay ko. Bata pa lamang ako ay sinusunod ko ang lahat ng gusto ni Mama para sa akin, dahil gusto ko na matuwa siya sa akin, gusto ko na kahit isang beses ay marinig ko ang papuri niya ngunit hindi iyon nangyari. Nagpapasalamat ako na binuhay niya ako, na kaysa ipalaglag noon ay nagawa niya akong isilang sa mundo, ngunit may pagkakataon, kagaya na lamang ng ganito, na hindi ko mapigilang isipin na sana ay hindi na lamang ako isinilang sa mundo. “Did you calm down now?” tanong sa akin ni Sir Javier matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tumango ako sa kanya bilang sagot bago magpakita ng isang pilit na ngiti na hindi rin naman nagtagal sa labi ko dahil kaagad na naglaho. “What’s your plan? Iniwan ka ng nanay mo…and your house got burned down.” Halos ibulong ni Sir Javier ang kanyang huling pahayag. Muli akong uminom ng tubig, pakiramdam ko kasi ay natutuyuan ako ng lalamunan sa mga nangyayari. “Hindi ko pa po alam. Bukas po ay maghahanp ulit ako ng trabaho at siguro ngayon, baka makitulog na lamang po ako.” Napayuko ako. Kanino naman ako makikitulog? Buti sana kung may tatanggap sa akin para patuluyin sa bahay nila. “We own condominiums. If you want—”  Iwinagayway ko ang aking kamay sa ere at umiling. “Nako, huwag na po! Wala po akong pambayad sa ganoong klaseng lugar. Siguro po mag-motel na lang ulit ako kung wala akong matuluyan ngayong gabi.”  Nakakahiya naman kung aasikasuhin niya pa ako! Siya na nga ang nagbayad sa utang ng nanay ko tapos ay patutuluyin niya pa ako sa condo na pagmamay-ari nila. Ayoko talagang isipin niya na gold digger ako dahil hindi naman ako ganoon…kahit na kusang loob niya namang inaalok sa akin. Hindi muli siya nagsalita kaya napayuko akong muli. Nilalaro ko ang bote ng tubig na hawak ko para naman kahit papaano ay hindi ko maramdaman ang awkwardness na dala ng katahimikan sa paligid. Iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit niya ako tinutulungan ng ganito. I offered him my body pero hindi naman niya tinanggap. Kaya wala akong ibang maisip kung bakit naandito pa rin si Sir Javier. Alam ko na unang kita ko sa kanya noon ay gusto ko ulit siyang makita. Pakiramdam ko kasi ay may koneksyon kaming dalawa kaya ngayon namang parati ko siyang nakikita ay gusto ko ng kasagutan kung bakit nananatili siya sa tabi ko sa ganitong klase ng krisis ng buhay ko. “Sir Javier,” pagtawag ko sa kanya. Magtatanong ako. Wala namang masama kung magtatanong ako sa kanya. “Bakit niyo po ako tinutulungan ng ganito? Wala naman po akong nakikitang rason. Sadya po bang matulungin kayo o may kailangan kayo sa akin?” Nahihiya akong tumingin sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat niya dahil sa tanong ko. Hindi rin naman nagtagal ang ekspresyon na iyon bago siya ngumiti sa akin. “I know, this may sound weird but…I like you, Triana.” Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang diretsahan niyang sagot sa akin. Wala iyong bahid ng pag-aalinlangan na mapapaisip kang totoo ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Rinig na rinig ko ang ingay ng kuliglig dala ng katahimikan naming dalawa. Nakatingin siya sa akin na may ngiti, samantalang ako naman ay tulala sa kanya at hindi malaman ang sasabihin. “I’m sorry,” natatawang sambit ni Sir Javier, “am I too fast?” Napakurap ako at umiling. Pilit akong ngumiti bago mag-iwas ng tingin sa kanya. “Pasensya na po, hindi ko lang talaga alam paano magre-react sa ganitong bagay.” Hindi naman ito unang pagkakataon na nangyari sa akin ang may umamin. May mga naging kaklase ako sa high school na panay ang pag-amin sa akin pero parati ko silang bina-basted. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko pa nahahanap iyong lalaking para sa akin at hindi tamang makipagrelasyon ka sa taong hindi mo naman gusto. Kaya ngayong ganito ang sinasabi sa akin ni Sir Javier ay hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na’t alam ko naman na gusto ko rin siya. Siguro iisipin ng iba na ang bata ko para sa kanya. Sadyang dala na rin o epekto ng daddy issues ko dahil wala akong kinalakihang ama. Ganoon pa man, malakas talaga ang pakiramdam ko na si Sir Javier iyong lalaking gusto ko. Ang weird pero iyon nga ‘yon. “Gusto niyo po ba ko dahil kagaya nga po ng sabi niyo ay may naalala kayo sa akin?” wala sa sariling tanong ko. Siguro gusto ko lang din makasigurado. Bago sa akin ito kung makikipagrelasyon ako sa kanya. Bukod pa roon, alam ko na may pamilya na siya—mga anak at byudo. Ngumiti si Sir Javier. “Siguro isa iyon sa naging factor but it’s your strong personality, Triana. Sa loob ng maikling panahong nakilala kita, alam ko na ikaw iyong tipo ng tao na hindi basta-basta susuko sa mga pagsubok ng buhay. I want someone like that by my side.” Muli akong hindi nakasagot sa kanya. Mabigat ang bawat paghinga ko pero hindi ko rin naman maitatanggi na natutuwa ako sa naririnig. Parang dalawampung taon kong nabubuhay sa mundo ay ngayon lamang may nagsabi sa akin na gusto nila ako sa buhay nila. Dahil kahit sarili kong magulang, hindi ko naringgan ng ganoon. “I would like to offer you to live with me, lalo na ngayon na wala ka namang pupuntahang ibang lugar. I will look for your mother and siblings. Nabanggit mo sa akin na gusto mong makapag-aral, hindi ba? I will answer your expenses for college—” “Hala! Hindi niyo po iyon kailangang gawin—” Naputol ang aking sasabihin dahil hinawakan niya ang kamay ko. Napasinghap ako at napatingin doon. “Treat this as showing my affection for you. As of now, I know my boundaries. You’re too young for me but I can wait for the right time, Triana. Pagtuunan mo muna ang pag-aaral mo.” Hindi na ako nakaangal sa kanya kahit na gusto kong paghirapan ang mga bagay na nakukuha ko at ayoko na isusubo ko na lamang ang lahat ngunit hindi ko rin alam paano pa tatanggi sa kanya. Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. Mabilis ang mga pangyayari sa gabing ito. Na minsan naiisip ko na baka nananaginip lang ako. Tumira ako sa malaking bahay nila rito sa Maynila ng ilang araw bago niya ako sabihan na kailangan niyang umuwi ng Laguna at kung papayag ako ay sumama ako sa kanya upang makilala ko ang mga anak niya. Late na ako sa pasukan kaya balak ko ay next semester na lamang mag-enroll. “What do you think? Sa Laguna ka na lang mag-aral?” tanong sa akin ni Javier. Wala namang kaso sa akin kung saan ako mag-aaral pero kinakabahan ako, baka hindi ako magustuhan ng mga anak niya. “Ilang taon na ang dalawang anak mo? Kinakabahan ako baka hindi nila ako magustuhan. Baka isipin nila ay pero ang habol ko—” “Mababait ang anak ko, Triana. Don’t worry. They are old enough to understand. My eldest is 18 years old while my youngest is 13 years old.” Nginitian niya ako pero lalo lamang akong kinabahan.  Sa buong byahe namin papunta ng bahay nila sa Laguna ay kinakabahan ako. Mabait si Javier at nirerespeto niya ang space ko. Kahit na magkasama kami sa iisang bahay ay magkahiwalay kami sa kwarto dahil alam niya na baka hindi ako maging komportable kahit na boyfriend ko na siya and I admire him for that. Ngunit ganito kaya kabait ang mga anak niya? Masyado ba akong nag-iisip na baka hilahin ng babaeng anak niya ang buhok ko? 18 years old ang panganay niya. Dalawang taon ang tanda ko rito. Magkasundo kaya kami? Iyong 13 years old na anak niya? Baka ismidan ako nito. Nakakatakot at nakakakaba! Nakarating kami sa Laguna. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Sta. Rosa ito. May isang bahay pa raw sila sa probinsyang ito na mas malapit sa mga bahay ng mga kapatid niya pero rito muna kami tutuloy. Papunta rin naman daw dito ang dalawang anak. Nanlalamig ang aking palad. Nang dumating kami sa malaking bahay nila ay wala pa roon ang dalawang anak ni Javier. Sinalubong kami ng mga kasambahay at kaagad na kinuha ang dala naming mga gamit. Grabe pala talaga kayaman ang pamilya nila. Bukod sa marami na silang properties sa Manila at iba pang lugar, hindi rin papahuli ang mga bahay nila rito sa Laguna na sa mga esklusibong subdivision nakatayo. “Nasaan na kayo?” Napalingon ako kay Javier nang magsalita siya. May kausap siya sa kanyang cellphone. Mukhang iyong mga anak niya. Binalak kong maglibot at maghanap ng pictures nila upang kahit papaano ay makilala ko sa mukha ang mga anak niya ngunit nang marinig ko ang sunod niyang sinabi ay lalo akong nabalisa. “Nasa labas na kayo? Okay, okay.” Tumingin sa akin si Javier matapos niyang makausap ang anak. Para naman akong pinagpawisan kahit naka-centralized aircon ang kanilang bahay. Bumukas ang pinto at napatingin kami roon. May isang batang babae ang pumasok. Iniisip ko na iyon ang kanyang bunsong anak. “Audrey, nasaan ang kuya mo?” tanong ni Javier nang salubungin ang anak. Binati siya ng anak at hinalikan sa pisngi bago ito tumingin sa akin. Napatayo ako ng tuwid. Ang kanyang mga mata ay tila ba nanghuhusga kahit na wala namang masyadong emosyon ang kanyang mukha. Basta para sa akin lamang ay parang ang taray ng dating ng bunsong anak ni Javier. Ibang-iba sa kanyang ama. “Nasa labas, Dad, nagpa-park ng kotse,” sagot nito sa ama ngunit ang mga titig ay nanatili sa akin. Napansin ni Javier ang paninitig sa akin ng bunsong anak niya kaya naman kaagad niya akong nilapitan at ipinakilala rito. “By the way, this is Triana Lopez. Triana, this is my youngest, Audriana Natalee Benavidez.” Kaagad akong naglahad ng kamay kahit na kinakabahan ako. Tiningnan niya pa ako sandali bago tanggapin ang kamay ko.  “Audrey na lang,” matipid na sambit niya sa akin. Nanginginig ang labi kong ngumiti sa kanya. Matipid din naman siyang ngumiti sa akin. Narinig ko ang halakhak ni Javier na para bang natutuwa siya sa batian namin ng anak niyang si Audrey. Naputol lamang iyon nang muling bumukas ang pinto at may sumungaw naman na isang lalaki. Magulo ang kanyang buhok nang pumasok siya kaya’t kaagad niya iyong hinagod gamit ang isang kamay. Naglakad siya papalapit sa amin at nang makita ko ang kanyang mukha ay naestatwa ako. “Oh, this is my eldest, Zavian Magnus Benavidez. Zavian, this is Triana Lopez, my girlfriend.” Nanginig ang aking katawan nang mapagtanto ko na siya iyong Zavian Benavidez na nakita ko rin sa bar noon. Mag-ama sila ni Javier?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD