Nagdesisyon akong pumunta sa birthday ni Peachy dahil sa hindi malamang dahilan ay nakuha niya kung saang lupalop ng school ang number ko at kinulit ako nang gabing iyon na pumunta sa birthday niya bukas. Wala naman talaga akong balak kaya wala rin akong regalo ngunit ngayong ganito siya ay parang ang hirap tanggihan. Me: Wala akong regalo. Hindi na ako pupunta. Nakakahiya naman na magpunta ako roon nang walang kahit anong dala. Sabagay, gabi pa naman ang party niya kaya nakakasigurado ako na maaari ko pa siyang bilhan ng regalo sa umaga. Peachy: Girl, it’s okay! Basta pumunta ka. I would love to have a chat with you! I think we can be besties! Wala akong masyadong kaibigan dahil mailap ako sa tao. Ako iyong tipo ng tao talaga na kung hindi kakausapin ay hindi makikipag-usap. Hindi a