Para akong namamanhid sa halo-halong emosyong nararamdaman ko habang dinadala ako ni Zavian kung nasaan ang kotse niya. Binuksan niya ang front seat at inalalayan akong pinaupo roon. Tulala pa rin ako at wala pa sa sarili. Hindi ko akalain na ipapahiya ako ng ganoon ni Peachy kaya niya ako pinapunta rito. At lahat ng iyon dahil sa pag-aakalang inaakit ko si Zavian. Hindi isinara ni Zavian ang pinto ng front seat. Lumuhod siya sa harapan ko kaya’t napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga siya bago magtaas ng tingin sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya nang makasalubong ang titig naming dalawa. “I’m sorry, we were late. Hindi ko alam na pupunta ka pala rito. Dinalaw pa kasi namin iyong kapatid ni Silas—” “Hindi mo kailangang magpaliwanag,” I said, blatantly. Wala na akong la