CHAPTER 20: BREAK

3123 Words

Ilang araw pang ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong magkasama sina Peachy at Zavian. Ang bigat-bigat sa dibdib na parang may nakadagan doon. Ayokong mag-isip na baka…kaagad kong pinilig ang loob ko. Hindi maaari ang iniisip ko. Si Javier ang boyfriend ko. “Totoo ata ang chismis na si Peachy at si Zavian, ‘no? Nakakainggit!” Bumuntong hininga si Grace habang nakatingin sa dalawa. Ako ay pilit na hindi tumitingin sa direksyon nila dahil hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko. “Hindi niya deserve si Zavian! Ayokong maging judgmental pero ang pangit ng ugali ni Peachy! Bakit siya girlfriend ni Zavian?! Gusto kong umiyak,” sabi naman ni Marisse na umaakto pang maiiyak siya. Tumikhim ako at nag-aral na lamang. May quiz kami mamaya at marami pa akong kailangang sauluhin. Wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD