Nakatitig ako sa invitation na dumating sa flower shop na pinagtatrabahuhan ko. Para iyon sa birthday celebration ni Zavian. He really wants me to go there, huh? Kaagad kong tiningnan kung anong attire ang kailangan at nakalagay roon na formal. Napabuntong hininga ako at kaagad na nag-isip kung anong isusuot. “Galing ba iyan doon sa boyfriend mong gwapo?” tanong sa akin ng may-ari ng shop na si Mrs. Juliet. Mabait ito at may katandaan na rin pero malakas pa naman ang pangangatawan. “Opo,” sagot ko. Hindi ko sigurado kung si Zavian nga ba ang personal na nagdala nito rito. Nakita ko na lang kasi ito sa mailbox ng shop. Sa tingin ko ay iniwan niya na lamang doon kasi may pasok pa siya. Ang sabi naman niya ay wala raw ang kanyang ama at lola sa magiging celebration ng kanyang kaarawan. Ka