CHAPTER 5: LEFT OUT

2999 Words
Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang ibinigay na business card sa akin ni Sir Javier. “Ate, bakit ka nakangiti?” tanong sa akin ni Liam habang pinaghahanda ko sila ng pagkain nila. Umiling ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. “Wala, masaya lang si Ate. Sige na, kumain na kayong dalawa,” sabi ko sa dalawang kapatid. “Ikaw, ate, hindi ka ba kakain?” tanong naman sa akin ng kapatid kong babae. Tumingin ako sa kanya bago umiling, “Nakakain na ako. Kayo na lamang ng kumain ni Liam. Magpapalit lang ako ng damit. Ikaw na muna ang bahala kay Liliene, okay, Liam?” sabi ko kay Liam na ikinatango niya naman. Pumasok ako sa kwarto at naisipan na rin na maligo. Pakiramdam ko ay amoy usok at pawis na ako dahil maghapon akong nakabilad sa araw at naghahanap ng trabaho. Ngayon ko nararamdaman ang pagod at pananakit ng paa ko. Iyong suot kong sandals ay pakiramdam ko, napudpod na rin ang ilalim. Naabutan kong tapos na ang mga kapatid ko sa pagkain nang makalabas ako ng kwarto. Ako na ang naghugas ng pinggan. Pinagtira ko na rin ng pagkain si Mama kung sakali man na umuwi siyang hindi pa kumakain. “Matulog na kayo, Liam. Huwag niyo nang hintayin si Mama. Mamaya po ang uwi no’n.” Binuhat ko si Liliene dahil nakita ko na papikit na ang kanyang mga mata. Sinamahan ko sila sa kwarto at inihiga na ang nakababatang kapatid ko sa kama. Nang masigurado ko na tulog na ang mga kapatid ko ay pumunta na rin ako sa kwarto ko at nagdesisyon na magpahinga. Bukas kailangan kong bumangon nang maaga upang makapaghanap muli ng trabaho. Pakiramdam ko ay kakapikit ko pa lamang ng mga mata ko nang maramdaman ko ang pagbukas ng ilaw ng buong silid. Mabigat man ay iminulat ko ang aking mga mata upang malaman ang dahilan ng pagliwanag ng paligid. Sa may pinto ng kwarto ay nakatayo si Mama at siya ang nagbukas nito.  Nakapamaywang siya habang madilim na nakatingin sa akin. “May trabaho ka na?” Nakataas ang kanyang isang kilay habang tinatanong ako nito. Base rin sa kanyang tayo at pananalita ay mukhang nakainom siya. Halata rin sa mga mata niyang nakatitig sa akin. “W-Wala pa po. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ang paghahanap—” Natigilan ako sa pagsasalita ko nang marinig ko ang pagtawa niya. Ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko nito. Napalagok ako sa aking sariling laway dahil sa nararamdamang kaba. “Akala ko ba ay makakahanap ka na ngayon? Ang hirap kasi sa ‘yo, Triana, masyado kang bilib sa sarili mo na makakahanap ka nang ganoong kadali ng trabaho. Sa rami nang naghahanap ng trabaho ngayon, nakipagsiksikan ka pa kasi!” Kumunot ang kanyang noo kaya’t mas pinili kong yumuko na lamang at iwasan ang mga mata niyang matalim na nakatingin sa akin. Those eyes again. Ang mga mata niyang punung-puno ng poot kapag tumitingin sa akin. “Ewan ko ba sa ‘yong bata ka. Bukas, ha, dapat ay makahanap ka na! Kailangan ko ng pera.” Umalis na rin siya pagkatapos niya akong pangaralan. Napasinghap ako at inaakalang maiiyak pa dahil mabigat ang aking nararamdaman ngunit wala namang luhang bumagsak mula rito. Tumayo ako upang isara ang pinto at patayin ang ilaw. Natulog ako na mabigat na naman ang nararamdaman. Kinabukasan ay ipinaghanda ko lamang ang pamilya ko nang uamgahan at umalis na kaagad ng bahay. Hindi pa gising sina Mama at mas gusto ko iyon. Mamaya ay kapag naabutan niya ako ay kung ano pang masabi niyang masasakit na salita sa akin. Parati man ganoon si Mama, na parang araw-araw na lamang ata niyang ipinaparamdam na hindi ako mahalaga sa kanya o hindi niya ako mahal ay nagpapasalamat pa rin naman ako na kasama ko siya, na hinayaan niya akong makasama siya. Nakapagdesisyon na akong kahit anong maaaring trabahong mapasukan ko ay kukunin ko na—kahit na ang ipagbenta ko ang dignidad na tanging natitira sa pagkatao ko. Panay ang buntong hininga ko dahil anong oras na naman ay wala pa rin akong makuhang trabaho. Wala nang mga openings at mukhang kasalanan ko rin naman dahil kahapon na mayroon ay hindi ko kaagad tinanggap. Masama ba na gusto ko lamang namang alagaan ang dignidad na mayroon ako? Na kinailangan ko pang mag-isip nang malala para lamang makapunta sa desisyon na ito. Tiningnan ko ang cellphone kong halos naghihingalo na rin at malapit nang ma-low battery. Pagod na pagod na naman ako ngayong araw pero wala pa rin akong napapala. Naupo muna ako sa isang silya ng isang karenderya. Bumili na rin ako ng makakain upang hindi ako paalisin. Hindi na naman ako nakakaramdam ng gutom dahil nalipasan na ako kanina. Habang tulala at nag-iisip kung saan pa ako maaaring pumunta ay naalala ko si Sir Javier. Kaagad kong hinanap kung nasaan ang business card na ibinigay niya sa akin noon at nang makita iyon ay kaagad kong pinagmasdan. Mabigat ang bawat paghinga ko. Wala na talaga akong choice. Desperado na ako at kung ang tanging paraan upang magkapera ako ay ang ibenta ang katawan ko…gagawin ko at lulunukin ang prinsipyong natitira sa katawan ko. Nanginginig ang aking kamay habang tinitipa ang numero niya sa aking cellphone. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay habang dinadala ang cellphone sa may tainga ko. Sana may load akong pantawag sa kanya. “Hello,” malamig niyang tugon sa akin makalipas ang ilang ring. Napalagok ako sa aking laway. Ibang-iba kasi ang way niya sa pakikipag-usap kapag kaharap ko siya kumpara ngayong hindi niya kilala kung sinong nasa likod ng pagtawag. “S-Sir Javier, si Triana po ito,” nahihiya kong sambit sa kanya. Panay ang paglunok ko sa sariling laway, umaasang makakatulong ito sa panunuyo ng lalamunan ko. “Triana? Hi! Napatawag ka?” Unlike kanina na malamig ang kanyang tinig, ngayon naman ay parang masaya na ewan. “Abala po ba kayo ngayon? P-Pwede po ba tayong magkita?” Kinakabahan ako sa naiisip ko. Kinakabahan ako sa plano ko. Hindi ko alam paano ko ito naisip pero sobrang desperada ko na lang talaga at kailangan ko ng pera. “K-Kung pwede lang naman po…” Kinakabahan ako na napahawak ako sa dibdib ko para lamang kumalma. Ganoon pa man, hindi pa rin naman iyon nakatulong sa akin. Ang lala pa rin ng kabang nararamdaman ko. “Sure, nasaan ka ba? Pwede na ako ngayon. Where should I pick you up, Triana?”  Humugot ako nang malalim na paghinga. Isang malaking kaisipan pa rin sa akin kung bakit maganda at mabait ang pakikitungo ni Sir Javier sa akin ganoong hindi naman siya ganito noon. Siguro ay dahil pinapaalala ng mukha ko ang asawa niya? Tumingin ako sa paligid upang makakita ng landmark kung saan ako maaaring maghintay sa kanya.  “Naandito po ako sa may Adriatico Square.” Naglakad ako papalapit sa sinabi kong lugar at tumayo sa labas ng isang malaking building. “Sige, it will take a while before I get there. Hintayin mo ako, okay?” Nakarinig ako ng kalampagan ng susi sa kabilang linya. Tingin ko ay kinuha niya ang susi ng kanyang kotse. “Sige po,” magalang na sabi ko sa kanya. Matapos iyon ay tinapos na niya ang tawag. Nanginginig pa rin ang aking kamay habang binababa ko ang aking telepono. Tama ba itong naiisip ko? Ngunit wala na akong alam na pagkukuhanan ng pera at mukhang kailangan kong may maibigay kay Mama na pera. Kapag wala akong naibigay sa kanya, paniguradong makikita ko na naman ang tingin niyang kulang na lamang ay kasuklaman ako. Tahimik lamang akong naghihintay roon. May ilang matatandang lalaki pa nga ang napapadaan doon at minsan ay malagkit akong titingnan. Marami ring foreigner na tumitingin sa akin kaya natatakot ako. Alam ko ang ibig sabihin ng mga titig nilang iyon at hindi ko ito gusto. Makalipas siguro ang sampung minuto ay may pumaradang sasakyan sa tapat ko. Bumukas ang bintana nito at kaagad sumilip si Sir Javier. Para naman akong nakahinga nang maluwag. Lumapit ako sa kotse niya at kaagad na binuksan ang pinto upang makapasok. “Hello, Triana,” bati niya sa akin habang nakangiti. “Nakakain ka na ba ng dinner? What are you doing here anyway?”  I gather all my remaining courage and strength to talk. Ayoko namang manatiling tahimik lamang. “Hindi pa po pero hindi pa naman po ako nagugutom, Sir Javier. Uhm…” Nilaro ko ang kamay ko, nagdadalawang isip sa susunod na sasabihin. “May gusto lang po akong puntahan. Maaari niyo po ba akong samahan?” Walang kasiguraduhan kung iyon nga bang iniisip ko ang gusto sa akin ni Sir Javier kaya siya mabait sa akin pero…wala na talaga akong ibang maisip para magkapera kaagad. “Saan mo gustong pumunta, Triana?” tanong niya sa akin bago mabilis na tumingin sa direksyon ko at ibalik din sa daan. Humugot ako nang malalim na paghinga at nilunok ang natitirang pride na mayroon ako. Tumingin ako sa labas ng bintana at nang makita ang isang tanyag na motel ay itinuro ko iyon. “Dito po, Sir Javier.”  Bumagal ang pagtakbo ng sasakyan at tumingin siya sa akin, halatang gulat at naguguluhan. Nanginginig man ang aking labi ay ngumiti ako sa kanya. Kunot noong nakatitig sa akin si Sir Javier dahil ata sa lugar na gusto kong puntahan. Ganoon pa man ay ipinasok niya ang kotse niya sa motel. Malalim at mabigat ang aking paghinga. Gusto kong maiyak dahil ni minsan ay hindi ko naisip na gagawin ko ito ngunit kailangang-kailangan ko na talaga ng pera at hindi ko alam kung papaano makakakuha nito sa mabilis na paraan. Wala pa rin akong trabaho sa ngayon. Nag-park si Sir Javier at kaagad kaming nag-check in sa motel. Alam ko na naguguluhan pa siya pero tahimik lamang naman itong nakasunod sa akin habang ako ay tila pagpapawisan ng malamig dahil sa binabalak kong gawin. Pumasok kami sa isang themed room. May jacuzzi ang kwarto at malinis. Bukod pa roon malaki talaga iyong silid. Matutuwa sana ako sa mga nakikita ng aking mata kung hindi lamang sana ako kinakabahan ngayon. “Triana.” Nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Javier ay kaagad akong humarap sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan siyang itinulak sa kama at pinaupo roon. Nanatili naman ang nakakunot niyang noo habang nakatingin sa akin. “Sir, alam ko po na kaya niyo ako hinahanap kahapon sa club na rati kong pinagtatrabahuhan ay dahil gusto niyo po akong madala sa ganitong lugar, hindi po ba? Hindi po ako ganoong klaseng babae pero papayag po ako ngayon.” Mali ba ang sinabi ko? Paano kung talagang mabuti ang intensyon sa akin ni Sir Javier at masyado lamang akong nadadala ng mga kung ano-anong emsoyon at problema ko? Nakakahiya! Pero naandito na rin naman ako. Wala nang atrasan ito. Hindi nagsalita si Sir Javier ngunit kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan pa ng pansin at lakas loob na tinanggal ang bawat butones ng aking damit pang-itaas. Mabagal ang bawat pagkilos ko habang nakatingin kay Sir Javier at ganoon din naman siya sa akin. Sa takot ko na makita niyang kinakabahan ako ay nagbaba ako ng tingin at mas piniling titigan na lamang ang sahig. Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong pang-itaas. Sa sobrang lutang ko at kawalan sa sarili ay hindi ko napansin na lumuluha na pala ako dahil sa ginagawa kong ito pero kailangan kong gawin ito. Nang ibababa ko na ang suot kong damit ay may mga kamay na pumigil sa akin. Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakita ko si Sir Javier sa harapan ko. Ibinalik niya ang ayos ng damit ko bago malungkot na ngumiti. “Kung hindi mo gustong gawin ang isang bagay, hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo. Look at you, you even cried.” Marahan ang tono ng pananalita niya, na parang hinehele ako nito. “Isa pa, hindi naman ito ang kailangan ko sa ‘yo.” Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay nanliliit ako dahil sa mga bagay na pinaggagagawa ko at naiisipang gawin. “Let’s have a seat first and talk.” Iginaya niya ako papaupo sa dulo ng kama. Yakap ko ang sarili ko at halos mahiya sa naisipan kong gawin kanina. Tinanong ako ni Sir Javier kung ano ang aking problema. Nang una ay nagdadalawang isip pa ako kung dapat bang sagutin ko iyon pero ginawa ko pa rin. “Wala pa po kasi akong nakukuhang bagong trabaho. Naisip ko po na baka ang ipagbenta ang katawan ang tanging magagawa ko para magkapera. Kailangan po kasi namin kaya…” Halos hindi ko na maituloy ang susunod na sasabihin. Sa lahat ng maaari kong pasukang trabaho, ang pagbebenta ng katawan ang pinakainiiwasan ko. I am preserving myself to the love of my life. Kung sakali mang darating pa siya sa buhay ko. Bumuntong hininga si Sir Javier. Sinilip ko ang ekspresyon ng mukha niya at nakita ko ang pagkaawa. Muli akong yumuko. “Magkano ang kailangan mo?” tanong niya sa akin. Kaagad akong umiling. “Nako, sir! Kung bibigyan niyo ako ng pera ay baka hindi ko matanggap. Isipin niyo pa na gold digger ako. Kung makakakuha man po ng pera ay gusto ko pinaghirapan ko…kahit sa hindi maayos na paraan.” May pride pa rin naman akong natitira sa katawan ko. Ipiniling niya ang kanyang ulo at tinitigan ako. Nahihiya kong ibinagsak ang titig ko sa sahig. Para akong natutuyuan ng laway dahil hindi talaga ako komportable tapos ay iniisip ko pa ang kahihiyang ginawa ko kanina. “Hmm, fine, why don’t we just treat it as a loan? Isipin mo na lang na utang iyong perang ibibigay ko sa ‘yo tapos ay bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag ka na o nakakuha ng trabaho.” Nagtaas akong muli ng tingin sa kanya at nasilayan ko ang ngiti kay Sir Javier. Huminga ako nang malalim. Sa tingin ko ay mas maganda na nga iyon kumpara sa ibibigay niya lamang sa akin. Sadyang desperado na rin talaga ako sa pera ngayon pero hindi ko matatanggap iyong basta bigay lang. Napagkasunduan namin na ihahatid niya ako. Itatanong ko muna kay Mama kung magkano ba ang kailangan niya para masabihan ko si Sir Javier. Itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin. Pinapakinggan niya naman ang pagbibigay ko ng direksyon. “Salamat po, sir. Bale ite-text ko na lang po sa inyo kung magkano ang uutangin kong pera. Promise ko po, babayaran ko iyon.” Natigil ako sandali bago humugot nang malalim na paghinga. “Hindi ko po alam bakit niyo ako tinutulungan ng ganito pero maraming-marami po talagang salamat.” Nginitian niya lamang ako at hindi na sumagot pa. Bumaba na ako sa sasakyan matapos kong makapagpaalam nang maayos sa kanya. Hindi pa man ako nakakahakbang papalayo sa sasakyan niya ay nawala na kaagad ang aking ngiti nang mapansin na maraming tao ang nakaumpok sa may bahay namin. Kaagad akong napatakbo papalapit doon. “Makikiraan po,” sabi ko sa ilang tao upang makalapit sa bahay naming mukhang pinagkakaguluhan ngayon. Nang makita ko ang lagay ng bahay ay para akong binagsakan ng langit sa nasaksihan. Nasunog iyon at halos walang matira.  Tulala ako at hindi makagalaw habang pinagmamasdan ang natira sa aming bahay. Inisip ko pa na baka nagkaroon ng sunog dito sa amin ngunit parang bahay lamang naman namin ang nagkaganito. “Triana!”  Napatingin ako sa aming kapitbahay na si Aling Tessa na parati kong pinag-iiwanan sa mga kapatid ko sa tuwing walang magbabantay sa mga ito. Lumapit siya sa akin, halata ang lungkot at pakikisimpatiya. “Aling Tessa, ano pong nangyari—” “Hindi ko alam ang detalye, hija. Basta kanina may kausap ang nanay mo tapos mukhang nagkakasagutan sila. Hindi na rin naman ako nakialam dahil baka bagong boyfriend lamang iyon ng mama mo. Tapos biglang nakita ko na lang na nasusunog na ang bahay niyo. Mabilis naman namin inapula ang apoy ngunit mabilis kumalat. Nagawa naming iligtas ang mga karatig na bahay ngunit hindi ang inyo,” malungkot niyang pahayag sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Mabigat ang aking paghinga at unti-unting kinakabahan. “Ang mga kapatid ko po?” Siguro na may ligtas sila, hindi ba? “Hindi na iniwan sa akin ang mga kapatid mo dahil hindi naman umalis ang nanay mo. Iyon nga lang kanina, umalis ang nanay mo kasama ang mga kapatid mo. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Hanggang ngayon ay hindi pa ulit sila nagpapakita at…may dala silang mga gamit.” Doon na ako tuluyang nawalan ng pag-asa. Kung may dala silang gamit, ibig sabihin ay umalis sila rito? Ngunit saan sila pupunta? Matipid akong ngumiti kay Aling Tessa at naglakad muna papalayo. Tinawagan ko ang numero ni Mama sa aking cellphone ngunit hindi ko iyon matawagan. Cannot be reach na ang numero. Bumigat ang pakiramdam ko. Kung umalis sila, siguro naman ay sasabihin niya sa akin kung saan sila pupunta, hindi ba? Siguro naman…hindi niya ako binalak na iwanan dito. Parang punyal na sumaksak sa aking dibdib ang kaisipang iniwan nga ako ng nanay ko at itinakas lamang ang mga kapatid ko sa kung sino mang tinatakasan niya. Nawala na ang ilang kapitbahay naming nakapalibot kanina sa bahay namin. Naupo naman muna ako sa may malaking bato habang nakatitig sa bahay naming abo na lamang ngayon. Iniwan ba ako ni Mama? Bakit? Ganoon ba niya ako kinamumuhian? Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may sapatos akong makita. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mga hindi ko kilalang lalaki. Ang isa ay naninigarilyo pa. “Ikaw na ba ang anak ni Savannah Lopez na ipambabayad sa utang niya? Kung ganoon, sumama ka sa amin.” Hinawakan niya ako sa aking braso at marahas na hinila patayo. Pambayad sa utang ni Mama? Ako? Bakit…ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD