CHAPTER 4: BEN AVID

2926 Words
Kagaya ng sinabi ko kay Mama kagabi ay naghanap ako ng trabaho kinaumagahan. Ang iniipon kong pera para sa pasukan ay nagagamit ko dahil ayoko namang manghingi pa ng pera sa kanya. Alam ko naman na magagalit lamang siya at susumbatan ako.  Panay ang buntong-hininga ko dahil tanghaling tapat na ay wala pa akong nahahanap na bagong trabaho. Iyong ibang bar kasi ay walang hiring at kapag mayroon naman ay hindi kami magkasundo sa dapat gawin. Kumakain ako ng tinapay bilang tanghalian habang nakatingin sa nagtatayugang gusali na natatanaw ko. Hindi ko mapigilang mangarap, na balang araw ay makakapagtrabaho rin ako sa mga ganyang klase ng lugar. Iyong hindi ko kailangang mabastos para lamang kumita ng pera. Iyong hindi ko kailangang gawin ang mga bagay na ayoko para lamang may pangkain ako at ang pamilya ko. Bumuntong hininga ako. That is why, I need to study. Ayaw man ni Mama sa ideya na mag-aaral ako ay gustong-gusto ko na mag-aral. Gusto kong maitaguyod ang aking pamilya sa kahirapan kaya kahit mukhang imposible ay susubukan kong makawala sa kadena ng kahirapan. Tumayo na ako matapos makakain ng tinapay para sa tanghalian ko at makainom ng tubig. Muli kong tinahak ang kahabaan ng kalyeng ito upang makapaghanap ng bar na mapapasukan. Wala, eh. Sa ngayon ay iyon ang alam kong trabaho. “Nako, Miss! Sa panahon ngayon, halos lahat ng bar dito, ganoon ang kalakaran. Naroroon ang pera, eh. Ngayon, pasok ka sana pero kung hindi mo kayang ipahawak sa mga customer mo iyang katawan mo, hindi kita pwedeng tanggapin.” Iyon ang sabi sa akin ng babaeng mukhang may-ari nitong bar na napuntahan ko. Magdidilim na at halos buong araw na akong naghahanap ng mapapasukang trabaho pero wala talaga. Tinangka ko mang pumasok na waitress pero wala namang open sa posisyon na iyon kaya’t ang bagsak ko ay sa ganitong gawain pa rin. Hinimas ko ang braso ko at marahan iyong pinisil. Iniisip kung dapat ko bang kunin ang trabaho na ito. Iniisip ko kasi na hindi ako pwedeng umuwi nang walang bagong trabaho. Ngayon ko nararamdaman ang kinahinatnan ng mga desisyon ko kagabi. “Iyon na lang po ba talaga ang open sa inyo? S-Stripper at escort?”  Todo ang pag-iisip ko kung tama bang pasukin ko ito. Kasi kung gagawin ko iyon, sana pala kagabi pa lang ay hinayaan ko na iyong Matteo na iyon na galawin ako, hindi ba? Mapupunta rin pala lahat ng ipinaglaban ko kagabi sa wala. Napatingin ako sa paligid ng bar at napansin ko na may mga ilang lalaki na kaagad ang nakatingin sa akin at tila ba hinuhubaran na ako kahit na balot na balot naman ako ng damit. “S-Sige po, aalis na po ako.” Hindi talaga ako komportable. Na kahit na sabihin mong gusto kong magkaroon ng trabaho ay hindi ko naman kayang gawin. Baka imbis na mapaayos lamang ako ay lalo pang mapasama. Madilim na ang kapaligiran at masakit na rin ang paa ko. Naisipan ko na maupo na lamang muna sa gilid ng kalye at itungo ang ulo ko. Isang sampal na naman siguro ang matatamo ko sa aking ina kapag umuwi ako na wala pa rin akong trabaho. Nag-angat ako ng tingin at muling tinitigan ang matatayog na gusali. Kung mag-apply kaya ako sa isa sa mga iyan? Kahit janitress lang. Pakiramdam ko naman ay pasok ako roon. May opening kaya? Open pa kaya sila? May mga taong malalapitan pa kaya ako? Ahh! Ang dami kong iniisip. Muli ako tumungo. Ipinatong ko ang ulo ko sa aking tuhod at nag-isip ng maaari kong gawin. Kailangan kong umuwi sa bahay na may magandang balita kay Mama. Ayokong…ayokong makita ang ekspresyon ng mga mata niya na kagaya kagabi.  Panay ang buntong-hininga ko habang nag-iisip nang susunod kong gagawin. Kaya ko na bang lunukin ang dignidad ko para magkaroon ng trabaho? Kaya ko na bang sikmurain ang ganoong trabaho? Wala naman akong problema sa mga binebenta ang katawan para magkapera, iyon ang ang gusto nilang gawin at alam ko na kagaya ko, wala rin silang choice. Ngunit ang kaibahan kasi namin, baka hindi ko kayanin. Humugot muli ako nang malalim na paghinga bago lakas loob na sabihin sa sarili na kailangan kong kayanin. Patayo na ako sa kinauupuan ko nang may tumigil na isang magarbong sasakyan sa harapan ko. Napatingin ako roon kaya’t hindi kaagad ako nakapaglakad papaalis. Bumukas ang bintana ng backseat at napatingin ako roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Javier Benavidez doon. Alam ko na siya iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking kinahumalingan ko unang kita ko pa lang sa kanya noon sa bar na rati kong pinagta-trabahuhan. Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lamang siya. Naguguluhan ako kung anong ginagawa niya rito. “Hi,” bati niya sa akin at ngumiti. “Triana Lopez, right?” Nagulat ako sa sinabi niya. Unang-una, hindi naman kasi namin sinasabi sa mga customer namin ang buong pangalan namin, kaya nakakapagtaka na nalaman niya ang apelyido ko. Wala ako sa sariling tumango. Naguguluhan pa rin kung bakit siya naririto at kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko. Ngumiti muli si Sir Javier sa akin bago buksan ang pinto ng backseat at bumaba ng sasakyan. “Can we talk? Ihahatid na rin kita kung saan ka papunta.” Malalim ang boses ni Sir Javier pero sa hindi malamang dahilan ay nakakagaan iyon ng loob. Hindi ito iyong tipo nang boses na katatakutan mo. Hindi ko alam. Nagdadalawang isip akong sumama. Naandito pa rin naman kasi iyong pagtataka kung bakit niya ako kakausapin. Noong customer ko siya sa bar ay hindi niya ako masyadong kinakausap tapos ngayon ay gusto niya akong kausapin? “I just want to talk to you. Wala akong masamang balak sa ‘yo, Triana.” Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Muli siyang ngumiti sa akin at iginaya ako papasok ng mamahalin niyang SUV. Hindi na rin naman ako tumanggi at sumakay na roon. Sumunod din naman kaagad siya. Bahala na. Kung ano mang mangyari ay tatanggapin ko na lang. Sa sitwasyon ko ngayon ay wala rin naman akong mapupuntahan. Ayokong umuwi nang walang trabaho. Umandar ang sasakyan. Nakakahiyang gumalaw, ni ang paghinga ay nakakahiyang gawin. Sobrang gara ng kanyang sasakyan na parang hindi ako maaaring kumilos dahil baka madumihan ko lang ito. “I visited the club you were working at earlier, hinahanap kita kasi may gusto akong itanong sa ‘yo. Your manager told me you get fired last night.” Naramdaman ko ang titig niya sa akin ngunit nanatili akong nakayuko, nahihiya akong lumingon sa kanya. “Opo, hindi na po ako roon nagtatrabaho,” nahihiyang sambit ko. Marahan kong pinisil ang aking kamay para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko ngunit parang hindi iyon nababawasan. “Can I ask what happened?” Sinilip ko si Sir Javier at kaagad ding nag-iwas. Napansin ko na parang nag-aalala siya sa akin na ewan. Hindi ko ganoong mabasa ang kanyang ekspresyon. Ang tanging malinaw sa akin ay ang malakas na kalabog ng dibdib ko. “Hindi ko po kasi ginawa iyong pinapagawa sa akin kagabi ng isang customer. Nagkasagutan po kami ng manager kaya pinaalis ako roon.” Mas lalo akong yumuko. Nanliliit ako habang nakikipag-usap sa kanya. “I see,” matipid niyang sagot sa akin, “ibig bang sabihin niyan ay wala kang trabaho ngayon o nakahanap ka na?” Umiling ako. Wala pa naman kasi talaga akong nahahanap na trabaho. May naiisip ako. Gusto ko naman si Sir Javier unang kita ko pa lang sa kanya noon sa club kaya siguro kung sa kanya ko ibebenta ang katawan ko…baka sakaling kayanin ko. Hindi ko alam kung tama ba itong iniisip ko. Kailangan ko lang talaga ng pera. Baka sakaling kapag nagawa ko ng isang beses ay makayanan ko nang gawin sa ibang tao. Huminga ako nang malalim bago lakas loob na tumingin kay Sir Javier. “Bakit niyo po ako hinahanap? May kailangan po ba kayo sa akin? Kagaya po ba ng customer ko kagabi ay gusto niyong…gusto ninyong makipag-s*x sa akin?”  Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko, ngunit kung sasabihin niya na oo ay papayag na lang siguro ako basta may kapalit na pera. Hindi ko na talaga alam saan ako kukuha ng pera, kung saan ako magtatrabaho. Nagbubuhol-buhol na ang mga rason sa isipan ko. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi ko. Maging ang kanyang driver at isa pang lalaki sa harapan ay mukhang nabigla sa sinabi ko dahil napatikhim sila at para bang nabulunan. “Ha?” naguguluhan niyang tanong sa akin. “Sorry, sir. Iyon lang po kasi ang naiisip kong maaaring rason bakit kayo bumalik sa club para hanapin ako.” Nakakahiya! Hindi ko alam pero bigla naman akong ginapangan ng hiya ngayon. Marahang natawa si Sir Javier sa aking sinabi bago umiling. Ngumiti siya sa akin nang mabawi ang sarili sa pagtawa. Ang aking pisngi naman ay nag-iinit at namumula dahil sa sinabi ko kanina. “No, hindi iyon ang dahilan bakit kita hinahanap. Bakit mo naman iyon naisip?” Nawala ang kanyang pagngiti. “Iyon ba ang laging dahilan ng mga nakakasalamuha mo kaya ganyan ang iniisip mo sa akin ngayon?” Hindi ako nakasagot. Madalas naman talaga ay ganoon. Minsan ay hindi man nila sabihin ay nakikita ko ang pagnanasa sa kanilang mga mata. Bumuntong hininga si Sir Javier. Nakita ko ang pag-iling niya. “Hindi iyon ang dahilan ko, Triana. You caught my attention the moment I lay my eyes on you. You look familiar. Parang nakilala na kita noon—no, mas magandang sabihin na may kamukhang-kamukha ka na kakilala ko noon.” Nag-angat ako ng tingin kay Sir Javier at nakita ko ang matipid niyang pagngiti sa akin. “Sino po?” Hindi ko rin naman mapigilan na mapaisip kung sinong kamukha ko. Hindi naman talaga imposible na may mga kamukha ang mga tao pero…hindi ko mapigilang mamangha sa mga sinasabi niya. Ngumiti siya sa akin at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko tuloy alam kung tunay ba ang mga ngiti niyang iyon. “An important person; my most beloved,” matipid na sabi niya. Bakas sa bawat salita niya ang kalungkutan. “You mean your wife?” Sa pagkakatanda ko ay wala na siyang asawa. Iyon ang pagkakaalala ko sa mga sinabi niya noong una kaming nagkakilala. Hindi siya sumagot sa akin at ngumiti lamang. Hindi ko tuloy alam kung sapat na ba iyong kumpirmasyon. Nakakamangha naman talaga kung kamukha ko ang asawa niya, lalo na’t hindi naman ako related sa kanila. Posible kaya iyon? “Anyway, let’s grab some dinner first. Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Marahan at matipid akong umiling. Sa rami ng iniisip ko ay hindi ko nga naisip ang pagkain. Hindi rin naman ako nakakaramdam. “Hindi pa po,” magalang na sagot ko. Tumango siya sa akin at sinabi sa driver ang pangalan ng isang tanyag na restaurant. “Sa Ben Avid tayo,” utos niya sa driver na kaagad namang kinatanguan nito. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon. Hindi ba at sikat na restaurant iyon? Ang pagkakaalam ko pa, ginto ata sa mamahal ang mga pagkain doon tapos doon niya ako dadalhin?  Napatingin ako sa sarili ko. Ang bihis ko ay hindi naaayon doon. Bukod ba rito, wala akong pambayad! “Nako, Sir Javier! Huwag na po. Wala akong pambayad—” “You don’t have to worry about it, Triana.” Ngumiti siyang muli sa akin. Isang ngiting hindi ko matanggihan at nakapagpatunganga na lang sa akin. I am attracted to this man. Hindi ko rin naman maitatanggi na kahit may dalawang anak na siya kagaya ng sinabi niya noon ay makisig pa rin talaga siya. He can still get a girlfriend at my age at hello, bente pa lang ang edad ko. He can get any woman he wants. With that face, his physique, and with his money, lahat ng babae ay luluhod sa kanya. But I don’t want any of them. May kung ano kay Sir Javier na na-a-attract ako at hindi ko iyon mapunto hanggang ngayon. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng restaurant. Pinagbuksan pa nga ako ni Sir Javier ng pinto ng sasakyan. Hilaw akong ngumiti sa kanya dahil nahihiya talaga ako. Hindi na niya kailangan pang magsalita at sumenyas na lamang sa waiter. Kaagad kaming nakakuha ng private room. Laglag ang panga kong nakatitig kay Sir Javier habang sumusunod sa bawat yapak niya patungong private room. Garbe, para siyang batas dito. Hindi na niya kailangang ibuka pa ang bibig niya para lamang malaman ng mga waiter ang kanyang ipag-uutos. Inasikaso kami nang nasa loob na kami ng private room. Kaagad akong binigyan ng menu at nahihiya ko naman iyong kinuha sa waitress. “Please, order all you want, Triana,” saad ni Sir Javier.  Nahihiya akong ngumiti sa kanya bago tumingin sa menu at halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ko iyon. Parang gusto ko na lamang magtubig. Ang mamahal ng mga nasa menu. Ang pinakamura ay nasa libo pa rin. Ultimong juice ay kay mahal. Ano bang mayroon sa juice nila? May ginto ba ang pataba sa lupa ng punong pinagkuhanan nila? Napalagok ako sa sariling laway ko bago tumingin kay Sir Javier na umiinom ng wine at hinihintay akong umorder. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko makayanan ang mga presyo ng pagkain dito nang hindi napapahiya? “May problema ba?” tanong niya sa akin nang mapansin na nakatitig lamang ako sa kanya. “Sir, ang mahal po ng mga pagkain dito. Nakakahiyang kumain.” s**t talaga! Nakakahiya pa rin iyong sinabi ko! Marahang tumawa si Sir Javier. “If you’ll let me, ako na ang o-order para sa atin.” Hindi ako umangal sa kanyang sinabi at tumango na lamang. Hinayaan ko si Sir Javier ang magsabi ng mga pangalan ng pagkain sa waiter at iniabot ko naman sa isa pa ang menu. Grabe! Hanggang ngayon hindi ako maka-getover sa presyo ng mga pagkain dito. “Sir, nakakahiya po talaga. Dapat ay hindi niyo na po ako dinala rito. Okay naman na po ako turo-turo o hindi kaya ay sa fast food—” “It’s fine, Triana. Hindi mo kailangang mahiya. Isa pa, we own the place. Mas maganda kung tatangkilikin ko ang sarili naming restaurant kaysa dumayo pa sa iba, hindi ba?” natatawang sambit niya sa akin. Napakurap ako sa sinabi niya. Sa kanila itong restaurant na ito? Ben Avid—Benavidez! Oo nga, ‘no? Bakit hindi ko iyon kaagad naisip? Mabilis dumating ang mga pagkain. Halos malaglag na naman ang aking panga nang makita ko ang dami ng inorder ni Sir Javier para sa amin.  Habang kumakain ay kinakausap niya ako. Magaan naman siyang kasama. Hindi siya nakakatakot. Sa katunayan niyan, parang ang tagal na naming magkakilala. Nasabi ko sa kanya ang sitwasyon ko at kung anong ginagawa ko bago niya ako makita sa daan. Kita ko ang simpatiya sa mga mata niya kaya matipid akong ngumiti. “If you want, I can give you a job—” “Nako, Sir! Wala pa naman po akong tinapos. Wala po kayong mapaglalagyan sa akin,” natatawa kong sabi sa kanya. Isa pa, ang dami niya nang ginawa sa akin ngayong gabi, nakakahiya. Baka isipin niya ay inaabuso ko naman ang kabaitan niya. Alam ko naman na kaya niya ito ginagawa ay dahil may kamukha ako. Siguro nga ay iyong asawa niya kaya siya ganito kabait sa akin. Pero hindi ibig sabihin nito ay dapat ko nang abusihin. Nang matapos kaming kumain ay inanyayahan niya akong ihahatid ako sa bahay. Tatangkain ko pa sanang tumanggi nang magsalita siya.  “I won’t take no for an answer, Triana. Ihahatid na kita.” Binuksan na niya ang pinto ng backseat at sinenyasan akong pumasok na roon. Wala na akong nagawa at pumasok na sa loob. Sinabi ko kung saan ang bahay namin at dinala naman ako ng sasakyan niya roon. “Dito na lang po.” Nakita ko kasi ang mga kapatid ko sa may labas ng bahay ng kapitbahay namin. Ibig sabihin ay wala pa si Mama. Maipagpapabukas ko pa naman siguro ang galit niya dahil wala pa rin akong bagong trabaho. Bumaba na ako ng sasakyan at sinalubong kaagad ako ng mga kapatid ko. Niayakap ko sila at tinanong ko kung nakakain na ba sila. Umiling ang dalawa kaya’t nginitian ko sila dahil may mga dala akong pagkain. Masaya silang tumakbo papasok ng bahay namin dahil sa sinabi kong may pagkain akong dala. Bago sumunod sa kanila ay nilingon ko si Sir Javier upang makapagpasalamat. “Maraming salamat po, Sir Javier.” Yumuko pa ako para ipakita ang pasasalamat ko. Ngumiti lang naman siya sa akin. Nagpaalam na rin ako nang mapansing wala na siyang sasabihin sa akin. “Triana…”  Natigilan ako sa pagtalikod sa kanya nang tawagin niya ako. May iniabot siya sa aking maliit na card na sa tingin ko ay business card niya. “Call me if you need help, okay? Good-bye.”  Hindi ko na nagawa pang makapagsalita sa kanya nang umalis na siya matapos iyon. Ibinalik ko ang titig ko sa business card niya at binasa ang buong pangalan niya. “Javier Antonius Benavidez.” Sa hindi malamang dahilan, nang binanggit ko ang apelyidong Benavidez ay naalala ko si Sir Zavian. I wonder if I’m going to see him again? Magkamag-anak kaya sila talaga ni Sir Javier?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD