CHAPTER 10: ENROLLMENT

2937 Words
Nakarating na kami sa isang subdivision dito sa kanilang lugar. Natatayugan ang mga bahay at halatang mahal ang isang square meter ng lupa. Hindi na ako magtataka, talaga namang mayaman ang pamilya nina Javier. Bumukas ang isang malaking itim na gate nang tumapat ang sasakyan ni Zavian dito. Pumasok naman kaagad ang kotse sa loob ng garaheng halos kasing laki na ata ng bahay na tinitirhan ng pamilya ko noon. Nang mamatay ang makina ng kotse ay tinangka kong buksan na ang pinto ng sasakyan nang pigilan na naman ako ni Zavian. “Stay here,” sambit niya bago bumaba ng kotse. Kumunot ang noo ko at naguguluhan pa sa sinabi niya nang makita ko siya sa gilid ng kinauupuan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tsaka laamang ako pinayagang lumabas ng kotse. “Thank you.” Iyon na lamang ang sinabi ko. Ang pangit naman kung hindi ako magpapasalamat sa ginawa niya, hindi ba? Ngumiti siya sa akin kaya’t napaiwas na naman ako ng tingin sa kanya. Iyong mga ngiti niya talaga ay hindi ko makayanang titigan kasi kumakalabog ang dibdib ko sa tuwing nasasaksihan ko iyon. “You’re welcome,” sagot niya sa akin. Pumasok na kami sa loob ng bahay nang may isang matandang babae ang sumalubong kay Zavian. “Naandito ka na pala, Zavi! Hindi ko alam na mapapaaga ka. Sana ay nakapaghanda man lang ako ng makakain. Si Audrey ay hindi pa umuuwi at nasa bahay nina Hara.” Tumingin sa akin ang matandang babae kaya’t namuo ang katanungan sa kanya. Halata naman sa kanyang mukha na nagtataka pa siya kung sino ako. Itinuro ako ng daliri niya bago tumingin kay Zavian. “Girlfriend mo ba? Hindi ko alam na dadalhin mo ang girlfriend mo!” Halos mataranta ang matandang babae sa sinabi. Ako rin ay nataranta sa sinabi niya. Hindi ako girlfriend ni Zavian at hindi ko rin maintindihan ang sarili bakit tumalon ang puso ko sa narinig na iyon. Tumawa si Zavian at pinakalma ang matanda. “How I wish, manang.” Pabulong ang pagkakasabi niya no’n pero narinig ko pa rin. Napatingin ako sa kanya at natulala sa sinabi. Mukha namang hindi iyon narinig ng matanda. “Manamg Dory, this is Triana, siya iyong girlfriend po ni Dad.” Nilingon ako ni Zavian at sinenyasan na makipagkilala. Kaagad ko naman iyong ginawa kahit na medyo balisa pa. “Nice meeting you po, Manang Dory.” Nakipagkamay ako sa kanya. Tinanggap niya naman iyon bago ngumiti nang malawak sa akin. “Nako! Ikaw pala si Triana. Akala ko ay girlfriend ka ni Zavian!” Tumawa si Manang Dory habang marahang hinahampas ang aking kamay. Tumingin din siya kay Zavian at halatang nahihiya sa pagkakamali. “Kay bata mo pa pala. Oh siya, sige. Maghahanda ako ng meryenda para sa inyo. Sandali lang.” Umalis si Manang Dory matapos iyon upang mag-utos sa ibang katulong na ipaghanda kami ng makakain. Ang ilan naman ay inihatid na ang mga gamit na dala sa aming mga silid. Naglakad na rin ako patungo sa may hagdanan. Hindi ko talaga makayanan na si Zavian lang ang kasama sa iisang lugar. Pakiramdam ko talaga ay matutunaw ako. “Triana…” Parang may dumaloy na kuryente sa likod ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Bakit ba lagi na lamang ganito ang reaksyon ko sa kanya? Maging ako ay naiinis kasi hindi ko maintindihan. Nilingon ko siya. Kailangan kong umakto na normal at hindi masyadong iniisip ang mga sinabi niya kagabi. Maaaring nagbibiro lang siya dala ng alak. Iyon ang gusto kong itatak sa utak ko bukod sa isiping panaginip lamang ang lahat. “Bakit?” Ngumiti ako kahit mukhang hilaw iyon. Ramdam ko rin ang panginginig ng labi ko dahil sa pagpipilit sa sariling ngumiti. “About what I said last night…” “Nako! Alin doon? Huwag mo nang isipin iyon. Dala siguro ng kalasingan kaya—” “Hindi ako lasing kagabi at alam ko lahat ng sinabi ko.” Naglakad siya papalapit sa akin kaya’t halos mawalan ako ng balanse dahil sa biglaan niyang paglapit. “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo kagabi, totoo iyon. Whether you like it or not, I am going to do everything, so my feeling will be reciprocated. I don’t care if you are dad’s girlfriend. I will make you mine.” Ramdam ko ang panlalambot ng aking tuhod sa sinabi niya. Muntikan pa nga akong matumba sa kanya nang agaran niya akong sinalo. Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya at kitang-kita ko na naman ang pagngisi niya. “Watch out, Triana, o baka mahulog ka sa akin.” Matapos niya akong matulungang tumayo nang maayos ay umalis na siya sa harapan ko. Naiwan akong tulala dahil hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Kapag hindi tulalang nakahiga sa kama ay gumugulong ako. Sinasabunutan ko pa ang sarili dahil paulit-ulit sa aking isipan ang mga sinabi ni Zavian. “Kailangan kong kalimutan ang lahat ng iyon. He’s the son of my boyfriend! Hindi siya pwedeng manligaw sa akin! Hindi siya pwedeng magkagusto sa akin!” paulit-ulit kong sabi sa aking sarili habang sinasabunutan ang sariling buhok. Hindi ko inaasahan ang ganito. Akala ko pa noong una ay mamaliitin ako ng anak ni Javier. Na sasabihin nilang tutol sila sa akin dahil pineperahan ko lamang ang tatay nila kahit hindi naman. Hindi iyong magko-confess pa sa akin iyong anak ng boyfriend ko na may gusto rin ito sa akin! Paano? How?! Uso pa ba ang love at first sight—well, oo, ganoon nga ako kay Javier noon pero mas nahulog lamang naman ako sa kanya nang siya ang nasa tabi ko noong mga panahong walang-wala ako. Pero si Zavian? Iisang beses pa lamang kami nagkita sa club at simula nang makarating ako rito sa kanila ay wala pa kaming maayos na pag-uusap kaya paanong may gusto siya sa akin? Hindi ko alam kung pinagti-tripan lang ba niya o totoo iyon. Mabilis ba siyang ma-attach sa mga tao? Baka kasi nangungulila siya sa kanyang ina kaya ganito? Ang gulo-gulo at maging nararamdaman ko ay magulo! Napalingon ako sa may bintana ng kwarto nang mapagtantong dumidilim ang kaulapan. Mukhang uulan pa ata. Tumayo ako at nagpunta sa balkonahe. Sininghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng probinsya. Grabe, ibang-iba talaga ito sa Maynila na nakagisnan ko. Ang sarap at nakakagaan lang sa pakiramdam. Niyakap ko ang sarili ko dahil malamig talaga. Nakikita ko na rin ang dahan-dahang pagpatak ng ulan. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang palayan. Sobrang payapa rito. Akala mo nagbabakasyon ako. Lumabas ako ng kwarto upang makapagkape. Ang sarap uminom ng mainit na kape kapag ganitong panahon. Wala naman akong naabutan na tao sa kusina kaya’t mas ikinagalak ko iyon. Alam ko na kapag may kasambahay rito ay hindi nila ako pakikilusin at ipagtitimpla pa. Kumuha ako ng mug at hinanap ko lamang ang pangkape. Nakakita pa ako ng coffee machine pero hindi ko na iyon ginamit. Mas gusto ko iyong tinitimpla ng mano-mano. Nakarinig ako ng yapak ng paa mula sa likod ko. Mukhang may pumasok sa loob ng kusina pero dahil abala rin ako ay hindi ko na iyon nilingon pa hanggang sa may maramdaman akong tao sa likod ko. “Excuse me,” sabi niya sa akin at itinuon ang kanyang kamay sa may gilid ko kaya’t napatigil ako sa pagtitimpla ng kape. Lumapat ang dibdib niya sa likod ko kaya para na naman akong nakuryente. Napansin ko na may inaabot siya sa may cupboard at kinakailangan na ganito siya kalapit sa akin upang makuha niya lamang iyon. Ako ay nanatiling nakatayo roon at hindi makagalaw, para akong nanigas. Amoy na amoy ko ang bango ni Zavian. Magkahalong shower gel niya iyon at mamahaling pabango. Mukhang kakatapos niya lamang maligo. Napatingin ako sa kinuha niya. Kumuha rin pala siya ng mug. “M-Magkakape ka?” “Hmm, oo,” sagot niya sa akin. Ayoko mang kausapin siya dahil hindi talaga ako komportable sa presensya niya ay wala rin naman akong nagawa kung hindi alukin siya na ipagtitimpla ko na lamang siya ng kape. “Isasabay ko na. Akin na ang mug mo.” Hindi ko siya tiningnan at hinintay ko na lamang ibigay niya sa akin ang mug niya. Ipinatong naman ni Zavian iyon sa tabi ng mug ko. Huminga ako nang malalim. Tahimik akong nagtitimpla ng kape naming dalawa habang siya naman ay tahimik sa gilid ko. Hindi man ako tumitingin sa kanya ay ramdam ko ang mga mata niyang pinagmamasdan ang aking bawat galaw. “May creamer ba ang iyo? How about sugar?” hindi ko pa ring nakatinging tanong sa kanya. Nagpapanggap na lamang ako na masyado akong abala kaya’t hindi ko na siya matingnan pa. “How about you look at my direction, hmm?” Natigilan akong muli sa sinabi niya. Marahan siyang humalakhak bago gumalaw at mas lumapit sa akin. “Why are you ignoring me now, Triana? May nagawa ba ako?” Ang kanyang tono ay parang nagsusumamo at sinusuyo ka. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako sa kanya. Hindi ako pwedeng maapektuhan, okay? Huminga ako nang malalim at nagsuot ng isang ngiti bago tumingin kay Zavian. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha nang magkasalubong ang aming mga titig. “Lalagyan ko ba ng creamer o sugar?” Umawang ang kanyang labi nang marinig ang tanong ko. Alam ko na namamangha siya dahil nagpapanggap akong hindi narinig ang mga sinabi niya kanina pero naisip ko rin na hindi iyon dapat pagtuunan pa ng pansin. “No, just black coffee,” sagot niya sa akin sabay laro sa kanyang dila at kagat sa kanyang labi. Oh, damn! Iniiwas ko kaagad ang ang tingin sa kanya dahil para naman akong namamawis ngayon sa nasaksihan kong paglalaro niya sa kanyang dila at pagkagat sa kanyang labi. s**t ka talaga, Triana! Matapos kong itimpla ang kape niya ay ibinigay ko iyon sa kanya. Tipid akong ngumiti bago siya lagpasan doon. Nagmamadali akong bumalik sa aking kwarto. Umuwi rin si Audrey nang araw na iyon kaya’t kahit papaano ay muling gumaan ang aking pakiramdam. At least, hindi ako masyadong magugulo ni Zavian dahil naandito ang kapatid niya. “Kuya, kailan ba ang uwi ni Dad? Uuwi pa ba iyon dito o babalik na siya ng Manila?” tanong ni Audrey matapos naming kumain ng hapunan. “Walang sinabi. Baka pumunta siya rito.” Nagkibit balikat si Zavian bago tumingin muli sa akin. Mabuti na lamang at mabilis ko iyong naiwasan. “Anyway, Triana, narinig ko na balak mong mag-aral sa school namin. Will you visit it? Kailan ka pupunta? May pasok kami bukas, baka pwede kang sumabay na sa amin.” Ngumiti sa akin si Audrey kaya’t napangiti rin ako sa kanya. “Hindi ko pa rin sigurado. Aayusin ko pa rin kasi iyong sa scholarship ko.” Baka mamaya ay hindi pa matuloy. Kahit naman confident akong kaya kong maipasa ang mga exams na dapat kunin, hindi ko maiwasang mapaisip na baka hindi ko makuha ang scholarship kahit na backer ko si Javier. “Maganda roon at quality. Panigurado akong magugustuhan mo sa school namin!” masayang sambit ni Audrey. Hindi ko tuloy mapigilang matuwa sa sinabi niya. Nang umalis si Audrey ay naisipan ko na rin na umalis. Hindi ko talaga kayang makasama si Zavian tapos kaming dalawa lang. Mamaya ay kung ano pang sabihin nito sa akin. Kinabukasan naman ay naging tahimik ang buhay ko dahil wala si Zavian. May pasok sila sa eskwela. Ang alam ko ay last week na ng pasukan nila ngayon at tapos na ang semester. Dalawang linggo na semestral break nila at magsisimula na ng panibagong semester. Doon ako magsusumikap na makahabol. Mabilis namang lumipas ang mga araw. Naging abala rin ako at minsanang lumuluwas kasama si Javier para asikasuhin ang aking scholarship. Nagawa ko namang makapasa sa exam na isinagawa at mukha namang maayos ang mga grades ko. Malaki raw ang chance na mapasama ako sa scholarship nina Javier. Ang sabi sa akin ni Javier noon ay kaya na naman daw niya talagang ilagay sa listing ang pangalan ko nang walang kahirap-hirap pero ayoko ng ganoon. Ayokong may naba-bypass ako. Gusto ko kung anong mararating ko ay dahil sa kakayahang mayroon ako. Halos hindi ako nakakauwi roon sa bahay nila sa Victoria dahil ang dami kong inaasikaso. Parang isang linggo rin ata akong hindi nanatili roon at madalas ay kasama ko si Javier. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko nakikita si Zavian. Alam ko rin ngayon na bakasyon na nila kaya paniguradong naroroon lamang iyon sa bahay o kasama ang mga pinsan sa kung saan. Hindi naman daw mahilig mag-out of town ang mga iyon o gumala sa ibang lugar. Nagagawa lamang daw nila ang mga gala kapag nagyaya o nagpa-plano ang mga babaeng pinsan nila. Kapag hindi ay hindi nagpa-plano ang mga lalaki. Pauwi na ako sa bahay nilang iyon. Isang linggo na lang din kasi ang natitirang araw sa akin upang makahabol sa second semester at makapag-enroll. Excited ako dahil sa wakas, matapos kong tumigil sa pag-aaral ay makakapag-aral na akong muli. “Hindi ako magtatagal sa Victoria. Ihahatid lamang kita roon at paluwas din ako kaagad,” sabi ni Javier sa tabi ko. Nang tingnan ko siya ay nakatitig siya sa kanyang cellphone. Alam ko naman na may mga trabaho siya pero halos wala na talaga kaming oras sa isa’t isa. Nakakalungkot but who am I to demand? Iniintindi ko na lang. “Saan ka papunta?” tanong ko sa kanya. “Papunta ako ng Cebu. Mamayang gabi ang flight ko kaya kailangan ko ring bumalik ng Maynila pagkahatid ko sa ‘yo. Sasabihan ko sina Zav na tulungan ka sa pagpapa-enroll mo sa school nila—” “Hindi na. Kaya ko namang mag-enroll mag-isa. Baka bukas ako.” Huminga ako nang malalim bago muling magbato ng tanong. “Matatagalan ka ba sa Cebu?” Tumingin siya sa akin at ngumiti bago ko makita ang kanyang pagtango. “Oo, matatagalan ako. Baka tatlong araw ako sa Cebu bago naman magtungo ng Bacolod.” Ngumiti na lamang ako at tumango. Mas pinili ko na huwag nang magtanong pa dahil alam ko na madidismaya ako sa mga isasagot niya. Hindi ako pwedeng maging demanding sa oras niya. Isipin niya pa ay ang isip-bata kong mag-isip. I should act in mature way. Kasi mature mag-isip ang boyfriend ko. “Manang Dory, nasaan po sina Audrey at Zavian?” tanong ko kay manang isang araw nang maabutan kong wala ang magkapatid. “Nasa school nila. May laro ng basketball sina Zavian kaya’t manunuod sina Audrey para suportahan ang mga pinsan at kapatid niya.” Nilingon ako ni manang. “Hindi ba at pupunta ka rin ng school ngayon para makapag-inqure? Dapat sumabay ka na sa kanila kanina.” “Hindi na po. Magta-tricycle na lang po ako. Alam ko na naman po ang papunta kasi nakita ko na po iyong school.” Naalala ko iyong sinabi niya kanina tungkol sa dahilan bakit wala ang magkapatid. “May laro po ng basketball ngayon sa school nila? Marunong maglaro sina Zavian?” Sabagay sa tangkad at pangangatawan naman talaga ng magpipinsan ay sa tingin ko athletic naman talaga silang lima. Hindi ko lang talaga akalain na tama ako. “Oo, nako! Magagaling ang mga iyon. Paniguradong mananalo sila mamaya. Anong oras pala ang punta mo sa school nila? Magpahatid ka na lang sa driver. Naandiyan naman iyong isang kotse. Ikaw na ang gumamit. Paniguradong hindi matutuwa sina Javier kung magta-tricycle ka pa.” Hindi na ako nakipagtalo kay manang at tumango na. Sinabi ko sa kanya na maliligo lamang ako at pupunta na rin sa school. Inayos ko ang mga gamit ko. Sinigurado na wala akong makakalimutang requirements. Nang matapos sa pag-aayos sa mga dadalhing dokumento at sa sarili ay lumabas na ako ng silid. Nagpaalam din ako kay Manang Dory bago umalis. Nakita ko naman ang driver na naghihintay na sa akin. Tiningnan ko ang oras at napansin na alas-diyes na. Malapit lang naman ang school kaya sa tingin ko hindi ako aabutin ng lunch break. “Manong, huwag niyo na po akong hinatayin dahil hindi rin po ako sigurado kung anong oras ako matatapos,” sabi ko sa kanya, “Magta-tricycle na lang po ako pauwi. Salamat po!” Hindi ko na hinintay si Manong Juan na sumagot at bumaba na ako sa kotse. Tumambad kaagad sa akin ang malaking gate ng unibersidad at malaking signage nito. Unibersidad de Victoria. Iyon ang pangalan ng school. Malaki ito na hindi mo aakalain na may ganitong kalaking eskwelahan sa ganitong kaliit na bayan pero mayroon talaga! Ang sabi rin nina Audrey ay maganda raw talaga ang turo rito. Nasa top schools din daw sila ng Pilipinas ngunit syempre ang ilan ay mas pinipili pa rin mag-Maynila kaysa ang manatili sa probinsya. Lumapit ako sa guard upang magtanong kung saan ang registrar. Kinuhanan niya ako ng ID at pinag-log in bilang isa akong bisita ng school. Ginawa ko naman iyon bago pumasok sa eskwelahan. Malaki ang soccer field at may ilang estudyante na naandito. Ang ilan ay nag-eensayo ng iba’t ibang sports nila at iba pang aktibidad at ang iba naman ay naandito rin para siguro mag-enroll. “Maglalaro raw ang mga Benavidez mamaya! Manuod tayo, ha!” Dinig kong sambit ng isang babae nang mapadaan sila sa may gawi ko. Napatingin lang ako sandali sa kanila pero nagkibit balikat na lamang. Alam ko na may laro sila dahil nabanggit nga sa akin ni manang. Subalit hindi naman iyon ang sinadya ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD