CHAPTER 11: SINNER

2443 Words
Sinunod ko iyong direksyong sinabi sa akin ng guard kung saan ang registrar at mabuti naman hindi ako naligaw. Nakarating ako roon at nakita ko na medyo mahaba ang pila. Pumila ako at naghintay na makausap ang registrar “Good morning po,” bati ko nang ako na ang kausap ng registrar, “transferee po ako. Mag-eenroll po sana for second semester.”  “Anong year at anong course mo, hija?” tanong niya sa akin na kaagad ko namang sinagot. “Entrep po. Second year.” Alam ko na napag-iwanan na ako ng mga kasabayan ko pero ganoon talaga. Minsan ay hindi naaayon sa iyo ang mga nangyayari sa buhay mo at hindi naayon sa akin ang makapag-aral sa oras. “Next window ang Bachelor of Science in Entrepreneurship, Miss. Kaya lang mukhang kanina ka pa nakapila. Akin na ang mga dokumento mo.”  Napangiti ako sa sinabi ng nasa registrar at kaagad na ibinigay sa kanya ang mga dokumentomg kakailanganin niya. Ipinasa niya naman iyon sa kasamahan niya. Sinabihan ako nito na maupo muna sandali at tatawagin ang pangalan ko kapag okay na. Naupo ako ng mahigpit sampung minuto nang marinig ko ang pangalan ko. “Ms. Triana Evadne Lopez?” Tumayo ako at kaagad pumunta sa window kung saan tinawag ang pangalan ko. Binigyan ako ng instruction na pumunta ako sa faculty department upang makausap ang secretary roon para makapagpa-enlist ako. Ginawa ko iyon at nang magawa iyon ng secretary sa department ng College of Business and Accountancy ay nagtungo na ako sa cashier para sa p*****t. Pinakanatagalan ako sa pagbabayad dahil marami ang nakapila. Ipinakita ko sa cashier ang mga kailangang dokumento para sa scholarship ko at kaagad naman nila iyong prinoseso. Bumalik ako sa faculty ng department namin para magpa-print ng registration form. “Ms. Lopez, balik ka na lang mamaya. Lunch break na kasi. Mga 1pm. Ipi-print ko kaagad ang registration form mo. Mag-lunch ka muna rin,” sabi ni Ms. Carmela, iyong secretary ng department namin. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya. Pumunta ako sa cafeteria para makapag-lunch. Hindi ganoon karami ang tao rito kaya sinulit ko na ito. Baka mamaya ay dumagsa at mahirapan akong makakuha ng bakanteng upuan. Bumili ako ng tanghalian ko. Ang mamahal lang din ng presyo. Iniisip ko tuloy kapag nagpasukan na, gusto kong magbaon na lamang ng pagkain. Naupo ako sa medyo dulo malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang malawak sa soccer field. May ilang nakatambay roon at ang iba naman ay nagpa-praktis. Naisipan kong kumain na lamang. Gusto ko na rin kasing umuwi na. “Oh, akala ko namamalikmata lang ako. Naandito nga si Triana.” Napalingon ako sa kanila at nakita ko sina Gio at Avion. Si Gio ay may hawak na bola ng basketball habang si Avion ay umiinom ng tubig sa gilid niya. Ngumiti ako sa kanila nang makita ko sila.  “Nag-enroll ka na? Dapat sumabay ka na lang sa amin noong isang araw,” sabi ni Avion matapos uminom ng tubig.  Naupo ang dalawa sa tapat na silya ko at nakipagkwentuhan pa. “May mga inasikaso pa kasi ako noong mga nakaraang araw kaya ngayon lang ako.” Napuna ko rin ang suot nilang mga jersey. “May laro kayo ng basketball, hindi ba? Good luck!” Sa lahat talaga ng mga lalaking Benavidez ay sa kanilang dalawa lamang magaan ang loob ko. Hindi rin naman kasi sila mahirap pakisamahan kumapara kina Zavian, Silas, at Hati na ang bibigat ng awrang nakapaligid sa kanila. “Oo, thanks! Mananalo naman kami.” Tumawa si Gio. Natawa rin ako roon. “Manuod ka. Tapos sumabay ka na lang kina Zavi mamaya pag-uwi.” Hindi kaagad ako sumagot. Wala talaga akong balak manuod dahil gusto ko nang umuwi. Ayoko rin makita si Zavian dahil…wala, iniiwasan ko lang siya. “Baka hindi na. Nagmamadali rin akong umuwi, eh.” Napayuko ako at kinuha na lamang iyong bote ng tubig na binili ko para makainom na ng tubig. Tiningnan ko na rin kung anong oras na. Malapit na rin naman mag-ala-una. “Sayang naman. Nakuha mo na ba registration form mo?” tanong ni Avion sa akin. Umiling ako at sinabi na babalikan ko pa iyon. May mga lalaking napadaan sa may gilid ko at tinawag sina Gio. Tumango naman sina Gio sa kanila bago muling tumingin sa akin. “Kapag may oras ka pa, manuod ka ng game! Tiyak may matutuwa—” Hinampas ni Avion si Gio bago tumawa nang malakas. Sinimangutan ni Gio nang una si Avion pero nakisabay rin naman sa pagtawa ng pinsan. “Pero manuod ka nga, Triana. Para sure win kami.” Tumayo sila matapos sabihin iyon ni Avion. “Anyway, mauna na kami. See you!” Umalis na rin sila matapos nilang magpaalam sa akin. Ngumiti rin naman ako sa kanila at kumaway. Hindi nagtagal matapos umalis nina Avion at Gio ay may dalawang babae kaagad ang lumapit sa akin. “Newbie ka rito? Maybe transferee?” tanong ng isa sa akin na may malaking hikaw. Tumingin ako sa kanya ngunit hindi sumagot. “Kilala mo ang mga Benavidez? Close ka sa kanila?” Napansin ko ang sabay nilang pagtaas ng kilay sa akin. Hindi ko iyon nagustuhan kaya’t nagpasiya akong huwag na lang silang pag-aksayahan ng oras. Sa tingin ko naman ay tapos nang mag-lunch break si Ma’am Carmela at makukuha ko na ang reg form ko. “Suplada! Akala mo kung sinong maganda. Porke’t kinausap lang nina Gio. Hmmp!” sabi naman ng isa nang lagpasan ko sila. Napairap ako sa hangin dahil sa narinig. Crazy fangirls, I guess. Sa tingin ko naman ay sikat talaga ang magpipinsan dito kaya’t may mga taga-hanga sila. Mas maganda siguro ang dumistansya sa kanila kapag naririto sa school para iwas ganito. Gusto kong maging tahimik ang buhay ko rito. Bumalik ako ng faculty at nakuha ko rin naman agad ang registration form ko. Nagdesisyon ako na sa pasukan na lamang bumili ng uniporme dahil isang linggo pa namang papayagang hindi nakasuot ng uniform. Papunta na ako sa gate ng school upang makauwi nang mapansin ko na nagtatakbuhan na ang mga kababaihan papunta sa isang lugar. Tiningnan ko iyon at napansin na papunta sila sa isang gym. Baka roon maglalaro sina Gio? Nagkibit balikat na lamang ako at nagpasiyang umalis na nang mapansin ko ang mga paa kong tinatahak ang daan papunta sa gymnasium. Mariin kong naipikit ang mata ko. Fine! Hindi naman siguro masama ang sumilip nang kaunti, hindi ba? Malakas ang sigawan nang makapasok ako sa loob ng gym. Marami ang tao at mukhang mainit na ang labanan. Naabutan ko ang bola ay hawak ni Gio na kaagad niyang ipinasa kanya Avion. Nang magsho-shoot na ito sa three-pointer line, biglang hinampas ng kalaban ang bola kaya’t nawala ito sa kamay ni Avion. Kaagad sumipol ang referee dahil sa nangyari at sumigaw ito ng: “Foul!” Nag-high five sina Avion dahil nagkaroon sila ng tatlong free throw. Hangang-hanga ako habang nanunuod sa magpipinsan. Silang lima ang nasa loob ng court at parang sobrang untouchable nilang magpipinsan. Halos tambakan nila ang kalaban nila. Nakita ko si Zavian na hawak ang bola at nang harangan siya ng kalaban ay inihagis niya na lamang bigla ang bola. Noong una ay akala ko hindi iyon magsho-shoot dahil ang layo pa niya sa ring pero nag-shoot iyon. Nakakuha muli sila ng three points. Natapos ang game nila at nanalo nang walang kahirap-hirap sina Zavian. Maraming babae ang lumapit sa kanila at kino-congrats sila pero mukhang sina Gio, Avion, at Hati lamang nag natutuwa sa atensyon. Sina Silas at Zavian ay mga walang ekspresyon at para bang walang pakealam na nanalo sila. Hindi ko namalayan na tinapos ko talaga iyong game! Ang sabi ko ay sisilip lamang ako but I ended up watching the whole game at oo nga, hindi maipagkakailang magagaling sila. Sa huling round nga ay hinayaan na nilang paglaruan ng ibang players sa school nila ang mga kalaban at naka-bench na lamang ang magpipinsan dahil sa laki ng agwat ng scores. Naisipan kong lumabas na. Uuwi na ako bago pa ako maabutan nina Zavian at makitang pinanood sila. Nagmamadali akong lumabas ng gymnasium nang may makabungguan akong lalaki na mukhang mula rin sa loob at nagkasabay kaming lumabas. Napatingin ako sa kanya at sinalubong ako ng kunot niyang noo. Base sa suot niyang jersey ay mula siya roon sa nakalaban nina Zavian. “Sorry, miss,” paghingi niya sa akin ng tawad. Ang kunot niyang noo ay nawala na rin. Sinabi ko naman na okay lamang iyon. “Saber!” sigaw ng kasama niya bago lumapit ang mga ito. Napatingin din sa akin ang mga kaibigan nitong nakabungguan ko at agad na namilog ang mga labi nila. Tinangka kong umalis na roon nang harangan ni Saber ang daraanan ko. “Hey, I haven’t gotten your name,” sabi niya sa akin, halatang nahihiya. Nakita ko ang pagngisi ng mga kasamahan niya. Napangiwi ako dahil wala naman akong balak sabihin sa kanya ang pangalan ko. “Sorry, kailangan ko nang umalis.” Tinangka kong makawala sa kanila ngunit muli nila akong hinarangan. Napabuntong hininga ako dahil sa ginagawa nila. “Just your name, miss. Ibigay mo na. Talo na nga kami sa game tapos hindi mo pa ibibigay ang pangalan mo.” Nagtawanan ang mga lalaki habang iyong Saber ay nakatingin sa akin at nakangiti, umaasa na ibibigay ang pangalan ko. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig upang matigil na sila nang may lumipad na bola at tumama iyon sa may ulo ni Saber. Kung hindi pa siya hawak ng kaibigan ay paniguradong matutumba siya sa lakas nito. “Tangina—” Hindi na naituloy ni Saber ang kanyang sasabihin nang makita namin kung sino ang bumato sa kanya ng bola ng basketball. It was Zavian! Sa likod niya ay si Silas na tamad na nakatingin sa amin habang si Hati naman ay natatawa sa gilid niya. Hindi kami masyadong napapansin ng ibang tao dahil abala sila sa kung ano mang nangyayari sa loob ng gym. “Hit on her and I’m going to hit your f*****g face,” mahinahaon ngunit matigas ang bawat pagbibitaw ni Zavian sa bawat salita. Kumunot ang noo ni Saber at akmang susugurin si Zavian nang pigilan siya ng mga kaibigan niya. “Tara na, Saber, tayo lang mabubugbog diyan,” bulong ng kaibigan niya. Hindi naman nagpaawat si Saber at mataman pa ring nakatitig kay Zavian. Kaagad akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay magsisimula sila ng away. “A-Aalis na ako,” sabi ko para maputol ang tensyon. Maglalakad na sana ako paalis doon nang may humawak sa pulso ko at higitin ako papalapit sa kanya. Nakita ko ang muling pagkunot ng noo ni Saber, samantalang ako ay nanlalaki ang mga mata sa gulat. “The next time I saw your face, I’m going to destroy it that even your parents won’t recognize you.” Matapos sabihin ni Zavian iyon sa matigas na Ingles kay Saber ay hinigit na niya ako papaalis doon. Narinig ko pa na tinawag siya ni Hati ngunit hindi na niya iyon pinansin. Napatingin ako kay Zavian, gustong hawiin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Ngunit nang makita ko ang galit niyang ekspresyon ay nagpahila at nanahimik na lamang ako. Tahimik lamang siya habang nagmamaneho pauwi. Panay naman ang pagtingin ko sa kanya, hindi ko pa rin alam kung anong kinagagalit niya. Humalukipkip ako at sumandal na lamang sa kinauupuan. Hindi na lang din ako nagsalita pa. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi kami nag-uusap. Palabas na ako ng kotse niya nang i-lock niyang muli ang pinto kaya’t kunot noo ko siyang tiningnan. Ngayon naman ayaw niya akong palabasin ng kotse niya? “Are you flirting with the Saber dude?” tanong niya sa akin. Madiin ang bawat salita at halata ang prustasyon at inis. Madilim rin ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Kumunot ang noo ko. “Hindi! Bakit naman ako makikipaglandian sa kanya?” Kung nakita niya nang maayos, paalis na ako pero hinaharangan nila ako. Sasabihin ko lang naman ang pangalan ko para tantanan na nila ako. “Bakit mo ibibigay ang pangalan mo?!” giit niya. Ang kilay niya ay magkasalubong, halatang galit. Magsasalita na sana ako nang may mapagtanto ako. Bakit kailangan kong magpaliwanag? “Bakit kailangan kong magpaliwanag sa ‘yo?”  Kung may tao mang dapat kong bigyan ng paliwanag ay si Javier iyon at hindi siya dahil si Javier ang boyfriend ko. Pero wala naman talaga akong ginagawang masama na dapat ikagalit niya. Natigilan siya sa sinabi ko. I saw him poking the inside of his cheek using his tongue. Halatang nagpipigil na magsalita.  Tinitigan lamang ako ni Zav. Nakipaglaban lang din naman ako ng titigan sa kanya. Una akong nag-iwas dahil para akong napapaso. “Papasok na ako sa loob ng bahay.” Ako na ang nagtanggal ng lock ng pinto ko at bumaba ng kotse. Narinig ko pa ang paghampas ni Zavian sa manibela ng kantang kotse. Dali-dali akong naglalakad papunta sa loob ng bahay. Kakasampa ko pa lamang sa baiting ng hagdanan ay naaninag ko na kaagad si Zavian na pumasok ng bahay. Nagmadali ako paakyat ng pangalawang palapag upang makapasok sa kwarto ko. Isasara ko na ang pinto ng silid nang pigilan ni Zavian ang pagsasara ko nito gamit ang isang kamay. Narinig ko ang ingay nang ihampas niya ang palad niya sa pinto. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nanlalaki ang mga mata. “I’m damn jealous, Triana, sana lang alam mo iyon.” Bahagya siyang yumuko upang ilapit ang kanyang mukha sa akin kaya bahagya akong umusod papalayo sa kanya. “Masyado na akong nagseselos sa relasyon niyo ni Dad at hindi na ako makakapagtimpi pa kung may isang lalaki pang aaligid sa ‘yo.” “Zavian, please lang, tigilan mo na nga ang pagsasabi ng mga ganyang salita sa akin.” Hindi na talaga ako komportable at parang may nagwawala rin sa tiyan ko sa tuwing sinasabi niya iyon.  “Tigilan mo ako sa kakasabi mo na gusto mo ako dahil imposible iyon—mali iyon!” He scoffed. Napatingin ako sa kanya dahil sa reaksyong ibinigay niya sa akin. Nakaangat ang gilid ng kanyang labi na para bang natatawa siya sa isang bagay na sinabi ko. “If liking you is a sin, Triana, I am willing to be a sinner.” Akala ko ay iniwan na ako ng kaluluwa ko nang mga oras na iyon dahil sa binitawan niyang mga salita. Hindi na talaga maganda ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD