Chapter 1

1104 Words
Angelo Cervantes "Bro, hindi ka pa ba titigil sa panliligaw r'yan kay Tanya? Ilang taon ka na bang nanliligaw r'yan hanggang ngayon hindi ka pa rin sinasagot. Kung ako sa'yo, ititigil ko na ang panliligaw sa kanya." ani ni Vince Morales. Kaibigan ko at kapareho ko na nag-aaral ng medicine. "Tama si Vince, Bro. Sayang lang ang effort mo. Kung gaano mo siya katagal niligawan, gano'n ka rin katagal nagmumukhang tanga." ani ni Tristan Vasquez. Kaibigan ko rin na kinuha naman Business Management kagaya ng kay baby loves. Teka nga, mga kaibigan ko ba talaga ang dalawang 'to? Bakit ginaganito ako ng dalawang 'to? Parang hindi mga kaibigan. Hindi supportive. Nakakasakit sila ng feelings, a. "Aray naman! Ba't kayo nambabatok? 'Pag ako nabobo kayo mananagot sa Tatay ko." Hinihimas ko ang ulo ko na binatukan nitong dalawa. "Hindi ka nakikinig, e. Siguro nag-iisip ka na naman ng panibagong pakulo para do'n sa Tanya na 'yun." Vince. "'Pag ako dinamay mo na naman d'yan sa kalokohan mo magsulian na tayo ng kandila." ani ni Tristan saka nag-walk out. Wala naman akong naalalang nagbigayan kami ng kandila. Sapatos siguro, oo pero kandila. Minsan talaga 'tong si Tristan makakalimutin. "Bro, maawa ka naman sa sarili mo. Itigil mo na 'yang panliligaw mo sa kanya hangga't maaga pa." ani ni Vince saka nag-walk out rin. Maaga? E, hapon na ngayon. Ito naman si Vince nahawa na kay Tristan. Pero may point din naman sina Vince at Tristan. Nagmumukha na akong tanga sa kakasuyo kay Baby loves. Pero paano ba 'yan naniniwala ako sa kasabihan na 'Habang may buhay. May pag-asa' at naniniwala rin ako na 'The way to a man's heart is through his stomach' "Alam ko na! Ipagluluto ko siya ng specialty kong menudo ala Gelo." Sabi ni Nanay Caring masarap daw akong magluto ng menudo. Walang kapares. -----***----- "Anak, ano ba yang niluluto mo?" ani ni Nanay Caring nang maabutan niya akong nagluluto sa kusina. Si Nanay Caring na ang nag-alaga sa'ming magkakapatid mula pagkabata at hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa'min. "Menudo ala Gelo po, Nay Caring. Daldalhan ko po ng lunch si Tanya my Baby Loves bukas." Habang nilalagay ko na sa kawali ang mga ingredients sa lulutuin kong menudo. Hmmm! Ang bango. Magugustuhan kaya niya to? "Tanya? 'Yun ba 'yung kapatid nina Hera at Athena?" "Opo, Nay Caring." "Kayo na ba? Ang tagal mo ng nanliligaw do'n." Hinarap ko si Nay Caring at hinawakan ang kanyang dalawang balikat. "Hindi pa po pero pakiramdam ko po malapit na niya akong sagutin." Sana nga. -----***----- Tanya Davin "Girl, ayan na naman 'yung manliligaw mong taga-Medicine department at mukhang iba na naman ang dala ngayon." ani ni Liza. Napatingin ako ng diretso and then I saw him again walking towards me wearing his wide smile. Talaga bang hindi pa siya nagsasawa sa mga pinaggagawa niya? "Good morning, Tanya my baby loves. Hindi na muna kita kukulitin ngayon may quiz pa kasi kami. Ito nga pala. Luto ko yan. 'Wag kang mag-alala wala akong nilagay na gayuma r'yan. Paalam baby loves. " ani ni Angelo saka kumaripas ng takbo. "Waah! Ang sweet niya talaga. Inuna ka pa niyang bigyan ng pagkain kaysa ro'nsa quiz niya. Naku! Besty, ano pang hinihintay mo sagutin mo na 'yan." Kinilig na aniya. Ilang taon na ring nanliligaw sa'kin si Angelo ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha siyang sagutin. Sa una, hindi ko talaga siya pinapansin puro kasi kalukuhan ang alam ng lalaking 'yun. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Papz at kapatid naman siya ng mga napangasawa ng mga kapatid ko kaya kilala ko na ang pagkatao ng lalaking 'yun. "Ano ba ang kulang ng isang Angelo Cervantes? Gwapo na. Mabait pa. At saka besty ilang taon na nanliligaw sa'yo 'yung tao." aniya. "Alam mo na ang sagot sa tanong mo na 'yan." "Na hindi ka pa handang pumasok ulit sa isang relasyon? Besty naman, matagal na nangyari 'yun. Tahimik na ang isang 'yun sa kabilang buhay at deserved niya 'yun." First year college pa ako no'n nang nagkaroon ako ng boyfriend. He was my first love. Everyday pinamadama niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal at sa tuwing kasama ko siya ay palagi akong nasa cloud 9. Ngunit ang lahat ng ginagawa at pinadama sa'kin ay ginawa at pinadama niya rin sa iba. Nalaman ko na lang na lima kaming pinagsasabay niya sa araw na naaksidente at m namatay kasama ang panglima niyang girlfriend. "Ewan ko sa'yo, Besty. Kapag 'yan sumuko na at makahanap ng iba 'wag kang iiyak-iyak sa'kin." "Ewan ko rin sa'yo. Kumain na nga tayo." Pagbukas ko ng tupperware na bigay ni Angelo bumungad sa'kin ang napagandang presentasyon ng menudo. "Talagang in love na in love sa'yo si Angelo. Nakakahiya tuloy manghingi." E, kasi naman 'ang patatas, carrots at sayote ay kurting puso. Ibang klase rin ang isang 'to. Mas cheesy pa ata 'tong si Angelo kay CJ. "'Wag ka ng mahiya. Hindi ko rin naman mauusob 'to." Grabe rin kasing magbigay itong si Angelo parang tatlong araw akong hindi kumakain sa sobrang dami ng binigay niya. "Besty, ang sarap pa lang magluto ni Angelo. Pwede na kayong mag-asawa ." aniya sabay subo. Kada na lang subo niya lagi siyang nagko-komento. Keyso masarap daw. "'Wag ka ngang magsalita na may laman yang bunganga mo, natatalsikan na ako, o!" Mahinang saway ko. Para kasing bata kung kumain ang kalat-kalat. "Grabe naman 'to. Hindi naman tumatalsik yung mga kinain ko." Hindi ko na siya pinansin at ibinalik ko ang tuon ko sa pagkain. Inferness! Masarap siya. "Oh! Di ba, Masarap? Naku! Besty, total package na ang papa mo kaya sagutin mo na. Kung sa'kin nanligaw 'yang si Angelo wala pang isang araw sinagot ko na 'yan." "So, nagsisisi ka na ako ang nanligaw at sinagot mo?" Sabay kaming napalingon ni Liza sa likod namin at isang masamang tingin ang sumalubong sa'min. Agad tumayo si Liza at sinalubong ng yakap at halik sa pisgi ang bagong dating. "PDA much." Bulong ko. "Mine naman, siyempre hindi. Ikaw ang Mr. Right ko, e." ani ni Liza kay Tristan na boyfriend niya. "Sinabi ko mo kanina kung si Angelo-" Pinutol ni Liza ang sinasabi ni Tristan. "Kung nga, diba? What If. Ikaw naman, selos agad. Halika nga rito at kumain tayo." Iginiya ni Liza sa harap namin si Tristan at pinaupo. "Ito Mine kumain ka masarap 'to. Luto ng best friend mo na bigay niya rito kay Besty." Nalipat ang tingin ni Tristan sa'kin. May nakita akong kakaiba sa uri ng tingin na ipinukol niya sa'kin. Pang-uuyam? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD