Angelo Cervantes
Meet me at the park 6pm sharp near at the university. Don't be late or else I will rip your bones.
Tanya
Kinikilig ako habang binabasa ang sulat ni Tanya my baby loves na iniwan niya sa locker ko.
"Pare, ano 'yan? Bakit para kang bulate na nilagyan ng asin r'yan?" ani ni Vince habang nilalagay ang mga gamit niya sa katabing locker.
"Bulate talaga? Hindi ba pwedeng kinikilig lang."
Sinuksok ko muna ang sulat ni Tanya sa bulsa ko para hindi mawala saka inilagay ang libro ko sa locker.
"Kinikilig? Hoy! Pare, tandaan mo kaibigan kita at hindi tayo talo."
"Gago! Hindi ako kinikilig sa'yo. Kinikilig ako sa sulat ni Tanya my baby loves ko. Basahin mo itong sulat na iniwan niya rito sa locker ko."
Kinuha ko sa bulsa ko at ibinigay sa kanya.
"Pare, parang sasagutin na ako ni Tanya my baby loves ngayon."
"Ipapahanda ko na ba ang mga balloon at confetti mo?" Hindi ko na lang pinansin ang sarkastikong aniya.
"Sige, Pare. Salamat. Mauna na ako bibili pa ako ng flowers. Kita na lang tayo mamaya."
-----***-----
"Magandang hapon, Aling Lilith." Bati ko sa suki kong may-ari ng flower shop.
"O, Angelo, magandang hapon din. 'Yun pa rin ba ang bibilhin mo?"
"Opo, Aling Lilith. Gandahan niyo po lalo para sagutin na ako ng nililigawan ko."
"Aba'y! Hindi ka pa rin pala sinasagot nililigawan mo? Bulag ba 'yun upang hindi makita ang kagwapuhan mo."
Kaya naging suki ako ng flower shop na 'to dahil hindi nagsisinungaling ang may-ari.
"Hindi naman po. Naninigo lang po na hindi kukupas ang kagwapuhan ko habang tumatagal."
Pareho kaming natawa ni Aling Lilith sa pinagsasabi kong katotohanan.
"O siya, ihahanda ko na ang bulaklak mo."
-----***-----
Alas sinco y medja ako nakarating sa park . Tamang-tama may tatlongpong minuto pa ako para maghanda ng speech ko kapag sinagot na ako ni Tanya my baby loves.
"Pare, hindi ko mahagilap si Tristan. May date ata sila ngayon ng girlfriend niya." ani ni Vince.
"Hayaan muna. Ano nakahanda na ba ang lahat?"
Instead na sagutin ako biglang pumito si Vince.
Unti-unting naglabasan sa mga kaibigan at kaklase namin na may hawak na balloons, confetti at may banner pa.
"Hayan masaya ka na? Be sure lang na hindi ka magmumukhang kawawa sa gabing ito."
"Hindi 'yan. Sige na. Magtago na kayo ulit baka makita pa kayo ng baby loves ko saka magme-memorize pa ako ng speech ko."
"Goodluck na lang sa'yo."
Pagkaalis ni Vince agad kong nilabas ang papel na sinulutan ko ng speech kanina sa flower shop habang hinihintay ang bulaklak ko kanina.
'Tanya my baby loves, salamat at sinagot mo na rin ako. Pangako hindi ka magsisisi ng sinagot mo ako. Mahal na ma-
"HOY!"
"AY! PINK NA PALAKA!" E, sa nagulat ako, e.
Dali-dali kong ibinalik sa bulsa ang papel nang makitang paparating na si baby loves.
"'Yung totoo, bakla ka ba?"
"Anong bakla? Halikan kita r'yan, e."
Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Sana hindi niya narinig.
"May sinasabi ka ba?"
"Wala. Wala. Siya nga pala, flow para sa'yo nakali--"
"Angelo, stop courting me.Wala akong maisusukli r'yan sa pagmamahal na sinasabi mo." Then she left.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng park.
Ilang taon na akong nanliligaw tapos 'yun lang ang nakuha kong sagot.
'Wala akong maisusukli r'yan sa pagmamahal na sinasabi mo.'
Sana sinabi niya noong una pa lang na wala akong pag-asa. Hindi ngayon na pinagmumukha niya muna akong tanga saka tinapon lang basta-basta.
"Pare, pinaalis ko na sila."
Naramdaman ko ang kamay ni Vince sa balikat ko.
"Tama kayo ni Tristan. Ang tanga ko."
-----***-----
"Pare, tama na 'yan. Nakakarami ka na." Awat ni Vince.
"Ang sakit pare, e. Hindi man lang siya nag-sorry. Kahit 'yun lang sana. Tristan, mag-order ka pa nga." Agad namang tumayo si Tristan at nagpunta sa counter.
Mayamaya'y bumalik si Tristan na may kasamang waiter at inilapag ang mga pina-order ko.
"Ayan, ubusin mo lahat ng 'yan. 'Wag kang mag-iwan ng kahit maliit na piraso ng pansit d'yan kundi imumudmud kita r'yan sa kinakain mong mami." ani ni Tristan.
"Walang hiya ka, Tristan ginatungan mo pa talaga. Paano kung maimpatso 'tong lalaking 'to?" ani ni Vince.
"O di ba, pagiging doktor ang kinuha mo? Kaya ikaw na ang bahala sa isang 'yan." ani ni Tristan.
Hindi ko na pinansin ang dalawang nagtatalo sa likod ko at pinagpatuloy ang kain.
Hindi sa nagmamayabang nakaubos na po ako ng tatlong mangkok ng mami, anim na piraso ng pork barbeque, isang buong lechon manok, siyempre kasama na rin ang kanin.
"At saka mas mabuting ma-impatso kaysa malasing. Malalagot pa tayo kay Tito Marcus." Pahabol ni Tristan.
"Burp. Excuse me."
Nahinto ang dalawa at masamang napatingin sa'kin.
"O, problema niyo?"
-----***-----
Tanya Davin
Tama lang ba 'yung ginawa ko?
Siguro, oo.
Dapat nga matagal ko ng ginawa 'to para hindi umasa 'yung tao.
Hindi ko kasi makuhang bustedin si Angelo noon.
Inaamin kong nagagalak ang puso ko sa mga effort na pinapakita niya kaya lang hindi pa rin 'yun sapat para mawala ang takot kong magmahal muli.
Sabihin na ng iba na ang selfish ko dahil pinaabot ko pa ng ilang taon ang panliligaw ni Angelo pero kasi hindi sila ang nasa posisyon ko.
"Sabi ni Tristan binusted mo na raw si Angelo. Bakit wala kang sinabi. Kainis ka."
Tumango na lang ako. Ayoko ng pag-usapan pa ang nangyari kahapon.
"Sana noon mo pa binusted 'yung tao. Kawawa tuloy si Angelo. Alam mo bang hindi raw nakapasok at nasa ospital ngayon si Angelo." Napahinto ako.
"Anong nangyari sa kanya?" Kinakabahan kong tanong.
"Na-impatso raw. Kain lang ng kain kasi kagabi kaya ayun hindi natunawan."
Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.
"Si Angelo lang ang kilala kong broken hearted na kain lang ng kain. Hindi tulad ng iba na magpapakalasing."
"Ito na ang order niyo ladies. Salamat sa paghihintay." Isa-isang nilapag ni Kuya Kevin ang mga order namin.
"Thanks, Kevin. Ikaw pa talaga ang nagdala ng order namin."
"Oo naman, special kaya ang customer namin. Sige enjoy your meal, ladies." ani ni Kuya Kevin bago bumalik ng kusina.
"Kyaah! Kilala mo ang poging 'yun? Pakilala mo naman ako, besty."
"'Wag na. May asawa na 'yun at saka gusto mong isumbong kita sa boyfriend mo." ani ko sabay inom ng juice.
"Teka, balik tayo sa pinag-usapan natin kanina."
Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong kumain.
"Ayon nga, kawawa naman si Angelo pinaasa, binusted at ngayon nasa ospital pa." Parinig niya.
Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Oo na masama na ako. 'Wag mo ngang ipagmukha sa'kin dahil kahit anong mangungunsiya mo hindi na magbabago ang desisyon ko." Kakainis talaga.
Ayaw ko na ngang pag-usapan pinipilit pa talaga.