"By the power vested in me. I now pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the bride."
Sa hinaba-haba ng prosesyon, sa tindi ng traffic sa edsa, sa pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin at higit sa lahat sa pagiging gwapo ko. Sa wakas nakaabot din sila sa simbahan.
"Mabuhay ang bagong kasal!" Nangingibaw ang boses ng kabarkada ni Patrick na si James Escobar.
"Congratulations, Patrick at Athena!"
"Best Wishes, Patrick at Athena!"
Akala niyo ako ang ikinasal no?
Naku, mukhang malayo pa 'yun. Hindi pa ako sinasagot ni Tanya my baby loves.
Bakla man kung sabihin ng iba pero na love at first sight ako kay Tanya my baby loves no'ng araw na ng kasal ng nakakatanda kong kapatid na si CJ at ng pinsan niyang si Hera.
At kung sinuswerte ka nga naman pareho pa kami ng pinapasukang university at magkalapit pa ang mga department namin kaya madalas ko siyang makikita.
Hindi siya tulad ng ibang babae na patay na patay sa akin kaya ko na in love ako sa kanya.
Matagal ko na rin siyang nililigawan at hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusuko. Mahal ko, e.
Mas lalo pa akong naging pursigidong manligaw sa dahil napapansin ko na ang nakakatuluyan ng mga kapatid ko ay ang mga pinsan niya baka naman kami rin ang nakatadhana sa isa't isa. Diba?
Iniisip ko pa lang na kami ang magkakatuluyan ni Tanya my baby loves kinikilig na ako.
'Wag kayo, marunong din kiligin kaming mga lalaki at din nakakabakla 'yun.
"Tito Gelo, you're so creepy. You smiling like an idiot. Let's go Alther." ani ni Carrie sabay hila sa nakakabatang kapatid na si Alther.
"Kaya ka nasasabihan ng idiot ng pamangkin mo nakangiti ka r'yang mag-isa." ani ni Tanya my Baby loves saka sumunod sa dalawa.
Kahit ganyan ang sinabi ni Tanya my baby loves hindi pa rin nabbawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Datapwat lalo ko siyang minamahal.
Teka, ba't ang tahimik na?
Nasa'n na sila?
Napalingon ako sa paligid.
Waaah! Ako na lang pala mag-isa rito sa loob ng simbahan.
Biglang nanindig ang lahat ng balahibo ko. Sabi nila, rito raw sa simbahan namamalagi ang mga kaluluwang hindi matahimik.
"Waaah! Sandali, hintayin niyo ko!"
Dali-dali akong napatakbo palabas ng simbahan. Mabuti na lang at hindi pa nakaalis ng tuluyan ang kotse ni Tanya my baby loves.