"Hanggang Kailan Ako Maghihintay Sayo"

1038 Words
"Hanggang Kailan Ako Maghihintay Sayo" "First Love, First Heartbreak" Pinilit paglabanan ni Lanie ang depression, ang hirap sa pakiramdam na di ka pwedeng magpahalata sa pamilya mo na may pinagdadaanan ka. Tuwing gabi na lang siya umiiyak. Kahit anong tawag niya kay Ronell ay di ito sumasagot. Kapag kinakamusta niya ito sa mga kaibigan ay tikom din ang bibig ng mga ito. Para na siyang mababaliw. Kung pwede lang siyang umuwi ng Batangas ay ginawa na niya. Naghintay na lang siya ng araw na ng pagdalaw ng lola sa bahay nito. Di niya malaman kung bakit parang kinakabahan siya, natatakot siya sa katotohanang matutuklasan ngayong araw. Dalawang linggo na din simula ng huling text ni Ronell. Pumunta siya sa bahay na tinutuluyan nito. Ang tita ni Ronell ang nakaharap niya, aligaga ang itsura nito. Kaya mas lalo pa siyang kinabahan. "Naku Iha, hinahanap mo ba si Ronell, ano kasi, paano ko ba sasabihin, katyempo din ng dating mo ahh," ang di-magkaintindihang sabi ng Tita nito. "Sabihin nyo na lang po ang totoo. Matatanggap ko naman po kahit masakit. Kasi di lang po malinaw ang lahat pero alam ko po na may nangyari. Yun po ang gusto kong malaman," naiiyak na si Lanie. Niyakap siya ng tita nito. "Tara iha, sumama ka sakin, pupunta tayo sa munisipyo," ang nasabi na lang ng tiyahen nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang papalapit na sila sa munisipyo. Nakita niya sa labas sina Arlene at Rosaline. Lalo siyang nagtaka. Halatang nagulat din ang mga ito. Inakay siya ng tita ni Ronell papasok sa munisipyo, nakita niyang sumunod ang dalawa niyang kaibigan. At parang gusto niya na lang mamatay ng sumambulat sa paningin niya ang napasukan sa isang kwarto sa munisipyo. Nakaputing bestida si Vanessa at nakapormal din ng suot si Ronell. May mga ilang bisita na nakaupo at mayamaya pa nga ay pumasok na si Mayor. Gustong himatayin ni Lanie sa nasasaksihang eksena, tama ba ang nakikita niya ikakasal na sina Ronell at Vanessa. Binulungan siya ng tita ni Ronell, "Iha buntis si Vanessa, at inobliga ng magulang si Ronell na panagutan ito, pero dahil wala pang 18 si Vanessa ay sa Mayor lang muna at kapag nag-18 daw ay saka sa simbahan magpapakasal." Ang tinding rebelasyon naman nito, ni sa hinagap ay di niya maisip na mangyayari sa kanila ito ni Ronell, nasaan na ang mga pangako nito sa kanya. Pero tinapangan niya, hindi siya magpapakita ng kahinaan sa mga ito, pati na din sa mga kaibigan niya na trinaydor siya. Nanood siya ng kasal ng dalawa at hinintay itong matapos. Ng sinabihan ang mga ito ng 'you may now kiss the bride' sa pisngi lang ni Vanessa humalik si Ronell. Pagkatapos kamayan ng mga ito ang nagsidalo sa kasal nila, lumapit siya sa mga ito. "Congrats sa inyong dalawa, kayo din pala sa huli, how sweet naman ng love story nyo," ang sarcastic na bati niya sa dalawa. "Pabayaan mo na lang kami Lanie, iniwan mo kasi si Ronell, kaya sorry na lang kung sakin nabaling ang pagmamahal niya sayo," ang ganting sagot ni Vanessa. "Vanessa pinakasalan na kita diba, kaya sana tumigil kana, pwede bang hayaan mo kami ni Lanie na makapag-usap," mababakas sa anyo ni Ronell ang paghihirap na nararamdaman. "Walang pag-uusap na mangyayari, saka eto na nga pala ang cellphone mo, tigil tigilan mo na ang pagtetext at pagtawag kay Ronell, wag kana sanang magpapakita samin," ang matalim na sabi ni Vanessa at hinablot na nito palayo si Ronell at sumakay na sa kotse. Naiwang nagpupuyos sa galit si Lanie. Lumapit naman sa kanya sina Rosaline at Arlene. "Sis pasensya kana kung di namin nasabi sayo ang mga nangyari, oo magkakaibigan tayo pero mas matagal na kasi namin kaibigan si Vanessa, nakiusap siya samin, lalo na nung malaman namin na nabuntis siya ni Ronell, tama lang na panagutan niya ito alang-alang sa bata, maunawaan mo sana kami," malungkot na sabi ni Rosaline. "Nahihirapan din naman kami sis, pero iniisip namin na baka di kayo ni Ronell ang para sa isa't isa kasi bakit ginalaw niya si Vanessa kung talagang mahal ka niya," dagdag pa ni Arlene. "Okay lang yun, di pa naman ganung kalalim ang pagmamahal ko kay Ronell kaya wag nyo na ako alalahanin, masaya ako para sa kanila, sige baka ito na muna ang huli kong pag-uwi dito sa Batangas, mag-ingat kayong dalawa," ang mapait na sabi ni Lanie. Anong di malalim ang pagmamahal, halos si Ronell na ang mundo niya, lahat ng mga pangarap at plano niya ay kasama ito, nagpapakaipokrita lang siya para di masyadong kaawaan. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan at tita ni Ronnel. Pag-uwi sa bahay ng lola at makapasok sa kwarto ay pinakawalan niya ang kanina pang kinikimkim na sama ng loob. Humahagulhol na siya sa pag-iyak, sobrang sakit naman ng naranasan niya, pero wala siyang mahingahan ng sama ng loob. Nakatulog na lang siya sa pag-iyak. Ngunit kailngan niyang magpakita na okay lang siya, sabay pa silang kumain ng lola niya at kinwento nya pa dito na nagpakasal na sina Ronell at Vanessa. "Aba nga, matutuktukan ko ang batang iyon, ang usapan ay magtatapos muna kayo ng pag-aaral bago magsipag-asawahan ehh. Sayang akala ko pa naman ay ikaw ang gusto nun, yun Vanessa pala," ang naiiling na sabi ng lola niya. Lumipas ang mga araw at nagfocus na lang sa pag-aaral si Lanie, simula noon ay wala na siyang narinig na balita mula sa Batangas. At dahil sa first love at first heartbreak niya, wala na din nakatibag sa pusong bato ni Lanie. Ayaw niya ng magtiwala sa lalake, kahit napakadaming nanliligaw sa kanya. Sa isip niya baka tumandang dalaga na lang siya. At bumalik sa kasalukuyan si Lanie, sa mahabang pagbabalik-tanaw sa una niyang pag-ibig, ngayon na malapit na siyang mag-37, mukha ngang tatandang dalaga yata siya, kamusta na kaya sina Ronell at Vanessa, malamang malalaki na ang anak ng mga ito, samantalang siya ay di pa nakakaisa, natawa na lang siya sa isiping iyon. Masarap din magbalik minsan sa nakaraan, ang sakit na napaghilom na ng panahon at isang alaala na lang. 20 years ago she madly deeply fall in love but at the same time she got hurt so bad. To be continued................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD