Hanggang Kailan Ako Maghihintay Sayo

4596 Words
"Hanggang Kailan Ako Maghihintay Sayo" EPISODE 1 "First Love; First Heartbreak" Laking Manila si Lanie, 3 silang magkakapatid at siya ang pangalawa. Ngunit sa kanilang 3 siya na lang ang wala pang asawa. Swerte naman ng mga ito kasi spoiled sa kanya ang mga pamangkin. Naalala niya pa noon kung paano siya maging mahigpit sa kapatid niyang babae tungkol sa pakikipagboyfriend. Siya kasi hanggang crush lang at wala sa kaisip isip ang pagboboyfriend at isa pa gusto niyang maging magandang ehemplo sa nakababatang kapatid. Nakafocus lang din siya noon sa pag-aaral at makatapos at saka niya na iisipin ang pakikipagrelasyon. Nasa third year highschool siya ng mapagdesisyunan ng magulang niya na pauwiin siya sa probinsya nila sa Batangas. Namatay kasi ang lolo niya at wala ng makakasama ang lola nila, kahit ayain nila ito na sa kanila tumira ay ayaw iwan ang bahay sa probinsya. Walang nagawa si Lanie sa desisyon ng magulang, naaawa din naman siya sa lola niya at malapit din siya dito. Sumapit ang araw ng pag uwi niya ng Batangas, hinatid siya ng pamilya niya at inasikaso na din ang pagtransfer niya ng school. Nanghihinayang pa siya kasi nasa top siya sa inalisang school, sana lang ay makahabol pa siya sa lilipatang school at maging top din. Napakaimportante kasi sa kanya ang pag aaral. Unang araw niya sa bago niyang paaralan, medyo kinakabahan siya. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante dahil siguro sa bago ang mukha niya sa mga ito. Ngumingiti naman siya at may ilang binabalikan siya ng ngiti at may mga umiirap din. Nangingibabaw kasi ang ganda ni Lanie, walang di makakapansin sa angkin niyang ganda, matangkad siya sa edad niyang 15 at mukhang mestisa. May lahing Amerikano kasi ang papa niya. Hanggang sa marating na nga niya ang classroom. Nakatingin lahat sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan habang hinihintay ang teacher nila. Lalake ang nakatabi niya at masama ang tingin sa kanya. Sa kabila niya ay babae at magiliw na nakangiti sa kanya. "Ako nga pala si Rosaline, Rosa for short, ikaw yun transferree, ano name mo?" "Melanie, Lanie na lang. Medyo madami pala tayong magkakaklase" "Oo at mababait lahat mga classmate natin pwera lang dyan sa katabi mo" sabay tingin sa katabi niya, " may sarili kasing mundo yang si Ronell" pabulong na sabi pa nito. Napatingin siya dito at malayo ang tingin nito. Pero in fairness gwapo ito, parang ito nga lang ang gwapo sa mga classmate niya. Hanggang sa dumating na ang teacher nila at pinakilala siya sa klase. Naging masaya naman siya sa bagong paaralan at siya pa ngayon ang nangunguna sa kanilang klase. Mas iba din siguro ang turo sa Manila kaya madali lang na nakaungos siya sa mga kaklase niya. Nagkaroon sila ng project at by partner ito, nagbunutan sila at laking gulat niya ng si Ronell ang mabunot. Sa unang pagkakataon nahuli niyang napangiti ito. Pero binalewala niya na lang ang nakita. "Naku kamalas mo naman sis, sa dami ng pwede mabunot, si Ronell pa talaga, di yan makikipagcooperate, kaw lang pagagawin nyan," iiling iling na sabi ni Rosa. Pero parang mas lalong nachallenge si Lanie, nahihiwagaan kasi talaga siya kay Ronell, aalamin niya kung bakit ganito eto. Ang sabi lang kasi ng mga classmate niya ay transferree lang din ito ng highschool at sa Baguio ito nag elementary. Ilag na daw talaga ito simula pa noon kaya pinabayaan na lang nila. Dumating ang araw ng paggagawa ng project nila, sa bahay ng lola niya ang napili nila. Ewan niya kung bakit may konting excitement siyang nararamdaman. Hanggang sa matanaw niyang nasa labas na ng gate nila si Ronell, ang gwapo talaga nito at medyo nakaramdam siya ng kilig. "Ronell pasok ka, nakapagdala kaba ng materials na kailangan natin para sa gagawin nating project," at binuksan niya ang gate at nagulat talaga siya ng makita na madami itong dala. "Oo naman, nagdala din ako ng meryenda natin, nakakahiya naman kasi sa lola mo, eto ibigay mo sa kanya," sabay abot ng pizza at coke. At nahipnotismo talaga siya sa ngiti ni Ronell, di niya kasi nakikitang ngumiti ito sa school nila. Kinuha niya na lang ang binigay nito at pinaupo sa salas nila. Ipinakilala niya ito sa lola niya. "Aba ka-poging bata mo naman totoy, baka ikaw ay kasintahan nitong aking apo, kahit boto ako dahil sa kapogian mo ay huwag muna ngayon at mga bata pa kayo" nagbibirong sabi ng lola niya. "Lola naman, alam nyo namang pag- aaral lang muna mahalaga sakin, wag kayo mag-alala, promise ko yan sa inyo lahat hanggat di ako nakakatapos ng pag-aaral di muna ako magboboyfriend," kindat niya pa sa lola niya. "Ako din po lola di din po muna ako magboboyfriend," biro din ni Ronell at napahagalpak sa tawa ang lola niya. Naging magkasundo ang lola niya at si Ronell. Kahit kelan di niya nakita ang katauhang ito ni Ronell sa school nila. Saka mali ang sabi ng mga kaklase niya na di ito makikipagcooperate, bagkus halos ito na ang gumagawa ng miniature nila, napansin nya din na magaling ito. Sa school kasi nila palaging pasang awa lang ang mga marka nito. "Ronell pwede ba akong magtanong ng personal sayo," kinakabahan niya pang tanong dito. "Basta kaya kong sagutin," at ngumiti pa ito sa kanya. "Yun personality mo kasi sa school at ngayon, parang magkaiba, pero wag ka maooffend hah.....masaya nga ako na nakakapag- usap tayo ngayon, sana nga ganito kana lang palagi" "Ganun ba...kasi sa school hindi ako komportableng kumilos. At parang nasanay na ako na mag-isa lang. Kasi mag-isa na lang naman talaga ako, simula ng mapunta ako dito sa Batangas, mga kamag-anak lang ni Daddy ang kasama ko dito, namatay kasi parents ko sa car accident, yun bunso kong kapatid nasa side naman ni Mommy," bigla itong lumungkot habang nagkekwento. Ngayon nauunawaan na ni Lanie kung bakit ganito si Ronell at nakaramdam siya ng awa para dito. "Simula ngayon gusto ko isipin mo na di kana mag-isa, andito ako para sayo, ituring mo akong parang kapatid mo" at hinaplos niya ang likod nito. "Ate o ineng ang itatawag ko sayo," sabay biro nito at nagkatawanan na sila. Parang may nabasag na pader sa pagitan nila at naging komportable na sila sa isa't isa. Naging madalas na din itong tambay sa bahay nila at welcome na welcome ito sa lola niya. Sa school naman ay di sila madalas makapagsama dahil may mga barkada din siyang babae. At kapansin- pansin din ang malaking pagbabago ni Ronell, dalawa na sila ngayon ni Lanie na nangunguna sa klase. Nakikipag-usap na din ito sa mga kaklase nila. "Iba talaga ang nagagawa ng love," biro ni Arlene kay Lanie. "Hindi ahh...para lang kami magkapatid ni Ronell, di kami talo," pero sa loob loob niya ay nahuhulog na siya kay Ronnel, ngunit hindi maari dahil sa pangako niya sa mga magulang at lola at syempre malay niya ba kung may nararamdaman din ito para sa kanya. Ronell Sebastian, 16 years old, 5"8, moreno at mukhang kastila. Papasa itong modelo o artista kung gugustuhin nito. Lumaki sa pamilyang may sinasabi sa lipunan. Dalawa lang silang magkapatid, 10 years old ang bunso niyang kapatid na babae. Lumaki sa pangangalaga ng mga yaya pero hindi naging hadlang para maging malayo ang loob sa magulang. Basta may pagkakataon ang mga ito ay namamasyal sila sa iba't ibang parte ng Pilipinas o ibang bansa man. Lumaking puno ng pagmamahal at palakaibigan. Ngunit nagkaroon ng matinding aksidente ang mga magulang nito ng 13 years old siya at dead on arrival. Napakainosente niya pa noon lalo na ang kapatid niya. At hindi niya din akalain na madaming utang ang mga magulang niya. Ang mga business ng mga ito ay kinuha ng mga business partner dahil sa malaking utang daw ng magulang nila, pati na din ang house and lot nila ay nailit ng bangko. Sa murang isip nila ay hindi maintindihan ang mga nangyayari, buti na lang andyan ang lola nila na palaging nakaalay sa kanilang magkapatid. Sa bahay ng mga lola nila sila tumira ngunit hindi naging maganda ang trato ng mga tito at tita nila sa kanila at sinasabing pabigat lang sila sa lola nila. Umabot pa sa konprontasyon na naging sanhi ng atake sa puso ng lola nila, mga isang linggo ito sa ospital bago binawian ng buhay. Sinisi sila ng mga kamag-anak nila hanggang sa tumawag ang mga ito sa kamag-anak ng Daddy niya sa Batangas, walang kapatid ang Daddy nila kaya sa isang pinsan lang nito siya napapunta. Ang kapatid naman niyang babae ay sa kapatid ng Mommy nila napunta at huling balita niya ay parang katulong daw ang trato dito. Wala siyang magawa kundi magalit at magkimkim ng sama ng loob. Nawalan na siya ng tiwala sa mga tao, ayaw niya ng makipaglapit kahit kanino. Masakit mawalan ng magulang at lola, napalayo din siya sa kapatid at trinatong di kapamilya ng mga dapat ay tumulong sana sa kanila. Ang tinitirhan niya ngayon ay halata niyang napipilitan lang din, ni hindi niya nga madalas makausap ang mga ito. Wala ng direksyon ang buhay niya. Pakiramdam niya nabubuhay lang siya dahil kailangan niyang mabuhay. Pero nagbago ang lahat ng una niya pa lang makita si Lanie, papasok pa lang ito ng classroom nila ay may kung anong kakaiba siyang naramdaman. Sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso niya at nagkaroon ng pagtatangi sa isang babae. Mabilis na lumipas ang mga araw, ang dating pinangingilagan na si Ronell ay isa ng campus crush ngayon. Simula ng maging palakaibigan na ito ay nagbago na ang tingin ng mga estudyante dito. At nalaman nila na may itinatago itong angking talino, siya na kasi ngayon ang nangunguna sa klase, pangalawa na lang si Lanie. "Sis totoo ba na walang something sa inyo ni Ronell," tanong ni Vanessa. "Wala, as in pure friendship lang yun saming dalawa, focus kami sa studies. Pag nga magkasama kami nyan sa bahay, puros aral lang ginagawa namin," ang sagot lang ni Lanie. "Eh di sis hindi ka magagalit kung sabihin ko sayo na crush na crush ko si Ronell, pwede bang gawan mo ng paraan na magkalapit kami," kumikinang kinang pa ang mata nito habang nakikiusap sa kanya, mukhang inlove nga. "Ha, para kasing wala pa sa isip nun ang panliligaw, pero susubukan ko sis," at parang may kung anong kurot siyang naramdaman sa puso. Sabado nun at maglalaba siya, nakatambay na naman sa bahay nila si Ronell, tinutulungan siya nito. "Ronell sating magkaklase sino ang napapansin mong maganda, diba malapit na ang JS Prom natin, sino ang kukunin mo sa kanila, sa tingin ko kasi bagay kayo ni Vanessa, diba ang ganda niya," habang sinasabi ni Lanie yun ay parang gusto niyang umiyak, pero hindi niya din naman kasi sigurado kung may nagugustuhan na nga ba si Ronell, ayaw naman niyang umasa dahil lang sa pagiging mabait sa kanya nito. At isa pa bawal pa siyang mainlove. Baka ito na din ang paraan para mawala ang nararamdaman niya dito kapag magkaroon na ito ng girlfriend. "Bakit mo naman ako pinapangunahan, baka di na lang ako umattend kung di ikaw ang kapartner ko," at lumungkot ang mukha nito. "Naku di mo agad sinabi, kasi si Dexter na ang partner ko, kahapon nagsabi siya sakin. Si Vanessa na lang partner mo. Kahit ako na ang magsabi sa kanya," pagsisinungaling ni Lanie, kundi makausap niya si Dexter para ito na nga ang maging escort niya, na alam niyang di tatanggi kasi alam niya na may gusto ito sa kanya. Nakita niyang dumilim ang mukha ni Ronell at nagpaalam na ito sa kanya. "Sabihin mo sa teacher natin di ako makakapasok sa Lunes, masama ang pakiramdam ko," at dere-deretso na itong umalis. Hindi nga pumasok si Ronell pati ng sumunod na araw pa. Nag-aalala na si Lanie kaya napagpasyahan niyang pumunta sa bahay na tinutuluyan nito pagkalabas ng hapon. "Tao po, tao po" at may lumabas na parang nasa kwarenta mahigit ang edad na babae, malamang Tita ito ni Ronell, "Magandang hapon po, andyan po ba si Ronell, kaklase niya po ako, 2 days na po kasi siyang di pumapasok." "Pasok ka ineng, tatawagin ko lang si Ronell, nagtataka nga din ako at di pumapasok, wala namang sakit saka naging tahimik na naman, nun mga nakaraan nakikipag- usap na siya dito samin, baka namimiss na naman ang pamilya," sabi nito at umakyat sa itaas para tawagin si Ronell. Ng bumaba si Ronell ay nagulat pa ito ng makita siya, at nakita niya na lalong lumungkot ito. "Anong ginagawa mo dito, baka abutin kapa ng gabi pag- uwi, malayo layo din ito sa inyo, tara ihahatid na kita, sa daan na din tayo mag-usap," at inakay na siya nito palabas, nagpaalam na lang siya sa tiyahen nito. Habang naglalakad pauwi tahimik na naman si Ronell, di niya din malaman kung paano magsisimula ng sasabihin dito. "Ronell galit kaba sakin," at hinawakan niya ang braso nito at biglang tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Bakit si Dexter ang escort mo sa JS Prom, bakit hindi ako," nakakatunaw ang titig ni Ronell, nanunuot hanggang kaloob-looban niya. Di agad siya makasagot. Kung bakit ba kasi nagpapatulong pa sa kanya si Vanessa dito. "Yun ang dahilan mo kaya di ka pumapasok," ang nasabi na lang niya. "Oo, yun nga, di ako papasok hanggat di mo sinasabi kay Dexter na ako ang escort mo," matalim pa din ang tingin nito sa kanya. "Para ka namang bata ehh. Pag andun naman na tayo pwede pa din tayo magkasama, tayong apat nina Vanessa," at hinimas niya pa ang braso nito para icomfort, kitang kita niya kasi na masama ang loob nito. At biglang hinuli nito ang kamay niya at ang isa niya pang kamay at ikinulong sa mga kamay nito. "Nirerespeto ko ang pangako mo sa lola mo at sa mga magulang mo, kaya wala akong ginagawang anuman para makasira sa pangako mong iyon, at masaya na lang ako na kasama ka palagi at maghintay sa tamang panahon, pero mahal na mahal kita Lanie," at nangingilid na ang luha nito, "Ikaw lang ulit ang nagbigay ng kulay sa mundo ko, na ngayon natuto na ulit akong mangarap, magtiwala at magmahal, pero katulad ka din nila, iiwan mo lang din pala ako," at tumutulo na ang luha nito. Sobrang nabigla si Lanie sa pagtatapat ni Ronell, di niya alam ang sasabihin. "Akala ko magkaibigan lang tayo, na parang magkapatid" "Oo sa ngayon habang bata pa tayo, pero manhid ka ba Lanie, di mo ba nakikita lahat ng mga ginagawa ko para sayo, di mo ba nararamdaman na mahal kita" "Ayoko kasi mag-assume, kala ko ganun ka lang talaga, mabait at sweet" "Ngayon alam mo na, kaya sana wag kana magpapaligaw sa iba, magtatapos lang tayo ng pag-aaral at magiging tayo na" at bigla siya nitong kinabig at niyakap, sobrang bilis ng t***k ng puso niya at hinawakan nito ang mukha niya at dinampian ng halik sa labi, "Simula ngayong araw na ito sakin ka lang, walang pwedeng maghiwalay sating dalawa, sabay nating aabutin ang mga pangarap natin, hinding hindi ko sisirain ang mga pangako mo, handa akong maghintay at hindi ako mawawala sa tabi mo," titig na titig ito sa kanya at napatango na lang siya. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay at saktong naghahain na ng hapunan ang lola niya at dun na din ito pinakain ng lola niya. Magdamag halos siyang di makatulog, di niya makalimutan ang una niyang halik kahit mabilis lang ito. Nagulat pa siya kinaumagahan paglabas niya ng kwarto ay nasa salas na nila si Ronell, sabay na daw silang papasok. Naging doble ang pagiging sweet nito sa kanya, kung dati sanay na siya sa mga ginagawa nito sa kanya, ngayon medyo naiilang na siya, alam niya na kasi na may something silang dalawa. "Sis sino ang partner ni Ronell sa JS Prom," tanong ni Vanessa. "Naku sis, pasensya na, ito kasing si Ronell mahiyain pala pagdating sa babae, sakin lang daw kasi siya komportable, kaya kaming dalawa ang magkapartner," pagsisinungaling niya. "Ayy ganun ba. Torpe pala yan, baka naman kasi sis ikaw talaga ang gusto, di lang maamin sayo," at nahalata niya na nalungkot ang kaibigan. Sumapit ang JS Prom nila, kanya-kanyang pagandahan at pagwapuhan ang lahat ng third at fourth year highschool. By partner ang pagpasok ng mga estudyante, pinipicturan bawat pagpasok at namimili na din ng best couple, best dress, at kung anu-ano pang mga awards sa gabing iyon. Medyo nalate sa pag-aayos si Lanie, inip na inip na sa salas si Ronell, sa loob kasi ng kwarto ito minimake-upan at binibihisan ng baklang nag-aayos dito. Ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Lanie ay parehong napamaang sa pagkamangha ang lola niya at higit lalo si Ronell. Maganda na kasi talaga si Lanie ngunit ng maayusan ito ay para itong naging Dyosa sa ganda, tatalunin nito kahit sinong supermodel o artista sa gabing iyon. "Wow ang ganda-ganda naman ng apo ko, ewan ko na lang kung may makahigit pa sayo sa school nyo" proud na proud na sabi ng lola niya. "Parang ayoko ng pumunta tayo sa school, sigurado sayo lahat titingin ang mga tao dun," ang nasabi na lang ni Ronell at lalo lang itong nainlove sa babaeng itinatangi. At hindi nga nagkamali ang lola niya at si Ronell, si Lanie nga ang naging sentro ng atraksyon. Pero hindi lang si Lanie, ng gabing iyon namangha lahat ng mga tao ng pumasok silang dalawa. Daig pa ng mga ito ang nakakita ng mga artista, dinumog talaga sila at pinagkaguluhan, perfect match ika nga. At halos hinakot nila ang awards. Ng nagsasayaw na sila ng sweet, di mapigilan ni Ronell na hapitin ang bewang niya palapit dito at sobrang lapit na nila sa isa't isa. "Sobrang ganda mo Lanie, napakaswerte ko kasi akin ka at di ako papayag na may iba na magmamay-ari sayo, at alam ko din naman na mahal mo ako kahit di mo sabihin," titig na titig sa kanya si Ronell. "Oo na nga po, sayong sayo lang ako, happy kana," at sa sinabi niyang iyon ay napayakap si Ronell sa kanya at kinilig ang mga nanonood sa kanila. Pagkatapos nga ng JS Prom ay naging bulong bulungan na sa school na may relasyon sina Ronell at Lanie. Napansin niya din na iniiwasan siya ng mga barkada niya. "Rosa, Arlene bakit parang iniiwasan nyo ako," nilapitan niya ang mga ito habang kumakain ang mga ito sa canteen, saktong nasa cr naman si Vanessa. "Di naman sa ganun Lanie, pero mas mabuti pa nga siguro na kay Ronell kana lang muna sumama, para mas mapatibay nyo pa ang relasyon nyo," matamlay na sagot ni Arlene. "Wala naman kami relasyon ni Ronell, diba nga magkaibigan lang kami" "Tama na ang pagde-deny mo Lanie, kitang kita naman naming lahat, ang masakit pa nito mga kaibigan mo kami pero di mo kami kayang pagtiwalaan, pati si Vanessa nasaktan pa dahil ang sabi mo palagi wala naman something sa inyo ni Ronell, pero yun mga galawan nyo daig pa ang magjowa," ang inis na sabi ni Rosaline. Natameme pansamantala si Lanie sa sinabing iyon ni Rosaline. Kung tutuusin tama nga ang sinabi nito. "Sorry na mga sis. Di ko intensyon magtampo o magalit kayo sakin, lalo na si Vanessa, ang akala ko din kasi wala lang yun samin ni Ronell, na magkaibigan lang talaga kami, pero nagtapat siya sakin, na mahal niya daw ako at willing siya maghintay hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral," ang nasabi ni Lanie. Hindi niya namalayan na nasa likod niya na si Vanessa. "Huwag na kayong magalit kay Lanie, maging masaya na lang tayo para sa kanila ni Ronell, yun sakin naman crush lang yun saka bagay naman talaga sila ni Ronell diba mga sis," at inakbayan pa ni Vanessa si Lanie at nag-group hug sila. "Basta simula ngayon no more secrets na sa friendship natin ahh, magkwento ka nga sis kung paano nagtapat si Ronell," ang kinikilig pa na sabi ni Arlene. At nagkwento na nga siya at muli ay naging solid ang friendship nilang apat. Summer vacation na at nagkaayaan silang magswimming, nasa Batangas din noon ang kuya niya na si Dennis at bunsong kapatid na si Glenda. Ipinakilala niya sa mga ito ang apat niyang barkada at syempre si Ronell, kasama din nila ang ibang barkada ni Ronell na sina Billy at Albert. Sa Matabungkay nila napiling magswimming dahil ito ang isa sa mga sikat na resort noon. Hindi masyadong makapag-usap sina Lanie at Ronell, ayaw kasi ni Lanie na may mahalata ang mga kapatid. Pero napansin niya na nag-eeffort si Ronell na makipagclose sa kuya niya. Nahuhuli niya din ang mga nakaw na tingin nito sa kanya at kumikindat pa, palihim naman siyang kinikilig. Naging masaya naman ang swimming nila kahit di overnight kasi kailangan din nila agad umuwi dahil sa lola nila. "Ate ang pogi nun classmate mo na si Ronell at mukhang di Batangueño, walang punto ehh," sabi ni Glenda. "Taga Baguio kasi talaga si Ronell, nun highschool lang umuwi dito," sagot naman niya. "Buti naman at madali kang nakapag-adjust dito, sa sunod na pasukan graduating kana, paano kaya kapag magka-college kana, sana mapapayag nina Mama at Papa si Lola na dun na lang satin tumira," sabi naman ng kuya niya. Biglang napaisip si Lanie, paano na nga kapag bumalik na siya ng Manila, paano na sila ni Ronell, ang alam nito sa Batangas pa din siya magka-college. Parang hinihila ang araw hanggang sa sumapit ang araw ng Graduation nila. Valedictorian si Ronell samantalang Salutatorian naman si Lanie. Umuwi ang pamilya niya sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay niya, may handaan din kasi sa bahay ng lola niya pagkatapos ng graduation nila. "Kung wala ka naman palang handa, samin kana magcelebrate, para makilala mo din ang parents ko," nag-uusap sila ni Ronell nun habang nasa unahan sila at magkatabi. "Hindi ba nakakahiya, gusto naman sana ako paghandaan nina Tita at Tito kasi natuwa din naman sila na Valedictorian daw ako, pero sabi ko idagdag na lang namin para sa pangcollege ko yun magagastos sa handaan," sabi ni Ronell. "Basta sumama ka samin, akong bahala sayo, sigurado matutuwa pa si Lola," at wala ngang nagawa si Ronell at sumama nga kina Lanie. Naging magiliw din naman ang mga magulang niya dito. "Baka naman boyfriend mo ito Lanie, ang usapan dapat makatapos ng pag-aaral, di makatapos ng highschool," biro ng Papa niya. " Hindi Pa, kilala ko na din yan, barkada lang yan ni Lanie, tol basketball tayo bukas," ang sabi naman ni Dennis. "Apo Lanie, nga pala may kailngan kang sabihin kay Ronell, naku sadyang mamimiss kitang bata ka, parang apo ko na din yan ehh," ang sabi ng Lola, naguluhan si Lanie sa sinasabi ng Lola. "Lanie pumayag na ang Inay na sumama satin pagbalik ng Manila, dadalaw dalawin na lang itong bahay kahit once a month, kailangan mo na kasing magcollege, sa UP ka namin gusto mag-aral, sayang naman kasi ang talino mo," ang pahayag ng Mama niya. Nabigla talaga si Lanie ngunit mas lalo ang pagkabigla kay Ronell, kitang-kita niya ang lumatay na sakit sa mukha nito. Pinilit nilang umakto ng normal kahit sobrang sikip ng dibdib nila. Ng magkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng sila lang dalawa, "Lanie gumawa ka ng paraan mamayang gabi, kailangan nating mag-usap, please" ang samo ni Ronell. "Ganito, di ko kayang mangako pero dun sa may favorite place natin, hintayin mo ako dun, pag 7pm na at wala pa ako, umuwi kana," may isang paboritong lugar kasi silang tambayan ni Ronell, sa may burol na maraming puno, madalas silang magreview dun. Nag-isip ng maidadahilan si Lanie sa mga magulang para makalabas. Samantala si Ronell naman 6pm pa lang ay nasa favorite place na nila, matamang naghihintay kay Lanie. Gusto nitong maiyak sa tuwing maalala ang sinabi ng Mama nito, na sa Manila na magka-college si Lanie, parang di niya kaya ng wala ito sa buhay niya. Lumagpas na ang 7pm at wala pa din si Lanie, ngunit umaasa si Ronell na darating pa din ito. Hanggang sa mag-8pm na at nawalan na ng pag-asa si Ronell at bumaba na sa burol, sobrang lungkot niya. Nakayuko siya habang naglalakad ng masilaw siya sa ilaw na nagmumula sa flashlight, ng mag-angat siya ng tingin tumambad sa kanya ang mukha ng laman ng puso niya, di na napigilan ni Ronell ang mapaiyak. "Ssshh, wag ka ng umiyak, pasensya kana, natagalan ako, akala ko nga baka nakaalis kana, nagpaalam ako na magis-sleepover kina Arlene, di pa nga sana ako papayagan pero naisip nila konting araw nalang naman daw ako dito at kaibigan ko naman daw ang pupuntahan ko, hinatid pa nga nila ako dun at bukas susunduin din daw ako dun, kaya kailangan kong makabalik dun bukas ng umaga," paliwanag ni Lanie. "Ibig sabihin magkasama tayo buong magdamag," nagningning ang mga mata ni Ronell at niyakap ng sobrang higpit si Lanie. Bumalik sila sa burol at naglatag, meron na sila dun iniwang blanket pag nakatambay dun. Magkatabi silang nakahiga habang nakatanaw sa kalangitan, magkahawak ang kamay, maya maya pa ay isinandig ni Ronnel sa dibdib niya si Lanie at hinalik-halikan ang buhok nito. "Lanie parang di ko kayang mawala ka, diba pwedeng dito na lang kayo ng lola mo, dito kana lang din magcollege" "Pumayag na kasi si Lola na sumama samin sa Manila, kasi gusto din nina Mama na magkakasama kami" "Tuwing kelan ka uuwi dito" malungkot na tanong ni Ronell. "Sasama ako kay Lola pag bibisitahin ang bahay kaya magkikita pa din tayo palagi, saka ibibigay ko na sayo ang cellphone ko, magpapabili na lang ako ng bago, sasabihin ko na nawala ko, para my communication pa din tayo" at yumakap na din siya kay Ronell at laking gulat niya ng halikan siya nito sa labi at sa pagkakataong iyon ay di lang dampi, mapusok ang paghalik nito at dahan-dahan na itong umibabaw sa kanya, hindi niya alam kung paano tutugon sa nakatakdang gawin ni Ronell, naging mapagpaubaya na lang siya dahil sa pagmamahal na nararamdaman para dito. Naging malikot na ang mga kamay ni Ronell at namalayan na lang niya na nahubaran na siya nito, kahit parehong first timer ay sabay nilang tinuklas ang ligayang walang kapantay, ipinaramdam nila sa isa't-isa ang buong pusong pagmamahal. Ng magising sila kinaumagahan ay pandalas na ang pagbangon nila dahil sa kailangan niya pang makabalik sa bahay nina Arlene. Hinatid naman siya ni Ronell pero hindi na nagpakita kina Arlene. Saktong dumating na din ang Papa niya at si Glenda para sunduin siya. Araw na ng pag-alis nila at nasa bahay nila sina Arlene, Rosaline, Vanessa at Ronell para magpaalam. Medyo nagkaiyakan pa silang magkakaibigan. Mabilis na lumipas ang mga araw, Architecture ang kinuhang course ni Lanie samantalang Civil Engineer naman si Ronell, malaking tulong ang full scholarship nito. Madalas silang magtawagan, walang araw na di sila nag-uusap. At tuwing umuuwi sila ng Lola niya sa Batangas ay nagkikita sila ni Ronell sa favorite place nila. Inip na inip na silang makatapos para pwede na silang maging legal at magkasama na. Balak ni Ronell na sa Manila maghahanap ng work pagkagraduate nito. Akala nila ay wala ng katapusan ang kaligayahan nila, na sila na forever. Ngunit nagtataka na si Lanie, ilang araw na siyang di kinokontak ni Ronell, hindi siya sanay na ganun ito. Wala siyang magawa kundi maghintay dito hanggang sa may mareceive siyang text message. "Lanie patawarin mo ako, hindi ko sinasadya, palagi mong tandaan na mahal na mahal kita, ako na ang pinakagagong lalake sa buong mundo, kalimutan mo na ako," habang binabasa yun ay nag-uunahan ng pumatak ang mga luha ni Lanie. To be continued.................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD