Time To Move On

1668 Words
"Time To Move On" "Ate pwede mo bang samahan si Ivan sa school next week, may business trip kasi kami ni Jomar," ang nabungaran ni Lanie pagsagot sa cellphone niya. Nasa office siya noon. "Sige kelan ba para makapagfile ako ng leave," di naman niya napapahindian ang mga ito lalo na kung may kinalaman sa mga pamangkin. Masisipag din kasi sa pag-aaral ang mga pamangkin, ika niya nga sa mga kapatid, sa kanya nagmana. Naalala niya tuloy nun nasa college siya, dahil sa nangyari sa kanila ni Ronell, kung dati na siyang focus sa pag-aaral, mas domoble pa. Pati pakikipagkaibigan ay di na din siya masyado nag-entertain. Isa lang ang naging close niya noon, si Venus. Pareho silang masipag mag-aral, bahay at school lang talaga sila. Di din ito nagboboyfriend tulad niya, kaya swak na swak sila. "Bff masasamahan mo ba ako ngayong weekends sa bahay, may patay kasi kami sa probinsya at uuwi sila, di naman na nga ako sasama bukod sa may exam tayo this monday, ay di ko din naman masyado kilala yung kamag-anak namin na yun," lambing sa kanya ni Venus. "Mas okay nga yun para sabay tayo magrereview, magpapaalam lang ako kina Mama at Papa," pagpayag naman agad ni Lanie, maiba naman ang environment niya. Ang alam niya sa isang exclusive subdivision nakatira si Venus, mayaman kasi ang mga ito, kahit halos dalawang taon na silang magkaibigan ay first time lang siya makakarating sa bahay ng mga ito, kahit ito ay di pa din nakakapunta sa kanila. Kinagabihan nga ng Biyernes ay sabay na silang pumunta sa bahay nina Venus, nalula talaga siya sa ganda ng bahay ng mga ito, malapalasyo. Pagkatapos nilang kumain ay nagreview na agad sila, sa isang bakanteng kwarto siya nito pinatulog at wala naman daw dun natutulog. Madaling araw na ng maramdaman niya na may nakayakap sa kanya, iniisip niya kung nanaginip lang ba siya, pero mas lalo pang humigpit ang yakap nito, nagmulat na siya ng mata niya at tumambad sa kanya ang mukha ng isang napakagwapong lalake, pero kahit pa gwapo ito ay sino ba ito, napatili siya ng malakas at nagising naman ito, napapasok din sa kwarto si Venus. Nagulantang pa siya ng tumayo ito dahil nakabrief lang ito. "Ano ba yan kuya, anong ginagawa mo dito, nakakahiya sa kaibigan ko," dismayadong nasabi ni Venus, "bff pasensya kana, di na kasi yan dito umuuwi, may sarili na kasing bahay si kuya, di ko naman alam na uuwi pala siya," hiyang hiya talaga ito kay Lanie. "Pasensya na little sis sa kaibigan mo, ang sabi kasi nina Daddy at Mommy ay samahan daw nga kita at umuwi sila sa province, di ko naman alam na may kasama ka pala at lasing ako kagabi kaya di ko na napansin na may nakahiga pala dito, tapos akala ko unan lang ang yakap ko, ang lambot kasi ng kaibigan mo," sabay kindat pa nito sa kanila. "Sorry talaga bff. By the way kuya si Lanie nga pala bff ko, Lanie si kuya Jester, ang easy go lucky kong kapatid, matagal ng graduate pero di pa din nagwowork," pakilala nito sa kanila. "Uy di naman, wag ka mag-alala one of these day makikita mo may work na ako at baka magulat kapa," sabi lang ni Jester at hanggang sa marealize nito na nakabrief nga pala ito at dali daling nagbihis. Inaya naman siya ni Venus na mag-almusal. Kwento nito may 5 taon na daw itong nakagraduate, binigyan na din daw ito ng magulang ng pangbusiness, kung tutuusin ito dapat ang magmanage ng business nila pero mas gusto daw nito sa iba magtrabaho. Sunod daw ito sa luho, bahay, kotse at credit cards, kabi-kabila din daw ang mga babae nito at walang siniseryoso. "Naku little sis mukhang pinapahiya mo naman yata ako sa friend mo, ang bad naman ng mga kinikwento mo about sakin, sadyang mapagmahal lang ako sa mga babae," kindat pa nito kay Lanie, nasa likod na pala nila ito at napapakinggan na ang usapan nila. "Hoyyy kuya off limits ka sa bff ko, focus lang kami sa study," sita ni Venus sa kuya Jester niya. "Don't worry my little sister, safe sakin ang friend mo at di ko naman siya type, mas madaming magagandang babaeng naghahabol sakin and besides ilan taon lang kayo, 18 o 19, I like mature woman," ang preskong sabi pa nito, nainis naman si Lanie, kung di siya type nito mas lalong di niya type ito. Di pa din siya pinauwi ni Venus kahit andun kapatid nito, alam daw kasi nitong mambabae lang ulit ito. Kinagabihan nga ay umuwi itong may kasamang babae at dere-deretso sa kwarto. Napailing na lang si Venus, sanay na daw ito sa kapatid. Napadalas na ang pagpunta niya sa bahay nina Venus, kahit ito ay nagpupunta na din sa kanila kaya mas lalong tumibay ang friendship nilang dalawa. Madalas niya na din makita ang kuya Jester nito at nakakausap niya din minsan. Pero hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya dito, dahil siguro sa sinabi nito noon na di siya type nito, akala mo naman kung sinong gwapo. Mabilis na lumipas ang mga araw, graduating na sila at gagawa na ng thesis. Bulong-bulungan ang magiging bago nilang Professor sa thesis class nila, gwapo daw kasi sabi ng mga classmate nila. Nakaabang silang lahat ng umagang iyon at kinilig talaga halos lahat ng babae ng pumasok na ang bago nilang Professor, pwera lang sa kanila ni Venus. "Oh my si kuya ang new Prof natin, I can't believe it," ang bulong sa kanya ni Venus, maging siya ay gulat na gulat din. Di sila nagpahalatang kakilala si Jester, ayaw din nilang isipin ng mga classmate nila na baka magkaroon ito sa kanila ng special treatment. Pero in fairness kahit baguhan at first time sa pagtuturo ang Engineer/Professor nila ay halatang master na agad nito ang ginagawa, istrikto din ito sa kanila. By group ang thesis nila at si Lanie ang leader. Mineeting sila nito at dismayado daw sa research at materials na ginagamit nila para sa thesis paper nila. "Im disappointed Lanie, ikaw pa naman leader nila, nakukulangan talaga ako sa materials nyo, kailangan kitang imentor ng mabuti as their leader, magpaiwan ka mamaya after class," ang lahad nito, napatango na lang si Lanie, sa isip niya papalpak pa yata siya kung kailan graduating na sila, running for Magna Cumlaude pa naman siya. Pagkalabasan nga ng hapon ay mataman siyang naghintay ky Jester. Ngunit nakita niyang nag-aayos na ito ng gamit at akmang lalabas na. "Sir diba sabi ninyo kakausapin nyo ako," ang sabi ni Lanie. "Oo nga, pero let's talk over dinner, nagugutom na kasi ako," sagot lang nito sa kanya at lumabas na ng classroom, napasunod na lang siya dito. Pinagbuksan pa siya nito ng kotse. Habang daan ay tahimik lang silang sila hanggang sa makarating sa isang mamahaling restaurant. Hinihintay niya ito sa sinasabing imementor siya nito. "Sir ano na po yung mga tips na mabibigay nyo sakin sa thesis namin," tanong ni Lanie, para naman kasi wala itong sinasabi tungkol sa thesis. "Huwag mo na akong tawaging Sir pag nasa labas tayo and besides impress naman ako sa thesis nyo," kindat pa nito sa kanya. "Sabi mo kanina disappointed ka sakin kuya Jester, ang gulo mo naman," naiiling na nasabi ni Lanie. "Huwag mo nga ako tawaging kuya di naman kita kapatid, nagpapansin lang ako sayo Lanie," ang lapad ng pagkakangiti nito. "Puros ka talaga kalokohan, wag mo kalimutang Professor kana ngayon," ang sabi na lang ni Lanie, "Di paba tayo uuwi kung wala ka naman palang sasabihin, baka hinahanap na ako sa bahay" medyo malalim na din kasi ang gabi. "Weekends naman bukas, magpaalam ka sa parents mo na kina Venus ka matutulog, may kailangan kasi tayong gawin," ang sabi lang ni Jester. Nagulantang naman si Lanie sa sinabi nito. "Anong gagawin natin, hoy Professor kita ahh, saka diba dati sabi mo di mo ako type at ayaw mo sa mga bata, anong sinasabi mo ngayon," ang sunod-sunod na sabi ni Lanie. "Kung anu-ano naman agad sinabi mo, kasi ganito meron akong kailangan gawin, ehh kasi nakikita ko talaga na matalino ka, magpapatulong lang sana ako sayo, kung okay lang naman, medyo madami kasi, please Lanie," ang samo sa kanya ni Jester. Parang napahiya naman siya sa sinabi ni Jester, assuming naman kasi siya. Parang naawa naman siya dito at ewan niya kung bakit di niya mapahindian ito. Bandang huli ay napapayag siya nito at nagpaalam siya sa magulang, dahil tiwala naman ang mga ito sa kanya at alam na kina Venus lang ang punta. Sa bahay ni Jester sila nagpunta, maganda ang bahay nito, modern ang design, mukhang pang-bachelor talaga. Nagsimula na sila sa lessons na ginagawa ni Jester, madaling araw na ay di pa sila tapos. "Lanie matulog na muna tayo, mukhang pagod at antok kana, bukas na lang ulit natin ituloy, kaya lang iisa pa lang ang kwarto na may gamit dito, ako lang naman kasi nakatira dito," sabi ni Jester. "Ehh di sa sofa ka matulog, ako ang bisita ehh," sabi lang ni Lanie. "No no, di ko kayang matulog sa sofa, ganito na lang, harmless naman ako, magtabi na lang tayo sa kama, diba dati nga magkatabi na din tayo natulog," kindat na naman sa kanya ni Jester. Napaisip si Lanie, may point naman ito, siguro naman nga ay wala itong gagawing kakaiba, ika nga nito di naman siya type nito. Pinahiram siya nito ng malaking t-shirt para maging pantulog niya. Pero di siya makatulog ng maramdamang katabi niya na si Jester. Sa kabilang side siya nakaharap patalikod dito. Hanggang sa maramdaman niyang humihilik na si Jester. Humarap siya dito at pinagmasdan ito ng malapitan, napakagwapo talaga nito, nakakaadik pagmasdan ang mukha nito. Ngunit laking gulat niya ng kabigin siya nito at kuyumusin ng halik, sobrang alab ng mga halik nito, parang mauubusan na siya ng hininga at di niya namalayan tumutugon na din siya sa mga halik nito at napayakap na din ng mahigpit kay Jester. To be continued....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD