New Beginnings

1521 Words
"Ang galing-galing talaga ng pamangkin ko, saan mo gustong kumain para magcelebrate tayo," ang sabi ni Lanie, katatapos lang ng event ni Ivan, busy ang mga parents nito sa trabaho kaya siya ang madalas na makasama nito. Kahit ang anak ni Kuya Dennis niya ay nasasamahan niya. Tatlo kasi ang anak nito kaya minsan ay nahihiram niya ang iba. Magiliw talaga siya sa mga pamangkin, sabik na din siguro siyang magkaanak. Bigla ay nagbalik sa alaala niya ang minsang naging parte ng buhay niya. Bilang baguhan sa isang malaking kompanya ay sinikap ni Lanie na paghusayan ang trabaho at di naman siya nabigo, naging employee of the month agad siya. Nagkaroon din siya ng mga bagong kaibigan, mga ka-department niya, sina Claire, Jhe, Zyrene at Peter. Marami ang nagpakita ng interes kay Lanie dahil sa taglay niyang ganda ngunit sarado pa ang puso niya dahil sa nangyari sa kanila ni Jester. Ng sumapit ang Anniversary ng company nila ay nagkaroon ng contest para sa mga magaganda at gwapong empleyado, Mr. and Ms. Cityland. Syempre di pwedeng mawala sa mga kasali si Lanie. Nasa 500 mahigit silang empleyado, kasama na ang iba't ibang branches nito sa Manila at maging sa probinsya. Mas excited pa sa kaniya ang mga kaibigan. "Wow Lanie siguradong mapapa-wow mo ang lahat pagtapak mo pa lang sa stage, iba klase kasi ang ganda mo, " puri sa kanya ni Claire habang pinagmamasdan siya nito sa suot niyang pang-introduction. Nakapony-tail ang buhok niya habang naka-tshirt siya at paldang maikli, yun muna kasi ang suot nilang mga candidate, meron pang sports wear, swimsuit at long gown. Medyo naiilang si Lanie, pero andito na siya, kaya gagalingan niya na lang. "Kamukha mo talaga yung favorite actress ko na si Kristine Hermosa, hayy kaya andami-daming nagpapansin sayo dito sa opisina," ang humahangang puri din ni Peter, bakla ito at siyang pumilit sa kanya na sumali sa contest ng company. "Sinabi mo pa baks, ehh kung sa pagandahan lang naman ang pag-uusapan at patalinuhan, taob silang lahat sayo," dagdag-puri pa ni Jhe. "How to be you po," ang biro pa ni Zyrene at pumunta na sila sa upuan para panoorin ang kaibigan, nasa backstage kasi sila. Hinangaan ng lahat ng gabing iyon si Lanie, nangingibabaw ang angkin niyang ganda, kaseksihan at talino, madami ang lumapit sa kanyang mga talent manager para alukin siyang magmodel, mag-artista at magbeauty queen, ang ganda din kasi ng height ni Lanie. Ngunit tinanggihan niya lahat ang mga ito, wala siyang hilig sa limelight, kung di nga lang siya kinulit ni Peter ay baka di din siya sumali sa contest ng company. At as expected si Lanie nga ang kinoronohang Ms. Cityland at si Reniel ang Mr. Cityland, Engineer ito sa Tagaytay Branch nila. Isa sa naging prize nila bilang winner ay ang staycation sa condo nila sa Tagaytay ng weekends, binigyan sila ng 2 days with pay na bakasyon. Hindi sinasadya ang pagkakasabay nila ng schedule sa staycation nila ni Reniel, anytime kasi nila itong pwedeng gamitin. For 2 pax ang prize nila kaya naman isinama niya ay ang kapatid na si Glenda, tuwang-tuwa ito at napakaganda ng condo na pag-stayan nila, may infinity pool din kaya naman nag-aya agad itong mag-swimming sila. Kasalukuyan silang nagsi-swimming ng may pumasok na magkapareha, namukhaan niya na si Reniel ito, ang nanalong Mr. Cityland, di sila personal na magkakilala, noong contest lang sila nagkita. Nginitian niya ito pero di siya pinansin nito. Naisip niya malamang selosa ang girlfriend nito. Ilan lang silang naliligo noon at humanga talaga siya sa napakamachong katawan ni Reniel, kahit iwasan niya na mapatingin dito ay parang inaagaw talaga nito ang atensyon niya. Di naman din kasi ito mananalo kung walang 'K' ito. Pati pagkain ng dinner ay nagkasabay din sila, masyadong clingy ang girlfriend nito at palaging nakapulupot kay Reniel. Di man lang siya nito tinitingnan, sa isip niya eh ano naman, magkatrabaho lang naman sila. Lumipas ang dalawang araw ng bakasyon nila na di man lang sila nagkausap ni Reniel. Naging mas ligawin pa lalo si Lanie dahil sa naging exposure niya, madami siyang natatanggap na flowers at kung anu-anong regalo. Pero hindi pa siya handang makipagrelasyon. Sumapit ang big break niya sa trabaho, ipinadala siya sa sa bagong itatayong condo ng company nila sa Cebu, dun muna siya hanggat di natatapos ang project. Ipinakilala siya sa team na makakasama niya at laking gulat niya ng makita na kasali sa team si Reniel. Ngumiti naman ito sa kanya ngayon. May staff house para sa kanilang team, katabi pa ng kwarto niya ang kwarto ni Reniel. Nag-ayang mag-inuman kinagabihan ang mga ka-team nila para daw mas magkakilala silang lahat. Mababait naman ang mga ito at madali niyang nakagaanan ng loob. Karamihan sa mga ito ay may asawa na o kaya ay may karelasyon na. Siya nga lang yata ang dalaga pa at walang boyfriend. Panay ang biro ng mga ito na ipapakilala siya sa mga nakababatang kapatid ng mga ito. Gandang-ganda kasi sila kay Lanie. Di sanay uminom si Lanie kaya madali siyang tinamaan, kaya naman ng magsipasukan na sila sa kani-kanilang kwarto ay pasuray-suray na si Lanie at maya-maya pa nga ay nagsuka na siya. Namalayan niya na lang na may humahagod na sa likod niya at inalalayan siya papasok sa kwarto niya. Puros suka ang damit niya at hinubaran siya nito, pinunasan at pinalitan ng damit. Di niya masyadong makita kung sino ito dahil sa kalasingan niya, kung manyakis ito ay mare-rape na siya kung nagkataon, sa isip niya ay ito na ang una't huli niyang pag-iinom. Ng maisaayos siya ay lumabas na ang lalake. Pagkalapat ng pinto ay nakatulog na si Lanie. Samantala, nasa labas pa din ng kwarto niya si Reniel, buti napigilan niya ang sarili niya kahit medyo lasing din siya. May kung anong binuhay sa pagkalalake niya si Lanie, ang maganda at matalinong Ms. Cityland. ----------------------------------------- Reniel Santander, 25 years old, Registered Civil Engineer, topnocher ng kumuha ng board exam. Pangarap nitong magkaroon ng sariling construction firm balang araw kaya nagsumikap makatapos. Mahirap lang kasi ang mga ito pero pinag-aral siya ng amo ng Inay niya, mayaman naman kung tutuusin ang tatay niya pero hiwalay na kasi ang mga ito kaya ayaw humingi ng tulong ng inay niya dito. At dahil madalas siya sa bahay ng amo ng inay niya ay nakilala niya si Lizette, anak ng amo ng inay niya, maarte ito at spoiled brat pero pagdating sa kanya ay mabait ito. Yun pala ay may lihim na gusto ito sa kanya. Ito din ang nagpursige sa magulang na pag-aralin siya. Maganda naman si Lizette at sosyal, pero hindi ito ang ideal woman niya, gusto niya kasi ay simple, masipag at matalino, wala lahat yun kay Lizette. Pero dahil sa pagtanaw niya ng malaking utang na loob sa pamilya nito ay sinuklian niya ang pagmamahal nito, sa ngayon nga ay 5 years na silang magboyfriend. Gusto na nga nitong magpakasal sila, sinasabi niya lang palagi na gusto niya munang makaipon kasi may mga kapatid pa din siyang pinag-aaral at binubuhay. Ang daddy na daw nito ang bahala sa lahat, bibigyan din daw siya nito ng pangpatayo ng pangarap niyang construction firm basta maging mag-asawa na sila. Pero may pride naman siya, gusto niya makuha ang pangarap niya sa sariling pagsisikap. Madami-dami na din siyang naipon, malaki kasi ang sahod niya bilang Engineer pwera pa yung mga nakukuha nilang kaparte sa mga natatapos na projects, at tip ng ilang mayayamang clients. Sa tingin niya mga 5 years na lang ay pwede na siyang makapagsimula ng sarili niyang construction firm kahit maliit muna. Malaking tulong din ang nagiging experience niya ngayon sa Cityland. Kaya naman ng ayain siya ng boss niya na sumali siya sa Mr. Cityland ay di niya ito napahindian, napakabait kasi ng boss niya. Akalain niya ba na mananalo pa siya. At may tumawag ng pansin sa kanya ng gabing iyon, at ito ay walang iba kundi ang kinoronohang Ms. Cityland, si Lanie. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng interest sa isang babae. Napakaganda nito at matalino pa sa pagsagot. Nagulat pa siya ng makatagpo ito sa Tagaytay para sa staycation, lalo pala itong maganda pag simple lang, di nakakasawang pagmasdan ang mukha nito. Di niya sinasadyang di pansinin ito pero sobra kasing selosa si Lizette. Para wala na lang gulo kaya hindi niya na ito binati, naririndi na din kasi siya sa walang katapusang pagseselos ng nobya. Malamang siguro dahil sa di naman sapat ang napapakita niya ditong pagmamahal. Pero magkaganunman, handa naman siya na ito na balang araw ang mapapangasawa niya. Hindi na siya tumitingin pa sa ibang babae. Ngunit ng makita niya si Lanie ay nag-iba ang lahat, may binuhay ito sa pagkalalake niya na di nagagawa sa kanya ni Lizette kahit kelan. Kung di siya nakapagpigil ay malamang nasa kwarto pa din siya ngayon ni Lanie at may iba ng nagaganap, sobrang init ng pakiramdam niya at pumasok na siya sa kwarto niya at naligo para mapawi ang init na nararamdaman. Gusto niya ng hilahin ang oras para makita na ulit si Lanie, ang babaeng gumising sa natutulog niyang puso. To be continued...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD