Lonely Heart

1096 Words
Pauwi na si Lanie sa bahay ni Jester, di niya alam kung bakit parang kinakabahan siya, 3pm pa lang nun, 5pm kasi ang labas niya at walang mintis sa pagsundo sa kanya si Jester at wala naman nga itong ginagawa. Di na siya tumawag dito para magpasundo, sosorpresahin niya na lang ito. Pero may kung anong naglalaro sa utak niya at nakumpirma yun ng sumapit siya sa bahay. May sasakyan na nakapark na hindi naman kay Jester. Sobra na ang lakas ng t***k ng puso niya at parang di niya kayang makita ang nakatakdang bumulaga sa kanya. Sinasabi niya na nga ba at 'once a babaero always a babaero'. May susi siya ng bahay kaya dahan dahan niya itong binuksan. Walang tao sa salas, wala din sa kusina, pero nasa garage pa naman ang sasakyan nito. Umakyat siya ng kwarto at parang di niya kayang buksan ang pinto nito at may makitang kasamang ibang babae ang minamahal. Di niya na kaya masaktan ulit. Wala ding tao sa kama pero may ingay na ngmumula sa bathroom, lagaslas ng shower. May kasama kaya itong naliligo dun. Kumatok siya at napapikit pa ng magbukas ang pinto. "Babe bakit andito kana, naliligo pa lang ako para makapunta na sa school mo, bakit di mo agad sinabi na maaga kang lalabas sana nakapag-adjust din ako," ang bungad sa kanya ni Jester habang naliligo itong mag-isa. "Sige babe maligo kana, hihintayin na lang kitang matapos," parang nabunutan ng tinik si Lanie, masyado naman kasi siyang napa-paranoid. Naghanda na lang siya ng meryenda nila para makabawi sa masamang pagdududa niya dito. Preskong presko ito ng lumabas ng kwarto, napakagwapo talaga ng lalakeng mahal niya, may isa na lang talagang kulang dito, ang makaisip magtrabaho, gusto daw kasi nito ay di mawalan ng oras sa kanya, isa pa daig pa naman kasi nito ang nagtatrabaho sa laki ng allowance nito at may mga bank accounts din ito kung saan pumapasok ang shares nito galing sa company, savings pa ng magulang para sa kanilang magkapatid, kung pera lang ang pag-uusapan ay mukhang di ito mauubusan. Nahihiya na nga siya dito minsan, ika niya nga para itong 'sugar daddy' kung magbigay sa kanya. "Babe para nga pala sayo, malamang nakita mo na ito dyan sa labas, happy 6 monthsarry, i love u so much, wag na wag kang mawawala sa buhay ko, ikaw lang ang nagpapasaya sakin," at inabot sa kanya nito ang susi ng sasakyan, sa kanya pala yun. Niyakap siya ng sobrang higpit ni Jester at hinalikan, sobrang sweet kasi talaga nito at tuluyan na siyang nakamove on sa masakit na unang pag-ibig. "Ayaw mo na akong ihatid-sundo kaya binilhan mo na ako ng sariling kotse," ang nasabi lang ni Lanie kahit masaya naman siya, pero bakit nga siya nito binilhan ng sasakyan, napaisip siya. "Babe I want you to be proud of me, di naman pwedeng maging driver mo lang ako forever, pero if may chance na magkasabay pa din tayo, why not, pero babe kahit di mo sabihin alam ko na gusto mo magwork ako," ang sagot ni Jester, tama naman ito sa isang banda. Tinuruan na nga siya nitong magdrive at nalaman niya na sa company na pag-aari ng magulang nito ito magwowork, bali-baligtarin man kasi ang mundo ay walang ibang pwedeng asahan kundi sila lang ni Venus. Ngunit nagkaroon ng malaking pagbabago, sobra na itong naging busy. Halos di na sila magkausap at umuwi na din siya sa bahay nila dahil tapos na ang OJT nya. Iniwan niya din ang kotse kasi magtataka sa kanila. Sinisikap na lang nila na kahit once a week ay magkita sila. Ramdam naman niya na hindi nagbabago ang pagmamahal sa kanya ni Jester, sadyang busy lang ito, basta naman magkasama sila pinaparamdam nito ang pagkasabik sa kanya. Nalalapit na ang Graduation niya at nakaplano na din nilang ipagtapat ang relasyon nila sa pamilya niya. May business trip si Jester sa Singapore at saktong sa araw ng graduation niya ang uwi nito. Excited na siyang makita ang lalakeng mahal at maging legal na ang relasyon nilang dalawa. Ngunit malapit ng matapos ang graduation ay wala pa din si Jester. Hanggang sa makita niyang nagkakomosyon, hinimatay ang Mommy nina Venus at Jester, umiiyak naman si Venus. Mayamaya pa ay nag-alisan na ang mga ito. Tinawagan niya si Venus kung anong nangyari, sobra na din kasi siyang kinakabahan. At parang gumuho ang mundo niya sa sinabi ng kaibigan, nagcrash ang eroplanong sinasakyan ni Jester at wala daw survivor. Parang nagunaw ang mundo ni Lanie sa nalamang balita, wala daw survivor sa nagcrash na eroplano. Di matanggap ng utak niya na wala na si Jester. Ayaw niyang maniwala hanggat wala ang katawan nito. Nakikibalita na lang siya kay Venus at ginagawa daw ng magulang nito ang lahat para mahanap ang katawan nito. Lumipas ang mga buwan at wala silang nakuhang impormasyon. Napilitan ng tanggapin ng magulang nito na wala na nga si Jester at binigyan na ito ng maayos na burol. Sobrang hirap sa loob ni Lanie ng pangyayari, palihim lang ang naging pagdadalalamhati niya. Ano ba itong kapalaran niya, di nga siya niloko ng lalakeng minahal pero niloko naman siya ng tadhana. Iniwan siya ng lalakeng mahal at ng dahil pa sa kamatayan. Nabalitaan niya na lang na nagpunta na ang pamilya ng mga ito sa US, dun daw magpapahilom ng sugat. Simula din noon ay nawalan na sila ng komunikasyon ni Venus, pareho na kasi silang naging busy sa trabaho nila. Sa Makati siya nag-apply bilang Junior Architect, sa isang malaking construction company ang una niyang napasukang trabaho. Kahit paano ay naging busy siya at nakakalimutan pansamantala ang sakit na dulot ng pagkawala ni Jester pero gabi-gabi pa din siyang umiiyak. Nagbalik sa kasalukuyan si Lanie at dama niya pa din ang sakit ng pagkamatay ni Jester. Ito ang lalaking tumulong sa kanya sa paglimot sa unang sakit ng pag-ibig pero mapagbiro ang tadhana at pinaghiwalay sila ng kamatayan. Ngayon nga na wala pa din siyang asawa naisip niya kung di siguro namatay si Jester ay mag-asawa na sila, at kung di niya pa ito napipigilan noon, ay maaga sana siyang nabalo, halos araw-araw kasi nitong gustong magpakasal na sila. Naalis siya sa pagbabalik-alaala ng tawagin siya ng pamangking si Ivan. Papunta na kasi sila sa school nito para sa event. 10 years old na ang pamangkin, kung nagkaanak siguro siya ay mas matanda pa dito. Masaya niyang hinawakan ang pamangkin habang di pa din nawawalan ng pag- asa na may nakalaan lalake para sa kanya at balang araw ay magkakapamilya din siya To be continued.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD