Can I Make You Mine

1791 Words
"Hanggang Kailan Ako Maghihintay Sayo" EPISODE 14 "Can I Make You Mine?" Nagsimula na sa project nilang condo ang team ni Lanie, ngbe-brainstorming sila. Hinahangaan ng lahat ang mga bright ideas ni Lanie, iba daw talaga ang nagagawa pag fresh pa ang utak. 21 years old lang noon si Lanie at pinakabata sa team nila. Pero di nagpapahuli si Reniel, marami din itong naisa-suggest na magandang gawin para sa bagong condo ng Cityland. Sa tingin niya matatagalan sila dito sa Cebu malaki kasi ang project, palagi na lang siyang nag-skype sa pamilya para makita ang mga ito. Pansin niya din si Reniel na palaging may ka-skype at natanaw niya nga minsan at nakita niyang yung babaeng kasama nito sa Tagaytay, mahal na mahal siguro nito ang girlfriend. Wala pa silang pagkakataon na nagkausap ni Reniel kundi pag magkakasama lang silang lahat. Weekends noon at nagkaayaan na namang mag-inuman, sinabi niyang di na siya iinom pero makukulit ang mga kasama at pilit siyang pinapa-shot, kahit konti lang daw. Hanggang sa di niya namalayan na ang konti ay dumami na ng dumami. Nalasing na naman siya at palaging nasa tabi niya si Reniel, inaalalayan pa siya nito pag magsi-cr siya. At dahil sa kalasingan ay nakwento niya sa mga kasama ang mapait na karanasan niya sa pag-ibig. Awang-awa ang mga ito sa kanya, siya naman ay umiiyak at muling nanariwa sa kanya ang pagkawala ni Jester. Nakakwentuhan niya din si Reniel, may tama na din ito at naghihinaing sa relasyong napasukan, na nagsasawa na daw ito sa ugali ng girlfriend na sobrang selosa. Madaling araw na ng magkauwian sila. Muli ay nagsuka na naman si Lanie, pati si Reniel na umaalalay sa kanya ay nasukahan niya din. Inihatid niya ang dalaga sa kwarto nito. "Ano ba yan Lanie, sinukahan mo ako, " ang natatawang nasabi ni Reniel "Naku sorry Reniel, di ko mapigilan ang sarili ko, hilong hilo na ako at nasusuka, tara maglinis tayo, lilinisin ko yan suka ko sayo, nakakahiya naman sayo," at dahil sa kalasingan at mga wala na sa sarili ay sabay silang naligo para malinis ang mga suka nila. Sabay lang silang naliligo noong una, ng sabunin ni Lanie ang katawan ni Reniel na nasukahan niya, napapitlag si Reniel ng lumapat ang kamay ng dalaga sa dibdib niya at di na nga ito nakapagpigil pa lalo na at nakahain ang napakagandang katawan ng dalaga, walang lalakeng di mababaliw sa angkin nitong kaseksihan, hinila niya na nga si Lanie at kinuyumos ng halik, sobrang tagal ng naging halikan nila hanggang sa dumako na ang mga halik ni Reniel sa bundok ni Lanie at hanggang sa mas bumaba pa, matitinding ungol ang pumuno sa buong kwarto ng mga sandaling iyon. Nasa cr pa lang sila ay naabot na nila ang rurok ng ligaya, napakagaan ni Lanie para mabuhat ni Reniel at nagpakasasa ito sa p********e ng dalaga. Di pa sila nakontento at pagkalabas ng cr ay nagpatuloy pa at iba't ibang posisyon ang pinagsaluhan nilang dalawa, di na nila namalayan kung anong oras sila natapos, ang malinaw lang ay ilang beses nilang narating ang langit. Nagising kinabukasan si Lanie na sobrang sakit ng ulo, nagtataka pa siya kung bakit parang may mabigat na nakadagan sa kanya, nagmulat siya ng mga mata at laking gulat niya ng makitang nakayakap sa kanya si Reniel at pareho silang walang saplot. Dali-dali niya itong itinulak at nagising naman ito. "Anong nangyari, bakit andito ka sa kwarto ko," ang nagulantang na sabi ni Lanie habang tinatakpan ang kahubdan. "Sorry Lanie, masyado tayong nalasing kagabi, wala din akong maalala sa mga nangyari," ang pagsisinungaling ni Reniel kasi sa totoo lang napakalinaw sa kanya lahat ng pangyayari, di niya lang masabi na di niya na napigilan ang sarili at di na pinalagpas ang pagkakataon, may nangyayari man sa kanila ni Lizette, pero iba ang sa kanila ni Lanie, ngayon niya lang naramdaman ang tunay na ligaya. "Sige kalimutan na lang natin ang nangyari, satin dalawa na lang ito," ang napabuntong-hininga na lang na nasabi ni Lanie, "sabi ko na kasing di na ako mag-iinom," iiling-iling pa si Lanie. Mabilis na lumipas ang mga araw, naging kaswal na lang sa isa't isa sina Lanie at Reniel, pinipilit kalimutan ang nangyari sa kanilang dalawa. Si Reniel man na kahit gaano kagusto si Lanie ay pinaglalabanan ang nararamdaman dahil na din sa may girlfriend siya. Nagtataka si Lanie sa sarili niya, parang nagiging moody siya, nagduduwal pa siya tuwing umaga at ayaw ng mga amoy na dati naman ay okay lang sa kaniya. May mga pagkain din siyang gustong kainin. Biglang kinabahan pa siya ng maalala na 2 months na siyang delay. Natatakot siyang malaman ang katotohanan, sa dalawang lalakeng naging karelasyon niya ay naging maingat sila dahil nga hindi pa pwede. Pero ano ito ngayon, ni hindi niya boyfriend at may girlfriend pa. Bumili siya ng pregnancy test kit at inabangan ang magiging resulta nito. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang dalawang linya, POSITIVE. 'POSITIVE' ibig sabihin buntis siya, naiiyak na si Lanie sa katangahang nagawa niya. Anong gagawin niya ngayon, anong mukhang ihaharap niya sa mga tao at sa pamilya niya, magbubuntis siya ng walang ama, di siya pwedeng panagutan ni Reniel, may girlfriend ito at isa pa di niya kayang mang-agaw sa iba. Pero paano, anong sasabihin niya, kahit gaano ka pala katalino mawawalan ka din ng sagot sa mga tanong mo. Ng kinamaya-mayaan ay narinig niyang may kumakatok sa pinto niya. Ayaw niya pa sana itong pagbuksan pero di ito tumitigil sa pagkatok, inayos niya ang sarili at binuksan ang pinto. "Nagtataka lang ako Lanie kasi maaga ka palaging pumapasok, kaya naisipan ko lang na katukin ka," si Reniel ang nabungaran niya sa pinto. Di na napigilan ni Lanie ang mapaiyak, di niya kayang mag-isa ito, nagulat naman si Reniel at dali-dali siyang niyakap. "Reniel buntis ako," ang umiiyak na sabi ni Lanie, "anong gagawin ko," at natigilan si Reniel sa ipinagtapat ni Lanie, nablangko din siya. Iginiya niya papasok ng kwarto ang dalaga. "Lanie I'm so sorry, kasalanan ko lahat ito," ang mahigpit na yakap ni Reniel sa kanya. Naalala niya dahil sa sobrang nag-enjoy siya ay di na nga niya nagawang ilabas ang sa kanya at sa loob ni Lanie niya ito napaputok, hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa. "Anong gagawin natin, alam ko walang kasalanan itong bata sa sinapupunan ko pero isa itong malaking pagkakamali," ang umiiyak pa ding sabi ni Lanie. "Lanie mag-iisip ako ng paraan, huwag kang mag-alala, magpahinga ka muna at magleave, sasamahan din kita magpacheck-up bukas," ang nasabi na lang muna ni Reniel, gulong-gulo din ito, pero sa kaibituran ng puso niya ay may kung anong saya siyang nararamdaman. Komplikado lang talaga at may girlfriend na siya pero siya na siguro ang pinakamasayang lalake sa buong mundo kung naiba ang sitwasyon nila. Habang tumatagal kasi na mas nakikilala niya si Lanie ay mas lalong nahuhulog ang loob niya dito, napakabait nito, matalino at masipag, marunong itong makisama, bonus na lang ang pagiging maganda at sexy nito. Di na muna pumasok si Lanie at nagdahilang masama ang pakiramdam. Lunchbreak ng bumalik si Reniel para dalhan ng lunch si Lanie, inaalo niya ito dahil alam niya na sobra talaga itong apektado. "Pansamantala muna nating ililihim ang sitwasyon mo habang di pa lumalaki ang tiyan mo, siguro naman ay makakadiskarte ako kay Lizette para masabi ang nangyari, alam ko masasaktan siya pero andyan na yan ehh," ang sabi ni Reniel. "Hindi mo ako kailangang panagutan, naging emosyonal lang ako kanina pero nakapag-isip na ako, itatago ko sa pamilya ko ang nangyari, tutal hindi naman nila ako nakikita, saka na lang ako magpapaliwanag pag umuwi na ako ng Manila, dito naman sa office ay papalabasin ko na lang na may nakikilala akong lalake at nun nalamang nabuntis ako ay iniwan ako, ganun na lang, ganung kasimple," ang plano ni Lanie. "Pero handa naman akong panagutan ka, anak ko din yan, dapat dalawa tayong nag-iisip ng solusyon, bigyan mo lang ako ng konting panahon" ang kontra ni Reniel. "Buo na ang plano ko, may girlfriend ka at di ko kayang saktan ang kapwa-babae ko, di naman kita aalisan ng karapatan sa bata, pero yun sating dalawa wag mo ng isipin yun, baka nga ito yun nakalaan para sakin, ang magkaanak lang," ang sabi pa ni Lanie. Wala na ngang nagawa si Reniel sa desisyon ni Lanie, pero di na siya umalis sa tabi nito, palagi siyang nakaalalay sa dalaga, syempre naman at anak niya ang dinadala nito. Kakaibang saya ang naramdaman niya ng unang makita sa ultrasound ang anak at marinig ang heartbeat nito. Excited din siya palaging bilhan si Lanie ng kahit na anuman magustuhan nito. Naging malapit na nga sila sa isa't isa dahil sa pagbubuntis nito. At kahit di pumayag ang dalaga gagawa siya ng paraan para makakalas kay Lizette, sukdulang bayaran niya lahat ng nagastos ng mga ito sa pag-aaral niya. Ibibigay niya lahat sa mga ito ang naipon niya, kahit pa matagalan siyang masimulan ang pangarap niyang construction firm. Ang mahalaga lang sa kanya sa ngayon ay ang kanyang mag-ina. Alam niya na matututunan din siyang mahalin ni Lanie, di lang ito payag sa ngayon dahil nga sa may girlfriend siya. Pero oras na maayos niya ang lahat, ipaparamdam niya dito ang wagas na pagmamahal at tutulungan niya itong makalimot sa mga sakit na naranasan. Masama ang pakiramdam ni Lanie kaya naman kahit palabasin niya ng kwarto si Reniel ay ayaw siyang iwan nito. Sobrang maalaga nito, daig pa nito ang tunay na asawa sa pag-aasikaso. Kung wala nga lang siguro itong girlfriend ay kaya niya itong mahalin lalo na at ama ito ng magiging baby niya. Sa kwarto niya natulog ng gabing iyon si Reniel at matamang nakabantay sa kanya. Hanggang sa naging okay na siya ay ayaw ng umalis sa tabi niya ang binata. "Lanie di ako mapapakali pag di ko kayo kasama ni baby, pabayaan mo ng dito ako magstay, mag-iingat naman ako sa pagpasok dito sa kwarto mo para di sila makahalata, nag-aalala lang ako, please," ang samo ni Reniel sa kanya. "Ang kulit mo talaga, sige na nga, " ang pagpayag na din ni Lanie. Mas lalo ngang naging close ang dalawa, lahat na yata ng kwento ng bawat isa ay napagkwentuhan na nila. May isang mapangahas na bagay pa silang napag-usapan, ika nga nila, tao lang naman sila na may pangangailangan din, at isa pa magkakaanak na din naman sila. At yun ay ang 'friends with benefits' na naging setup nila. Hindi nila alam kung bakit dumako sila sa ganung usapan pero naging masaya naman sila at hindi man aminin ni Lanie ay unti-unti na ding nagkaroon ng puwang sa puso niya si Reniel. To be continued...................

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD