KABANATA 2

1874 Words
KABANATA 2 Tahimik kami sa loob ng kotse. Si Dad ang nagda-drive habang si Mommy ang nasa tabi niya at ako naman mag-isa sa likod. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Out of nowhere bigla ko na lang natanong, “Mommy, do you believe in ghost?” ‘Yung nangyari kasi kanina hindi ko alam kung totoo ba o dala lang ng sobrang takot ko dahil doon sa lugar. ‘Yun ang unang beses na makaranas ako ng ganun at sana hindi ko na muling maranasan pa. “Gwen, sinabihan na kita kanina ‘di ba? Don’t ask questions like that. Kung kailan gabi na at kagagaling lang natin sa punerarya at saka ka pa nagtatanong nang ganyan. Ayoko ng mga ganyan. Kinikilabutan ako.” Napahimas sa magkabilang braso niya si Mommy.  “Hon, itigil mo nga muna d’yan sa may tindahan ‘tong sasakyan. Magpagpag tayo d’yan. Hindi tayo galing sa burol pero mabuting nang sigurado na walang sasama sa ‘tin sa bahay galing doon.” “Naniniwala ka pa sa mga ganyang pamahiin?” natatawang tanong ni Dad. “Walang mawawala kung susundin,” sagot ni Mommy. Inihinto ni Dad ang kotse sa tapat ng bukas na maliit na sari-sari store. “May gusto kang ipabili?” tanong ni Dad kay Mommy bago siya bumaba ng kotse. “Softdrinks.” “Ikaw Gwen?” “Bababa na lang po ako, para makita ko kung ano’ng mga tinda.” Paglabas ko ng kotse bigla na lang akong tinahulan ng asong kulay itim na nakatali sa bakod ng katabing bahay ng tindahan. Galit na galit ang tahol niya sa ‘kin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Mabuti na lang maigsi ang tali niya kung hindi baka nasakmal na niya ‘ko. Hay, bakit ba ang malas ko ngayon? Hindi ko alam kung ano’ng rason at ganun ‘yung aso sa ‘kin, samantalang may ibang tao naman na dumaraan pero hindi niya pinapansin. Iniisip niya kaya na meron akong pagkain? Sa itsura niya kasi mukhang madalang siyang pakainin. Ang payat niya at may mga galis at sugat pa. Sirang tabo na may lamang tubig lang ang nasa tabi niya. Kawawa naman. Wala pa rin siyang tigil sa katatahol. Mukhang gigil na gigil talaga siya sa ‘kin at kitang-kita ko ‘yung matatalim niyang ngipin. Bakit ba ganito siya? Napahinto ako at napaisip. ‘Di kaya may nakikita siyang hindi ko nakikita? Sa takot napatakbo ako palayo. “Gwen ano’ng gusto mo? Gusto mo rin ng softdrinks?” Napatingin naman ako sa loob ng tindahan at halos wala naman itong laman. ‘Yung mga garapon na may lamang iilang piraso ng candy at ang isa sigarilyo pa ang laman. May ilang chichirya ang nakasabit. ‘Yung mga tigpi-piso. “Sige po ‘tsaka isang supot ng tinapay.” May nakita kasi akong nag-iisang supot ng tinapay na may lamang anim na buns. “Nay, tatlong softdrinks nga po ‘tsaka ‘yung tinapay,” sabi ni Dad sa matandang tindera. Dahan-dahang tumayo ang matanda at sobrang bagal na lumakad palapit sa cooler ng softdrinks. Uubo-ubo pa siya sabay dahak at dura ng plema sa lupa nilang sahig. Kumuha ng tatlong bote ng softdrinks ang matanda sa loob ng cooler at inilagay sa isang supot. Isinama na rin niya doon ‘yung tinapay. “Dayo kayo rito ‘no?” tanong niya sa pagitan ng pag-ubo, habang inaabot kay Dad ‘yung supot. “Opo. Namatay po kasi ‘yung tiyahin ng asawa ko,” sagot ni Dad sabay abot ng one hundred pesos sa matanda. “Kamag-anak kayo ni Luring?!” gulat na tanong ng matanda. “Opo.” “Susmaryosep!” Nag-sign of the cross ang matanda at mabilis na naghanap ng panukli sa kinakalawang na lata ng cookies na mukhang pinaglalagyan ng mga kinita niya sa tindahan. Dinig ko ang kalansing ng barya sa loob nito. “Ito nang sukli niyo,” sabay abot nang twenty pesos at tatlong tig-lilimang piso na nalaglag pa ‘yung isa sa lupa kaya dinampot ni Dad. “Umalis na kayo rito! Umalis na kayo! Salot!” Hindi ko alam kung takot ba o galit ang mayroon sa boses niya. Parang hirap na hirap pa naman siyang magsalita nang dahil sa ubo niya. Nakapagtataka talaga ‘yung ikinilos niya. Umalis na lang kami bitbit ang mga binili namin, at bago ako sumakay ng kotse tinanggal ko muna sa supot ‘yung tinapay at saka ko ihinagis doon sa aso na hindi naman pinansin nito dahil tuloy pa rin siya sa pagkahol sa ‘kin. Hindi naman ata siya gutom. “Bakit parang galit ata ‘yung matanda?” tanong ni Mommy pagbalik namin sa kotse. “I don’t know. Nalaman lang na kamag-anak natin si Inang, nagkaganun na. May mga kaaway ba ‘yung tiyahin mo rito?” tanong ni Dad. “Hindi ko alam. Ang daming taon na hindi kami nagkita. Ang dami sigurong nangyari na hindi ko alam.” Mukhang maiiyak na naman siya. Umalis kami nang hindi namin alam kung ano’ng kasagutan sa mga katanungan namin. Isang palaisipan sa ‘kin ang ikinilos ng matandang may-ari ng tindahan. Para kaming may kung anong sakit na pinandidirihan kaya ipinagtatabuyan. Ipinarada ni Dad ‘yung kotse sa tapat ng bahay ni Inang. Luma na ang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy. ‘Yung mga bintana gawa sa capiz at kita mula doon ang mga bukas na ilaw sa loob; sa itaas at ibaba nito. Hindi ito ganun kaliwanag, lalo na at madilaw ang kulay ng mga bumbilya. Maraming tanim na mga halaman sa paligid at mga punong namumunga, tulad ng mangga, bayabas at atis. ‘Yung bakod gawa sa kawayan. Halatang lumang-luma na ito dahil ‘yung ibang kawayan natanggal na sa pagkakapako. Halos lahat ng mga bahay dito sa Bayan ng El Ciego ganito ang itsura. Para akong bumalik sa nakaraan. Malayong-malayo sa itsura ng mga bahay sa Manila. Napakatahimik. Tunog lang ng mga kuliglig ang maririnig. Napakalayo rin ng lugar na ‘to. Sumakay pa kami ng roro para lang makarating sa probinsyang ‘to. At mula sa piyer bumyahe kami nang halos tatlong oras bago nakarating dito. “Ano kayang ginagawa ng kapatid mo? Baka buong araw na namang hawak ang cellphone” sabi ni Mommy habang naglalakad papunta sa entrance ng bahay. Enzo is my seven year old younger brother. Iniwan namin siya rito sa bahay ni Inang kasama si Ate Rose, na yaya niya. Hindi naman kasi namin pwede isama si Enzo sa punerarya. He’s too young para pumunta sa ganoong lugar and for sure it will be very traumatizing if sa kanya nangyari ‘yung na-experience ko kanina. Ngayon nga, iniisip ko kung paano ako makakatulog. Huwag sana akong bangungutin. Ayokong mapanaginipan ‘yung mga nangyari kanina. “For sure, pero ‘yun po ay kung malakas ang internet,” sabi ko. Sobrang hina ng signal sa lugar na ‘to at minsan nga wala pa. It will take you 30 minutes para lang mapanood ang isang 5-minute video sa Youtube. Hindi pwede sa mainipin at mainitin ang ulo. Sinubukan ko ngang tawagan kanina ‘yung bestfriend kong si Rina pero sobrang hina ng connection. Naririnig ko lang siya pero walang video, tapos choppy pa. Kalahati ata ng sinabi niya hindi ko naintindihan. Pagpasok ng bahay isang mahaba ngunit makitid na lamesa na may dilaw na ginantyilyong mantel na ginawang poon ang agad na makikita. Puno ito ng mga nakapatong na rebulto at larawan ng mga santo. Sa pader naman may nakapakong malaking krus na kulay itim. Sa poon mayroon ding dalawang ilaw na hugis kandila at ang pinaka-apoy nito ay dalawang bumbilyang pula na parehong nakasindi. Siguro binuksan ni Ate Rose dahil nakagawian na noon na mag-dasal ng rosary tuwing ala-sais. Hindi ko alam kung anong taon naitayo ‘to pero sigurado akong sobrang luma na nitong bahay ni Inang. Kahit ang mga gamit luma na rin. Ang mga upuan, lamesa at kama lahat gawa sa kahoy na luma rin ang mga designs. ‘Yung mga upuan sa sala may mga nakaukit na mga bahay kubo at puno ng niyog sa sandalan. Ang mga upuan sa kusina mahahabang bangkito. Pati ‘yung lutuan ni Inang luma rin. ‘Di uso ang gas range. Kahoy at uling ang gamit sa pagluluto kaya sa labas ang lutuan. Pinaka modern nang gamit ni Inang ‘yung TV at refrigerator pero sobrang lumang model na.    “Ma’am, Sir good evening po,” salubong ni Ate Rose sa ‘min. “Si Enzo?” tanong ni Mommy. “Nasa kwarto po. Hawak pa rin ang cellphone niya.” “Nakapagluto ka na? Si Enzo kumain na?” “Nakapagluto na po Ma’am. Si Enzo po ayaw kumain. Sasabay daw po sa inyo.” “Okay. Paki-ayos na ‘yung lamesa nang makakain na’t makapagpahinga.” “Opo Ma’am.” “Gwen puntahan mo nga ‘yung kapatid mo. Sabihin mo tigilan na kalalaro at kakain na.” Pumanik ako sa itaas nang bahay kung saan may apat na kwarto. Sa dulong kwarto sa kanan nandoon si Enzo dahil doon din sina Mommy. Habang ‘yung katabing kwarto naman doon ako mag-isa. ‘Yung pangatlong kwarto ang kwarto ni Ate Rose at ‘yung dulong kwarto sa kaliwa ang kwarto ni Inang kung saan siya namatay. Natatakot nga si Ate Rose na matulog sa kwarto niya, kaso wala naman siyang choice. It’s either doon siya matulog or sa sala sa baba siya matutulog. Kumatok ako sa pinto ng kwarto bago ako pumasok. “Enzo, baba na.” Hindi ako pinansin ng kapatid ko. Nandoon pa rin siya sa kama, nakadapa, hawak ang cellphone at naglalaro. “Enzo, kakain na.” Nilapitan ko siya at mabilis kong hinablot ‘yung cellphone niya. “Ate!” Reklamo niya habang ino-off ko ‘yung phone. “Ate naman e. Plants VS. Zombies na nga lang nilalaro ko e.” Ang sama ng mukha niya sa sobrang inis sa ‘kin, kaso sobra-sobra na talaga ‘yung paggamit niya ng cellphone. Nang iwan namin siya kanina naglalaro siya tapos hanggang sa pagbalik namin naglalaro pa rin siya at inabot na siya ng gabi hindi pa siya naghahapunan. “Kakain na.” Seryoso kong sabi sa kanya. Wala na siyang nagawa nang ilagay ko sa bulsa ng pants ko ‘yung phone niya. Alam niyang lagpas na rin siya sa oras ng paglalaro at tuwing gabi kinukuha ni Mommy ‘yung cellphone niya para hindi siya napupuyat. Padabog siyang bumaba ng kama at nagkakanda-haba ang nguso niyang lumabas ng kwarto. Natawa na lang ako sa itsura niya. *** Habang naghahapunan kami pinag-usapan namin kung ano’ng plano para sa burol ni Inang. Sa chapel raw ibuburol si Inang. Magdadala na lang doon ng mga pagkain para sa mga darating na makikiramay. Bukas nang umaga maagang aalis sina Mommy at Ate Rose para makapamili at makapagluto. Kami naman ni Enzo, sasama kay Dad sa chapel para mag-asikaso kapag dinala na si Inang doon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD