CHAPTER 22 Yassy's POV: Nakakasuka, nakakadiri at nakakasakit ng tiyan ang palengke. Hindi ko gusto ang amoy ng isda masyadong masangsang. Feeling ko ao mang oras ay babagsak ulit ang katawan ko. Oo, nandito na kami ni Adrian sa palengke na siyang tinutukoy niya kanina. Kausap nito ang matandang babae na tumitinda ng isda. Hindi ko alam kung ano ba ang trip ng lalaking ito. Mukhang sinisimulan niya na ngang pahirapan muli ako. And I guess, siya yata ang nag-iinsist para ako na ang magbenta ng paninda ni Ale. Sa sobrang bayani niya, humahantong na ako ang nagiging kawawa. "Come here Yassy." Tawag nito sa akin. Mataray akong lumapit sa gawi nila habang nakatakip ang kamay ko sa ilong. "What?" inis kong turan sa binata. "Pumayag na si Manang sa gusto kong mangyari... But she has a