CONTINUATION.... YASSY'S POV: PERA NA SANA, NAGING ISDA ULIT! Ganito ang nangyari at naging epekto nang pagsulpot ni Adrian sa akin. Inakbayan niya ako at tinawag niya akong asawa dahilan para mawalan ako ng customer. Alam kong isa 'yon sa plano niya para hindi ako bilhan ng lalaki. Dahil alam niyang tatalikuran ako no'n kapag nalaman nilang may asawa na ako. But hello? Ni wala nga akong boyfriend, asawa pa kaya? Gusto ko sanang isampal kay Adrian ang tilapia para tumigil na ito sa pang-gugulo sa akin, pero hindi ko magawa. Ang dami kasing tao at ayokong sabihin nila na amazona akong babae. Kaya heto, muli akong sumigaw at naghanap ng panibagong mamimili. Hindi ko na makuha ang atensyon ng iba dahil hindi nila gusto ang isda na tinitinda ko. Masyado kasing mahal at hindi kaya ng