CHAPTER 21 Yassy's POV: PANIBAGONG UMAGA na naman. Hindi ko alam kung babangon ba ako o mananatiling nakahilata sa kama. Halos mabaliw na rin ako sa kakaisip kung anong rounds ba ang gusto ni Adrian. Kinakabahan ako na may kasamang takot sa dibdib. Kaya ang nangyari, hindi tuloy ako nakatulog nang maayos dahil sa pesteng rounds na gumugulo sa isipan ko. Paano kung katawan ko pala ang tinutukoy niya? Hindi naman ito malabo dahil alam kong maraming lalaki ang nanghuhumaling sa akin. Like you know, sobrang sexy ng body ko. Maganda ang hubog nito, kaya kahit sinong lalaki nagkakandarapa sa tulad ko. "Ms. Maldita! Gumising ka na dyan!" Malakas na sigaw ng binata habang kumakatok sa pinto. Oo nga pala, nagparaya siya kagabi sa kwarto niya. Sabi nito ay ako muna ang gumamit kaya ako ang