CHAPTER 29 Adrian's POV: NANDITO na ako sa labas ng classroom nila Yassy. Hinihintay ko siya dahil sabay kaming kakain ng lunch. Tapos na kasi magdiscuss ang Professor namin kaya maagang na-dismiss ang klase. Kaya pinili kong maghintay sa corridor habang tinatanaw ang babae na busy sa pakikinig sa nagsasalita sa unahan. Nasa may dulo siya nakapwesto kaya hindi niya ako makita. Samantalang ako, nakikita ko ang bawat kilos at galaw niya. She's really busy kaya wala itong pake sa mga katabi niya. Kaso nga lang, may isang lalaki ang kumuha ng atensyon ko dahilan para mapatitig ako nang matalim. Ang lagkit kasi ng tingin nito sa babae na para bang type niya ang girlfriend ko. Nasa likuran ni Yassy ang binata kaya nasa bandang pwetan ang titig niya na tila hinuhubaran ang dalaga. Damn