CHAPTER 28 Yassy's POV: THIS IS IT! Ang unang araw ng klase namin. Mabilis talaga ang takbo ng oras kaya hindi ko aakalain na pasukan na agad. Sabay kami ngayon ni Adrian na papasok sa University, kaya ang kinalabasan, naghihintay siya sa akin sa labas ng kwarto. Nakabihis na kasi ang binata samantalang ako ay nag-apply ng make-up sa mukha. I need this, para maging maganda ako sa paningin ng mga tao sa University. Mahirap na, ang yabang ng Campus Queen nila na si Andrea. Akala niya kung sino siyang mayaman, ang cheap naman ng suot. "Yassy, 20 minutes na lang, malapit ng mag-time," pagkakatok ng binata. "Oo na po, saglit lang. Malapit na akong matapos," tugon ko sa kanya sa magalang na pananalita. After a minute, lumabas na ako ng room at agad na inakbayan siya. "Tara na babe,