CHAPTER 30 Yassy's POV: HINDI ko na nahabol pa si Adrian. Pagkalabas niya ng cafeteria, hindi ko na siya nakita pa. Ang bilis niya masyado kung kumilos. Hindi pa naman ako familiar sa campus na 'to. Kaya wala akong magawa kundi ang bumalik sa room ko. Siguro lilipas din ang galit ni Adrian kapag lumamig na ang ulo niya. 'Di bale, magkasama naman kami sa bahay kaya madali ko siyang masuyo. "Oh? Ba't hindi yata maipinta ang mukha mo, Yassy? May problema ba?" tanong ni Jiho na na nakatambay sa pintuan. Nagcecellphone siya nang maabutan ko kaya natigil ito sa ginagawa. "Wala." tipid na sagot ko. "Anong wala? Huwag ka ng magdeny. Halata naman sa mukha mo na hindi ka ayos eh," he said. "Halata pala, magtatanong ka pa. Anyway, dadaan ako kaya gumilid ka," pagsusungit ko sa binata.