CHAPTER 5

1494 Words
CHAPTER 5 (MY STRICT BODYGUARD) YASSY POV: I decided to go outside. Hindi ko kayang tiisin na makita ang mukha ni Adrian habang nilalait at pinagtatawanan ang niluto kong itlog. Kung demonyo ako, mas demonyo naman ang kasama ko. He's my bodyguard, kasi siya ang magbabantay sa akin habang wala si dad. But at the same time, siya rin ang inutusan ni dad na pabaguhin ang ugali ko. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit mas inaatupag nung lalaking 'yon na baguhin ang ugali ko, gayon na masama rin siyang tao. Yes, I admit na maldita ako at maarte. Pero hindi ako katulad niya na gano'n kasakim na tao at masyadong madamot pagdating sa pagkain. Nakakairita! Dahil sa ginagawa niya, mas binibigyan niya ako ng rason para kamuhian ko siya. He's also giving me a reason not to change my attitude. Kaya heto ako ngayon, kahit mainit sa labas, tiniis ko ito at nagawa ko pang umupo sa gilid ng kalsada na may katabing halaman. I pick some flowers para dito ko ibuhos ang sama ng loob ko sa kanya. "BWISIT SIYA! WALANG PUSO! PABIDA! MADAMOT! MATAKAW! AT HIGIT SA LAHAT UBOD NG GWAPO!" inis kong turan habang inaalisan ng petals ang bulaklak na hawak ko. Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang katagang gwapo na mismong binigkas ng aking dila. "Teka? Gwapo? Tsk. Yung Adrian na 'yon, gwapo? Hindi naman ha? Ang pangit niya nga! Mukha siyang unggoy na pinaglihi sa pagiging kuripot!" I said again while talking to myself. Nagmumukha tuloy akong baliw dito dahil nagsasalita akong mag-isa, but I don't care. Kahit na ganito ako, maganda pa rin ako noh! "Bakit ba kasi sa dami na pwedeng magpabago sa akin, siya pa ang pinili ni dad? Ni hindi ko nga kayang maka-close ang taong 'yon. And take note, ni hindi man lang umeepekto sa kanya ang kagandahan ko. Siguro, bakla siya. Kaya gano'n na lamang ang galit niya sa akin kasi insecure siya masyado sa kagandahan ko?" muli kong sambit. Pero sa kalagitnaan ng pagsasalita kong mag-isa ay narinig ko ang isang tawa mula mismo sa harapan ko. Yung tawa nito ang naging dahilan para mapaangat ako nang tingin nang sa gano'n makita ko ang mukha niya. "Tsk. Anong nakakatawa? Stop laughing. We're not even close para tumawa ka ng ganyan." mataray kong turan sa kanya. I even rolled my eyes para hindi na ito umangal pa. Kakalipat ko lang kasi sa squater place na 'to kaya hindi pa sa akin pamilyar ang pagmumukha ng mga tao rito. "Sorry, I just find you interesting. Ang cute mo kasing tingnan while speaking in the air. Para ka kasing naagawan ng pagkain." usal niya dahilan para matakam ako sa salitang pagkain. One thing that comes into my mind ay mangutang sa kanya ng pera. I need food. I badly needed a food right now! Gutom na gutom na ako. "Ahm, thank you. But can I have a request?" tanong ko rito at lalo ko pang pina-cute ang aking ngiti. "Sure. Anything. What is it?" balik na turan nito. "I'm hungry na kasi. And I don't have money in my pocket. So I decided na mangutang sayo? Can I borrow some money? Don't worry, I will pay for it naman as soon as possible." mahinang tugon ko na may mahabang paliwanag pa. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya ng diretsa ang tungkol sa parusang nangyari sa akin kaya ako nandito sa marumi at mahirap na lugar. "Ayon lang pala eh. No worries. I got you! Kung gusto mo, I'll treat you. Sakto, hindi pa rin ako nag-aalmusal. Kakauwi ko lang. And I'm planning to visit my brother. Balak ko kasing magbakasyon ng panandalian dito sa kanya habang may hinihintay akong kontrata." wika nito sa akin. Pero hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi niya dahil nagugutom na talaga ang sikmura ko. At sa sobrang gutom ko ay sumama na ako sa lalaking ito kahit hindi ko kilala. Take note, hindi ako kaladkarin na babae. I'm just concern with my body. Ayokong magkasakit at ayokong pumayat. Besides, sinuri ko naman ang mukha nitong binata. And it seems that he's kind and have a good heart. Aside from that, pogi siya. Parang magkamukha sila ni Adrian. Pero syempre, mas umaapaw ang kapogian nito dahil may mabuti siyang loob para i-treat niya ako. "Where are we going ba? And saan tayo kakain? Is there a restaurant here? Or something like Jollibee?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. "Ano ka ba, squater ang lugar na ito kaya hindi uso ang mga ganyan na kainan na sinasabi mo. Masyadong malayo pa 'yon. Siguro aabutin tayo ng tatlong oras bago makarating do'n kaya mas mabuti na dito na lang tayo kumain," turan nito as he stop walking. Kaya maging ako ay napatigil na rin sa paglalakad. "Bakit tayo tumigil? Don't tell me na dito tayo kakain?" I asked while raising my left eyebrow. Nasa tapat kasi kami ng isang bahay na may mga lutong ulam at tinapay. "Yes. Dito nga. Karenderya ang tawag dito. Teka nga, huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakakain sa ganitong kainan?" tanong niya rin sa akin. "Yah. I don't like this place. Sa tingin ko naman hindi masarap ang mga pagkain dito at maru--" Bago pa man matapos ang sasabihin ko bigla nitong tinakpan ang aking bibig. "Huwag mo nang ituloy baka marinig ka ng may-ari. Masarap naman ang mga pagkain dito. You must try it, hindi ka magsisisi." Because of what he said, I keep my mouth shut. Tumuloy na ako sa loob habang siya ay pumipili ng makakain. Tiningnan ko ang bawat sulok ng paligid. The place is clean naman. Ayon nga lang, made of kahoy at bamboo. Hindi katulad sa mga kinakainan ko noon na halos ilang milyon ang nagastos para sa mga mamahaling upuan at mesa. After ten minutes, bumalik yung lalaki na may dalang tray. The food he ordered are spaghetti, pancit, burger and drinks. "Kain ka na. Don't worry, the food is safe. Hindi ka magkakasakit dito," saad niya na may concern sa pagsasalita. Kaya kahit papaano ay napangiti niya ako dahil sa kabutihang pinapakita niya. "Mas maganda ka kapag nakangiti. Kaya sana lagi ka lang naka-smile," komplimento nito kaya agad na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ko. "Oh? Nakabusangot ka na naman. Iba-iba rin ang mood mo ha? By the way, I'm Patrick. It nice to meet you." Nagawa niya pa talagang isingit ang pagpapakilala niya ha? Pero sige na nga, I'm going to introduce also myself. "Yassy. But since you help me, you can call me Yas," I said. "Greate name! Kaya pala maganda ka, kasi maganda rin ang pangalan mo," sambit nito. "You know what, gasgas na ang linya na 'yan. I heard it so many times with other guys. Pwedeng iba naman?" turan ko sa kanya kasabay ng pagkain ko ng hambuger. And guess what, it taste so yummy. Kaya hindi ko maiwasan na maubos ito sa loob ng ilang segundo lang. Hindi naman siguro halata na gutom na gutom ako diba? "Hey, kalma lang. Hindi naman kita aagawan niyan," natatawang wika ni Patrick. "Just don't mind me kung naiirita ka. Kakasabi ko lang na nagugutom na ako," ngusong bigkas ko. "Nah. I'm not. Mas mabuti ngang napapakita mo agad ang ugali mo," nakangiting tugon niya. "This is not my real attitude. I'm so maarte in real life. Nagkataon lang na sobra akong ginutom nung lalaking inutusan ni Dad na bantayan ako," pag-aamin ko. "Ibig sabihin mayaman ka?" "Hindi ba obvious? Do I look like a poor woman?" inis kong tanong. Wala itong imik at tila hinihintay ang sasabihin kong paliwanag. "Fine. My dad punished me for being a brat girl. And here I am, sa lugar na hindi ko naman pinangarap na puntahan at tirahan. Actually, kulang lang ako sa pagmamahal ng magulang kaya ganito ako. I just want their attention, pero laging busy si dad. And my mom? She passed away," pagkekwento ko sa kanya. "I'm sorry to hear that," malungkot nitong turan. "Okay lang. Matagal na rin naman simula nung mamatay siya. Kaya tanggap ko na rin na hindi na babalik ang mommy ko," muli kong sabi at pinili kong uminom ng drinks. Pero muntik ko nang mailuwa ang iniinom ko dahil nasilayan ko ang titig ni Adrian na matalim mula sa labas ng karenderya. Halos hindi ko tuloy maigalaw ang katawan ko dahil unti-unti na itong lumalapit sa pwesto namin. Nakatalikod kasi si Patrick kaya ako lang ang nakakakita sa binata. "Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. At hindi ka pa nga tumatagal sa lugar na ito, may nabingwit ka na agad na mauuto mo," seryosong sambit niya na naging hudyat para mapalingon ang binata. Pero sa halip na magulat si Patrick, ako pa mismo ang mas nagulat dahil sa nalaman ko. "Kuya? Magkakilala kayo?" Sa salitang kuya, doon lang sumagi sa isipan ko ang sinabi niyang brother kanina. Hindi kaya---magkapatid ang dalawa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD