CHAPTER 4
YASSY POV:
"Where's the breakfast ba? Parang hindi ko yata nakikita sa lamesa ang pagkain. Wala ba ditong milk?" I asked Adrian.
Napapahikab pa ako nang konti dahil masyado pa talaga akong antok.
But I choose to stand up and go in front of him.
Nakaupo na kasi siya ngayon samantalang ako kinakalap ang mata para hanapin ang pagkain. Malay mo, tinatago niya lang ulit. Dakilang kuripot at makasarili kasi ang lalaking ito.
"Talagang hinahanapan mo pa ako noh? Tsk. Ibang klase ka talaga." Tanging turan niya at napapailing na lamang.
"I'm hungry na. So I don't have time para makipag-argumento sayo. I want to eat." diretsa kong sabi.
"Sa tingin mo ba ikaw lang ang nagugutom? Syempre ako rin." pasegunda nito sa sinabi ko.
"Oh yun naman pala. Edi ilabas mo na ang pagkain and let's eat together na. Para sa gano'n, magkasundo naman tayo kahit ngayong araw lang." Nakangiting wika ko sa binata.
"Sino bang may sabi na kakain ka?" bigkas niya dahilan para mapakurap ako.
"What?"
"I just cooked one egg. And obviously, it just only for me. Hindi tayo pwedeng maghati dahil bitin pa ito sa akin." pahayag niya habang nakatitig sa gawi ko.
Naningkit naman ang mata ko at hindi ko napigilan na komprontahin siya.
"Bakit ba ang selfish mo? Patay-gutom ka ba?" inis kong tanong.
"I'm not. Hindi ako madamot. Sadyang hindi ko lang gusto ang ugali mo. Sa isang katulad mo na maldita, hindi mo deserve na bigyan ng pagkain." pagwiwika niya.
Napapangwi na lamang ako habang pinipigilan ko ang sarili na huwag siyang sakalin.
Maya-maya'y tumayo siya at kasabay no'n ay may kinuha siya sa maliit na lalagyan.
And guess what, isang itlog at isang tinapay lang ang nilabas niya.
Oo na. Natatakam na ako. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Sobrang nagugutom na talaga ako.
"So delicious! Bread with egg!" pag-papainggit nito para gutumin ako lalo.
Kinagat niya pa talaga ang tinapay sa mismong harapan ko.
Konti na lang at tatadyakan ko talaga ang taong ito.
"Wala ba talagang extra dyan? Baka mamaya tinataguan mo na ako ha?" pagtuturan ko sa maayos na pananalita.
Naging kalmado muna ako saglit nang sa gano'n makuha ko ang loob niya.
"Meron." Simpleng tugon nito dahilan para ganahan ako.
"Really--"
"Pero hindi pa luto. So you need to fried the egg before you eat." mabilis na patuloy niya para maalis agad ang kasiyahan sa mukha ko.
"Ano?!"
"But don't worry, may mantika naman do'n at meron ding asin na magagamit mo para makapagluto ka ng itlog." muli niyang sambit.
"Pinagtitripan mo ba ako? Namumuro ka na sa akin, Adrian. Kagabi pa ako nagtitimpi sayo." gigil kong bigkas.
"Of course not. Bakit ko naman sasayangin ang oras ko sayo na pagtripan ka? Ang ginagawa ko lang ay para sayo. Nang sa gano'n maturuan ka ng leksyon. Dahil 'yon ang gusto ng daddy mo na mismong amo ko. Kaya kung gusto mong makakain, edi magluto ka para sa sarili mo. That's it. Ayon lang naman ang choice mo." Pagwiwika nito.
"P-pero kasi... hindi... hindi ako marunong." pag-aamin ko habang kinakamot ang aking batok.
"Halata ko naman. Ikaw yung babae na walang alam sa buhay. Ang alam mo lang ay ang maging maldita at maging masama sa mga tao. Palibhasa, lumaki ka sa marangyang buhay." he said again.
"It's not my fault kung lumaki sa mayaman na pamilya. Kaya huwag mong idadahilan sa akin 'yan. Sinasabi ko lang naman na hindi ako marunong, kung saan-saan ka umabot. Ang daldal mo!" pananaray ko.
"Well, it's not my problem. Matuto kang dumiskarte. Hindi yung i-asa mo pa sa ibang tao ang lahat. So goodluck!" bigkas niya at marahan na tinapik ang balikat ko.
At bago ito umalis, pinainggit niya pa ako nang tinapay na hawak niya.
Nakakademonyo talaga siya! Ubod ng kasakiman!
Kahit naman maldita ako, never ako naging kuripot. Kaya magkaiba ang ugali naming dalawa.
Pero ang pinoproblema ko ngayon kung paano magluto.
I don't even know how to cook.
Gustuhin ko man na magsearch sa youtube, pero naalala ko na kinuha rin pala ni Dad ang cellphone ko at binigay kay Adrian.
Yes, kahit cellphone, bawal!
Kaya si Adrian mismo ang nagkokontrol sa akin. And if ever na tumawag si dad, siya ang magbabalita.
Akala ko pa naman, magiging masaya ang buhay ko dahil mayaman ako. But now, I already know the feeling na maging isang mangmang.
Pero kung tutuusin, sinanay lang naman ako ni mom. Inispoiled niya sa maraming yaya. Nasanay ako na maraming inuutusan.
My mom really loves me. Kung meron mang isang tao na sobrang concern sa akin, siya 'yon. But she passed away. At naiwan ako kay dad na kasalungat ng ugali ni mommy.
Si Daddy, super strict siya. May limitations ang bawat galaw ko. Pati nga pag-gala, may oras pa.
"Kung hindi ka mag-aalmusal, mas mabuti pang maglinis ka ng bahay. Ang kalat na masyado oh!" sigaw ni Adrian na tila senyorito.
Napunta tuloy sa kanya ang atensyon ko.
"Tanga ka ba? Matagal ng madumi ang bahay mo! Kaya kung gusto mong malinis na bahay, pwes bumili ka ng bago!" malakas na sambit ko.
Padabog na rin ako na pumunta sa may lutuan kung saan hindi ko alam kung paano gagamitin ang isang---kalan?
"My gosh! I don't even know how to cook. Paano ko sisimulan ito? Ano ba ang uunahin?" kausap ko sa sarili.
"Wait, I'm going to put the kawali here ba? Hays, where's the kawali ba?" muli kong sabi at medyo natataranta na talaga ako.
Para akong baliw dito na nagsasalitang mag-isa.
"Gamitin mo ang mata mo, hindi ang bibig. Nang sa gano'n, mahanap mo yung hinahanap mo. Hindi yung 'where's the kawali ba? Tsk." saad ni Adrian na talagang ginagaya pa ang boses ko.
Ang bilis niyang sumulpot.
"Alam ko. At pwede ba, huwag mo akong istorbohin! I know how to do this. So I don't need your f*****g help!" pagyayabang ko.
Ayoko na magkaroon ng utang na loob sa kanya noh.
Kaya heto, nang makita ko ang kawali, halos mandiri ako dahil masyado pa itong mamantika. Siguro hindi niya hinugasan ito matapos niya gamitin.
"Hindi ka ba marunong maghugas? Look oh, after you fried, hinayaan mong ganito ang kawali mo."
"Sinadya ko naman talaga 'yan na hindi hugasan para mas mahirapan ka." wika niya habang kumakain.
"Demonyo." mahinang bigkas ko na lamang.
Naguguluhan na ako ngayon kung ano ang uunahin. Pero matapos kong hugasan ang kawali ay kinuha ko ang posporo.
Anyway, hindi ko alam kung tama ba ang pagkakahugas ko but I think okay naman.
"Wait, what's the next?" tanong ko sa isipan.
"Ah I got it! I need a paper to create a fire." saad ko na tila nasagot ito ng utak ko.
Kaya sinindihan ko na ang papel para makabuo ng apoy.
After that, 5 minutes, kinuha ko ang mantika para ilagay sa kawali.
Kaso nung nilagay ko na ang itlog ay nagmukha akong may kaaway dahil sa mga talsik ng mantika.
"Ouch! Aray! It's hurts! OMG! Ayoko na!" pagtatakbo ko.
Nagawa kong tumago sa likod ni Adrian na kanina pa tawa nang tawa sa akin.
"Oh? I thought you know how to do it? Hahaha." pang-iinsulto niya.
"Alam ko nga. Pero hindi ko sinabi na kaya kong tiisin ang sakit ng mantika! Hmp!" turan ko naman.
Nang matapos, halos manghina naman ako sa naging kinalabasan ng itlog na prinito ko.
"Huwag ka ngang tumawa! Para sabihin ko sayo, ikaw ang inspirasyon ng itlog na 'yan! Kasing itim ng singit at budhi mo!" bulyaw ko at asar na lumabas ng bahay.
Yes, super maitim ang fried egg na naluto ko.