CHAPTER 6 (MY STRICT BODYGUARD) YASSY's POV: "MAGKAPATID KAYO?!" malakas na sambit ko na ngayon ay papalit-palit ang tingin ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko ngayon. The guy who helped me is the younger brother of Adrian. Ang halimaw na ito ay may kapatid na anghel. And it's so funny, right? Paano nagkaroon ng kapatid si Patrick na kasing demonyo ni Adrian? Hindi ko lang mapigilan na ikumpara silang dalawa. They are different to each other. Malayong-malayo ang kanilang agwat pagdating sa ugali. Pero kung sa pisikal na anyo ang pag-uusapan ay sobrang malapit ang kagwapuhan nila. Kung pogi si Patrick ay lalo namang pogi si Adrian. Kaso hindi ko gusto ang pag-uugali niya. Tama nga siguro ang kasabihan, ang taong masama ay galit sa kapwa masama. Well, hindi na rin