CHAPTER 31 Yassy's POV: "KUNG ganyan pa rin ang tingin mo sa akin, mas mabuti pang maghiwalay na tayo. I don't deserve that word Adrian. May damdamin din ako kaya marunong akong masaktan," mapaklang sambit ko. Pinipigilan ko na huwag umiyak sa harapan niya dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Sapat na siguro ang salitang 'malandi' at 'pagdeny' para tumigil na ako sa katangahan ko. "But don't worry, I will do my job here. Hindi mo kailangan na pagsabihan ako dahil gagawin ko pa rin ang trabaho ko. And after that, kakausapin ko si Dad. Sasabihin ko sa kanya na tuluyan na akong nagbago. Para sa gano'n, wala ng pabigat sa buhay mo. Tutal, miss na miss ko na ang buhay ko sa mansion," kalmado kong patuloy. Nakayuko akong umalis sa mismong tapat niya at pumasok sa kwarto. Kukunin ko ang