Thalia's Point Of View*
Bakit hindi ako nagpapakilala sa kanya? Nako naman oh! Siya ang bagong Employer ko pero hindi pa niya nakikilala kung sino ako.
Tumikhim ako ng mahina at lumapit sa kanya na kinatingin niya sa akin at nagtataka kung bakit ako nakatayo.
"Sir, I'm Thalia Eris Campbell, nice to meet you po," sabay ng pagpapakilala ko sa kanya ay ang pangiti ko sa kanya.
Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin noon. Nung siya ang Dad ng Boyfriend ko.
Flashback...
Wala ako sa sarili ko dahil ginastos na naman ni Xander ang pera ko sa walang kwentang bagay at nandidito ako ngayon sa Photocopy machine at nakatulalang nakatingin sa papel na lumalabas sa machine at napabuntong hininga ako.
"Bakit ang gloomy mo ngayon, Lia?"
Nagulat ako nang may nagsalita at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Tito Demetrius na walang emosyon na nakatingin sa akin.
"S-Sir... I mean Tito..."
Sabi kasi niya basta kaming dalawa lang daw ay Tito ang tawag ko sa kanya at kami lang dalawa ang nandidito kaya Tito ang tawag ko.
"Did anyone bully you in your Department?"
Agad akong umiling iling sa sinabi niya. Kung alam niyo lang po na ang anak niyo po ang bumubully sa akin.
"Wala po, ayos lang po ako."
"Lia, diba sabi ko sayo na ayokong makikita na malungkot ka? You're also my Daughter now at ayokong makikita na malungkot ka."
Waaa mabuti pa si Tito ay inaalala ako pero ang lalaking iyon ay hindi man niya iniisip kung ayos lang ba sa akin na ginagastos niya ang pera ko.
Ngumiti ako sa kanya. Para kay Tito ay ngingiti ako dahil siya lamang ang nag iisang nakaka intindi sa akin. Sana maging ganito sana si Xander katulad ni Tito.
"Ayan, that's good to see. If you have problems just tell me para masolutionan natin ang problema mo."
"Thank you po. Ah titimplahan ko po kayo ng kape."
"That's why I came here because of your coffee."
Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Gustong gusto niya talaga ang kape na ginagawa ko sa kanya.
"Tito, pwede ba akong magtanong?"
"What is it?"
Tiningnan ko siya na nakaupo na sa upuan at tinitingnan niya ang tablet niya. Nandidito siya sa department namin noh! Nakakahiya sa mga kasamahan ko sa trabaho pero naintindihan naman nila dahil Girlfriend naman ako ng anak ni Tito at alam din nila na tanging gawa ko lang naman na kape ang gusto niyang inumin maliban sa kape sa labas na di ko makaya ang galing nila.
"Kailan niyo po ibabalik ang atm ni Xander po? Hindi naman po sa nanghihimasok po ako."
"Wala na ba siyang makain?"
"Meron naman po."
Sa pera ko naman siya kumakain.
"May negosyo naman siya at sabi niya na mabubuhay daw siya doon na hindi nanghihingi sa akin."
Napatahimik naman ako. Dahil nga doon kaya na siya parating humihingi sa akin dahil hindi naka survive ang negosyong iyon.
"Ah ganun po ba?"
Inilagay ko ang kape sa mesa at agad naman niya iyong inamoy at ininom niya iyon.
"Don't tell me dahil sa anak ko kaya ka malungkot, Thalia?"
Natigilan ako dahil nakalimutan ko na marunong siyang magbasa ng isipan.
Napalunok naman ako at agad ngumiti. Hindi ko pwedeng awayin si Xander dahil baka hindi niya ako babayaran sa mga kinuha niya sa akin. Mahirap na.
"Hindi po. Maayos po ang relasyon naming dalawa at wag po kayong mag aalala tungkol sa bagay po na yun."
Tumango tango naman siya at napansin ko na ubos na pala niya ang Kape na binigay ko sa kanya.
"I need to go. Sabay pa tayong magdidinner mamaya dahil namimiss ko ang luto mo. Alam mo naman na ilang araw na ako sa ibang bansa dahil sa meeting na yan. Di ako nakakain ng maayos."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Tito, diba sabi ko wag kang magpapagutom? Mamaya ha dadamihin ko ang pagluto mamaya siguraduhin mong mauubos mo yun."
"Sure, basta ikaw ang magluluto."
Napangiti ako at nag wave na dahil babalik na siya sa opisina niya.
End Of Flashback...
"Nice to meet you, Miss Thalia."
"Call me Lia na lang po, Sir."
Yun kasi ang tawag niya sa akin mula noon at nasanay na ako sa bagay na yun.
"Okay, Lia."
Napangiti ulit ako at nagsign siya na bumalik ako sa pag upo.
"You're always smiling?" ani ni Mr. Demetrius sa akin.
"May isang tao po kasi na ayaw na makita akong malungkot kaya."
Mahina naman siyang natawa at tumango tango.
"I think that person is important to you."
"Yes po, that person siya lang ang naging kakampi ko sa lahat ng problema. Siya lang ang nag iisang tao na kakampi ko kesa Boyfriend ko noo---"
Natigilan ako sa sinabi ko. Teka bakit ko sinabi na may Boyfriend ako! Wala pa akong Boyfriend ngayon and totally Single ako ngayon!
"Boyfriend?"
"Eh? Uhmm, imaginary bf ko lang po. Totally single po ako."
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin at natawa ng maghina.
"I never thought may ganun palang tao na nag iimagine na may Boyfriend sa isipan."
Napapout naman ako. Jusko! Hindi ko aakalain na masasabi ko ang bagay na yun!
Tanga mo talaga, Thalia!
"Lia, kung yan ang nasa isipan mo ay wala naman akong nagagawa sa imaginary Boyfriend mo pero wag sana aabot sa punto na para kay makikipag usap sa sarili mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Hindi po mangyayari iyon."
Nakapout kong ani sa kanya at nakita ko na natutuwa talaga siya habang nakatingin sa akin.
Dumating na ang order namin at naglalaway ako sa pagkain na nasa harapan namin ngayon.
Dali dali kong kinuha ang phone ko at kukunan ko sana ng litrato nang matigilan ako at dahan dahan na tumingin sa harapan ko.
"Continue."
Napatikhim ako at agad kinunan ng litrato ang mga pagkain na nasa harapan ko at nakikita ko na nakatingin lang siya sa akin na parang nag eenjoy sa ginagawa ko.
Dahan dahan ko namang binaba ang cellphone ko at tumingin sa kanya.
"Let's eat."
Tumango na lang ako at kinuha ko ang kutsara at tinidor at agad na akong kumain.
At nanlalaki ang mga mata ko dahil ang sarap ng pagkain.
"Do you like it?" tanong niya at agad naman akong tumango.
"Don't worry po dahil ako na po ang bahala na magluluto sa inyo po."
"Hmm."
Enjoy na enjoy ako sa pagkain nang bigla siyang nagsalita ulit.
"Saan ka nakatira ngayon?" tanong niya sa akin.
"Ah nagrerent lang po ako ngayon ng Apartment po."
"You don't have parents?"
"Matagal na po silang pumanaw po."
"I'm sorry to hear that. Do you mind na tumira sa mansion ko?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Po?"
"Kung gusto mo lang naman. Being an Assistant ay parati kitang tinatawag at mahal na ang pamasahe ngayon at para makatipid ka na din sa Apartment mo."
Bakit parang nakikita ko kay Mr. Demetrius ngayon ay isang anghel na nasa lupa ngayon?
"T-Talaga po? Pwede po?" nauutal na tanong ko.
Tama siya sa 4k na bayarin ko taga buwan ay pwede ko iyong malagay sa alkansya o sa bangko.
"Yes."
"Sige po!"
Di ko mapigilan ang excitement ko na kinahinto ko at umayos ng upo dahil nakatayo na ako ngayon dahil sa saya.
"Ehem..."
Bigla namang may kumatok na kinatingin ko sa pintuan.
"Come in," ani nito habang kumakain.
Pumasok naman ang isang lalaki at kilala ko ang taong yun! Siya ang Secretary ni Mr. Demetrius. Si Bobby!
I miss Bobby! Kaibigan ko din si Bobby pero dahil seloso si Xander kaya iniiwasan ko na si Bobby.
"Sire, ito na po ang pinapautos niyong Kontrata po."
Inilagay naman ni Bobby ang Kontrata sa gilid ng mesa.
Nakangiti akong nakatingin sa kanya at napatingin naman siya sa akin at nagulat siya dahil nakatingin ako sa kanya habang nakangiti at nagpapanik naman siya at tumingin siya kay Sir Dem. Dem na lang ang taas kasi ng Demetrius ehhhh.
"Hello, it's so nice to see, Mr. Bobby."
Nagulat siya dahil kilala ko siya at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you too, Miss?"
"Thalia, I'm Thalia."
"Miss Thalia."
Napangiti ako at napangiti na lang din siya.
"Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Bobby kay Sir Dem.
"She knows it."
"Eh?"
"You can go now. Magsisimula na siya bukas. And she's my new Assistant. She's a student... by the way kailan magsisimula ang klase mo?"
"Morning, Sir. Start ng 7am hanggang 12am."
Tumango naman siya.
"It's okay dahil, 10am naman ako papasok sa opisina at depende naman sa akin kung kailan ako uuwi. May ipapa assign ako sayo na driver na maghahatid at sundo sayo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Hala, no need na po! Nakaabala na po ako sa inyo. Malapit lang po ang University ko sa Kompanya po ninyo kaya wag po kayong mag aalala."
"Okay, kung yan ang gusto mo."
"Sir, bago niyo po idiscuss ang lahat ng yan ay kailangan po muna niyang permahan ang kontrata po."
"Ah yes."
Kinuha naman ni Bobby ang kontrata sa mesa at inilagay sa gilid ko at nilagay ko naman ang pangalan ko at napatingin ako sa pangalan ng kompanya na papasukan ko.
Dito pa din ako sa kompanyang ito pero sisiguraduhin ko na mababago na ang hinaharap ko at di ko na hahayaang mangyari ang bagay na yun. Hindi ako kailanman mamamatay sa kamay ng Xander na yun.
Hahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo at hindi ako minamaltrato ng ganun na lang.
I deserve to be happy.
******
LMCD22