Chapter 5- Demetrius Mansion

1667 Words
Thalia's Point of View* Nakatingin ako sa Kontrata na nasa harapan ko. "Uhmm, Miss Thalia, ayos ka lang?" Napatingin ako kay Bobby na nag aalalang nakatingin sa akin. Hala nakakahiya kasi kanina pa ako nakatingin sa papel na nasa harapan ko. "Are you okay?" "Ah eh oo, ayos lang ako. Binasa ko lang." Napatango naman sila at pinermahan ko na ang papel at binigay kay Bobby. "Welcome to our company," ani ni Sir Dem at nakahlahad ngayon ang kamay niya sa akin at napangiti naman ako at tinanggap ko naman iyon. Hinatid naman nila ako sa Apartment ko kahit sinabi ko na wag na. Pero hinatid pa din nila ako para malaman nila kung saan ako nakatira para matulungan din nila akong makuha ang mga gamit ko bukas. "Salamat po sa paghatid niyo sa akin, Sir." "Not a problem." Ngumiti naman ako at tumingin din ako kay Bobby. "See you tomorrow din, Bobby." Ngumiti si Bobby at tumango at lumakad na ako papasok sa bahay ko. Mabuti tulog na ang mga tao sa paligid ng apartment ko dahil sigurado magchichismis na naman ang mga kapit bahay namin. Napasandal ako sa pintuan ko at naalala ko na naman si Sir Dem. Biglang napahawak ako sa puso ko nung maalala ko si Sir Dem. Patay parang kinakabahan ako sa nangyayari ngayon ha. Wag sana matuloy dahil para ko na siyang Ama! Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa paligid at mukhang unti unti ko na itong iaayos para makakalipat na ako bukas. Biglang may kumatok sa pintuan ko na kinakunot ng noo ko kaya lumakad ako papunta doon at sumilip ako doon at nakita ko si aling Selsa na nagmamay ari ng Apartment na tinitirhan ko ngayon. "Ano naman ang kailangan niya sa akin?" "Thalia! Buksan mo ang pinto at kanina mo pa tinatakasan ang obligasyon mo sa tirahan mo ngayon ha! Magbayad ka!" Natigilan ako sa sinabi niya. Hala hindi ba ako nakabayad sa Apartment ko ngayon? Napalunok ako at binuksan ko ang pinto at nakita ko si Aling Selsa na nakakunot ang noo nito. "Aling Selsa..." "Magbayad ka o hindi kaya umalis ka na dito dahil marami ang naghahanap ng bahay ngayon. Jusko!" Napansin ko na lumabas na ang mga kapitbahay namin dahil sa bibig ni Aling Selsa. Kailangan ba talagang sumigaw? "Uhmm, ilang araw na po ba akong bitay po?" "Anong araw? Dalawang Buwan ka ng Bitay! Nagsimula yan nung tumira ang Pinsan mo dito! Diba sabi mo na ikaw na ang magbabayad sa upa niya noon!" Natigilan ako at naalala ko ang bagay na yun. Wala akong problema sa pagbabayad at ang problema ay ako ang magbabayad sa dalawang buwan na tinira ni Abegail dito at ako ang magbabayad nun dahil wala siyang pera na ika bayad. Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko ang bagay na yun. Umiiyak si Abegail sa akin dahil wala siyang pambayad sa upa niya na dalawang buwan. Naglayas kasi siya sa bahay nila dahil nagrebelde sa mga magulang niya. Tsk, lumayas layas pero ako ang pinapabayad niya sa upa niya. Pero naaawa ako sa kanya dahil sa lahat ng Pinsan ko ay siya lang ang ka close ko kaya sinabi ko na ako na ang magbabayad sa upa niya nun. Napakatanga ko naman noon. Inabuso niya ang kabaitan ko. Hindi lang yan ang ginawa niya sa akin noon at marami pang iba. "Aling Selsa, wag po kayong mag aalala po dahil ako na po ang bahala sa bagay na yun." "Anong ikaw bahala? Yan naman ang sinabi mo diba na ikaw ang bahala pero wala ka pa namang ginagawa! Nabalitaan ko na hindi ka na nagtatrabaho doon paano ka makakabayad niyan!" Napapikit ako dahil sa sigaw niya. Isa din ang babaeng ito parati na lang ako ginaganito. "Aling Selsa, wag kayong sumigaw magkalapit lang tayo at ang laway niyo po nasa mukha ko na po." Nakita ko na mas lalong kumunot ang noo niya at nakita ko din ang ugat sa leeg niya. "Ikaw! Wala kang respeto!" Akmang sasampalin niya ako ay agad kong nahawakan ang kamay niya at kalma akong tumingin sa kanya. Napasmirk ako habang nakatingin sa kanya. "Aalis na po ako dito pero wag po kayong mag aalala babayaran ko po ang bitay na tinira ng pinsan ko dito bukas. At wag na wag niyo po akong sasampalin dahil baka di ako makapagtimpi at hindi ako makarespeto ng matanda." Binitawan ko ang kamay niya at nakita ko na nagulat siya at maski ang mga kasamahan ko dito dahil ako yung tao noon na manana tili lang tahimik dahil ayokong makasakit ng matatanda. Dahil natatakot akong masabihan na walang respeto. Pero noon iyon at hindi na ngayon. "Magpapahinga na po ako." Sinirado ko na ang pintuan ng kwarto ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nangyayari. Kinabukasan... Nakaayos na ang lahat ng mga gamit ko at hindi naman madami ang gamit ko at mga damit lang naman at ang mga gamit dito ay kay landlady naman ito. Nakauniform na ako dahil papasok na ako sa school nang biglang may kumatok sa pintuan. Teka si Landlady na naman ba ito? Napakunot ang noo ko at pinuntahan ang pintuan at pagkabukas ko ay nagulat ako dahil si Bobby ang nakikita ko ngayon. "Mr. Bobby." Nakangiti ito sa akin. "Good Morning, Miss Thalia." "Good Morning din sayo. Bakit ka nandidito?" "Ah inutos ni Sir na ipapahatid ang gamit mo sa mansion ngayon." "Eh? Ngayon pala yun? Mabuti na lagay ko na sa maleta. Ah pasok ka muna." Tumango naman siya at napansin ko na may mga chismosa sa paligid at nakita ko na lumapit ang Landlady namin. "Thalia." "Po?" "Kaya ka pala ganun na sumagot sa akin kahapon dahil may Boyfriend ka na palang mayaman." Napatingin ako kay Bobby na nakatingin din sa akin. At totoo ang sinasabi nito na si Bobby at mayaman. Actually magkaibigan ang pamilya nilang dalawa ni Sir Dem at kahit mayaman siya ay gusto niya pa ding maging Secretary ni Sir Dem. "Hindi ko siya Boyfriend." "Wag mo ng itanggi. Uhmm Sir, may bitay kasi itong si Thalia---" "Aling Selsa! Hindi po siya ang magbabayad! Diba sabi ko mamaya na ako magbabayad?" "Ano ba, mayaman naman yang Boyfriend mo oh." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Pumagitna naman si Bobby sa amin na kinagulay ko. "Mr. Bobby..." "Magkano po ba ang bitay niya?" Magalang na ani nito sa matanda. "Mr. Bobby, di mo na kailangan gawin ang bagay na yan---" Napatingin naman si Bobby sa akin at ngumiti siya na parang nagsasabi na siya na ang bahala. "10k ang bitay niya sa akin." Natigilan naman ako sa sinabi nito sa akin. "What 10k! Aling Selsa baka nakakalimutan mo 4k ang monthly ng Apartment na ito---" "Okay po." Inilabas ni Bobby ang pitaka niya at kinuha niya ang 10k sa pitaka niya na kina kagat ko sa labi ko. "Ito na po. Wala na tayong problema sa upa niya dito diba?" Napaatras si Aling Selsa nung napatingin siya kay Bobby at nakikita ko sa mukha nito na parang natatakot siya kay Bobby. "W-Wala na po." Nung tingnan ko si Bobby at nakatingin siya sa akin at bumalik ang ngiti niya. Waaa! Naalala ko lumalabas din naman ang ganung side ni Bobby na seryoso. Syempre hindi mawawala ang dugo niya na heir ng pamilya nila. "Kukunin na natin ang gamit mo." "Ah oo." Pumasok na kami sa loob at isa isang inilabas ni Bobby ang dalawang maleta ko at kinuha ko naman ang packbag ko at nakita ko na may mga Bodyguards na kumuha sa bag. "Let's go. Hinihintay ka ni Sir sa mansion." Napatingin ako sa relo ko at mukhang malelate ako nito ha. "Don't worry, nakausap na ni Sir ang mga Department Head ninyo na excuse ka muna ngayon sa klase ninyo para makahanda ka sa gamit mo doon sa mansion. "Thank you." Pumasok na kami sa kotse at excited na akong makita ulit ang mansion ni Sir Dem. Nung nag aaway kasi ang mag ama ay hindi na kami nakakabalik sa mansion na yun. Naalala ko na hindi din nakatira si Xander sa mansion ng Dad niya dahil may Condo naman siya. Kaya safe ako sa presensya niya. Nakarating kami sa mansion at tutulungan ko sana sila pero pinigilan ako ni Bobby. "Miss Thalia, sila na ang bahala sa mga bagahe mo. Idadala nila ang mga gamit mo sa kwarto mo. Ang ngayon ay pinapunta ka ni Sir sa dining room." "Ah okay." "Shall we?" Tumango ako at lumakad na kami papasok. Sinundan ko lang si Bobby at nakikita ko ang pamilyar na mga gamit ni Sir Dem. Hanggang makarating kami sa Dining room at di ko aakalain na makikita ko ang lalaking ayaw kong makita. Si Xander. Teka anong ginagawa niya dito? "She's here. Come here, Lia." Lumakad naman ako at ang puso ko ay sobrang bilis dahil nakita ko siya. Nanginginig ako pero di ko yun pinahalata sa kanya. Nakita ko na gulat siyang nakatingin sa akin at di siya makapaniwala na makita ako. "Thalia, ikaw ang Assistant ng Dad ko?" "Yes." Walang emosyon na ani ko sa kanya. "Magkakilala kayong dalawa?" napatingin kami sa Dad niya. "Yes/ No." Nagtataka namang tumingin ang Dad niya sa amin. "I'm your Friend now dahil iniligtas kita diba?" Naiinis ako sa ngiti niya. Para siyang Aso. At tama nga pala. Naalala ko ang bagay na yun. Dammit! Inilahad niya ang kamay niya. "Let me introduce myself again." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "I'm Xander, nice to see you again, Miss Thalia." Tiningnan ko ang mga mata niya. At napabuntong hininga na lang ako at ngumiti sa kanya at tinanggap ang kamay niya. "Nice to meet you again, Mr. Xander," ngumiti ako ng napakatamis sa kanya at nakita ko na nakatulala siya sa akin. Dito na magsisimula ang paghihiganti ko sayo, Xander. I make you fall to me harder at iiwan na lang kita sa ere hanggang sa mabaliw ka. Let the sweet revenge starting.... ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD