Thalia's Point Of View*
Nakatingin ako sa panyo ni Mr. Demetrius na Dad ni Xander at nakikita ko doon na same ito sa panyo na pinahiram niya akin nung nasa Apartment ako nun.
At dahil wala na siya sa paningin ko ay napabuntong hininga ako at tumingin ako sa kalangitan. Sa pagkakaalala ko ito ang araw na nagsisimula na ang pagkakaibigan namin ni Xander.
Kahapon nangyari yung pumunta siya sa Restaurant at nagsagutan kami. So ngayon wala akong trabaho ngayon at maghahanap ako ng trabaho ngayon sa kahit saan.
Napatingin ako sa orasan ko at mukhang maglalakad muna ako para makahanap ng trabaho sa kahit saan at hindi doon sa dating tinatrabahuan ko.
Lumakad na ako palabas ng gate at inalala ko pa ang iba na konektado sa nakaraan ko. At hindi ko din maiiwasan na kinurot kurot ko ang sarili ko kung nasa totoong buhay ba talaga ako na bumalik ako sa nakaraan o hindi.
Sana di ko makita ang Xander na yun. Sana...
Biglang may bumusina sa gilid ko na kinagulat ko at napahawak ako sa puso ko. Masama kong tiningnan kung sino ang bumusina sa akin at nanlalaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Mr. Demetrius.
Akala ko nakaalis na siya? Teka lang in the first place ay ano ba talaga ang ginagawa niya doon?
"Uhmm... hello po," ani ko na lang.
Nakakahiya yung ginawa ko.
"I apologize dahil nagulat ka sa pagbusina ng driver ko."
Nanlaki ang mga mata ko at agad umiling iling.
"Nako po, ayos lang ako!"
Nang naalala ko ang panyo na pinagamit niya sa akin.
"Ah tungkol po sa panyo. Wag po kayong mag aalala dahil lalabhan ko po ito at ibabalik sa inyo."
"Uuwi ka na?"
"Eh? Ah.. hindi po dahil maghahanap pa ako ng trabaho po ngayon dahil umalis po ako sa dating trabaho ko."
"Hmm... ganun ba?"
"Opo."
Nakangiti lang ako sa kanya at pakiramdam ko tumahimik ang atmosphere nang may naalala ako sa unahan may mga mababangga ako na mga tambay at muntik na akong magahasa nang biglang dumating si Xander.
No! ayoko munang makita ang taong yun!
"Mister, pwede po bang makisabay? Doon lang ako sa ikatatlong kanto bababa."
Nakita ko na napabuntong hininga siya at tumango.
Lumabas naman ang isang Bodyguard niya na kinagulat ko at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Thank you po."
Lumakad naman ako at pumasok sa loob. Waaa katabi ko ulit si Tito!
Sanay na ako sa presensya niya dahil minsan tinutulungan ko siya sa mga gawain niya sa Opisina pag may time ako na dapat trabahuin ng anak niyang si Xander.
Puro kasayahan na lang iniisip ng isang iyon. Tsk! Nang may naisip ako.
"Mister, pwede po ba sa inyo ako magtatrabaho? Bilang Assistant po? Kaya ko pong gawin ang lahat. Pinag aralan ko na po ang mga bagay bagay tungkol sa business po."
Napatingin naman siya sa akin.
"Ano pa ang kaya mong gawin bukod sa bagay na yun?"
Natigilan ako. Ano pa ba ang mga dapat gawin? Waaa! Ano ba?
"Kaya ko pong mag linis doon..."
"May cleaner na ako sa Opisina ko."
"Kaya ko pong magtimpla ng kape."
Alam ko yun dahil kahit waitress ako ay dapat matutunan namin ang mga bagay na yun dahil shuffle ang trabaho namin.
Naalala ko din na hindi masyadong kumakain si Mister pero nung dumating ako ay kumakain na siya at maiiwasan na niya ang ulcer niya.
"Kaya ko din pong mag luto, magtimpla ng kape, at mag asikaso sa nga pape---"
"You're hired."
"Eh? Po?"
Sinandal niya ang ulo niya sa sandalan at ako naman ay nanglalaki pa din ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko.
"Waaa! salamat po! Salamat po talaga! My Gosh at may trabaho na ako!"
Mababago ko na ang future ko! Basta iiwasan ko muna ang lalaking iyon dahil paplanuhin ko pa ang pag hihiganti sa kanya.
"Mister Demetrius, thank you po talaga---"
"How did you know my name?"
Natigilan ako sa sinabi niya at napalunok ako. Waaaa di ko wrong move! Dapat di ko pa siya kilala at sa katunayan ay hindi pa kami magkikita ngayon dahil sa kaarawan niya pa kami magkikita. Inimbitahan kasi ako ng Xander na yun na maging date niya sa birthday ng Ama niya.
Mukhang napaaga ang pagkikita namin ha.
"Sinong hindi po nakakakilala sa pinaka sikat, mayaman at kilala ng lahat na CEO s***h President ng Henderson Corp? Alam ko po ang tungkol sa inyo dahil nababasa ko po sa newspaper and also magazine ang tungkol po sa inyo kaya alam na alam ko po ang tungkol sa inyo. Marami din pong nagkakagusto sa inyo po."
Kahit Dad na ni Xander ito ay di mahahalata na Dad niya ito dahil mukhang nasa mga 30's pa din ito kahit 39 years old na siya ngayon.
Nung 2024 ay 26 years old na ako at siya naman ay 47 years old na nun.
"Hmm..."
Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa harapan. Nagulat ako nung biglang tumunog ang tiyan ko na kinalaki ng mga mata ko.
Hala! Kailan pa ako huling kumain? Hindi ko maalala!
"You're hungry?"
Dahan dahan akong tumingin kay Mr. Demetrius at napalunok at ngumiti ako sa kanya.
"Hindi po ako gutom. Itong tiyan ko lang po ang gutom."
"Pfft..."
Napatingin ako sa Dalawang nasa harapan namin na mga Bodyguards nito at agad naman silang napatikhim.
"Let's straight to the restaurant."
Napatingin ako kay Mr. Demetrius na nakatingin sa akin.
"Po? Diyan lang po ako sa kanto."
"Anong gagawin mo sa kanto? Mukhang hindi naman doon ang bahay mo," nakakunot ang noo niyang ani.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Oo nga naman. Wala namang kasing mga bahay doon dahil puro naman shops ang mga doon.
"You're not my Assistant. Kung nasaan ako ay nandodoon ka din diba?"
He's right. Assistant na pala niya ako. Napangiti ako dahil may sweldo na ako at kahit minimum ay magiging okay na ako basta hindi lang ako doon sa restaurant na walang respeto sa mga empleyado.
Nang matigilan ako dahil nag aaral pa ako.
"Tungkol po sa pag aaral ko."
"Doon na natin pag uusapan sa restaurant."
Tumango naman ako at may tinawagan siya sa cellphone niya.
"Magdala ka ng kontrata dahil may na hire na akong Assistant."
Napakagat ako sa labi ko dahil sa saya. Masaya akong makatrabaho si Mr. Demetrius dahil ayaw niya ng mga bullies at kung may kakayahan at sipag ka ay ilalagay ka talaga sa mataas na position.
Nakita ko na binaba na niya ang cellphone niya at nakangiti pa din ako habang nakatingin sa kanya.
"Why are you smiling? Hindi ka ba takot sa akin? Napapansin ko na hindi ka naiilang sa akin kanina pa at hindi kagaya ng iba."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi po dahil alam ko na mabuti po kayong tao."
"I'm not."
"Mister, sarili ko po yung pananaw kaya wag kayong mag reply. Alam ko po kung ano po ang isang tao ayon sa pananaw ko sa kanya."
"Oh really?"
"Yes, po."
"Kung ganun ay makakatulong ang talent na yan sa mga empleyado ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Don't tell me gagawin niya akong interrogation sa mga Employee niya?
"Eh?"
Naramdaman ko na huminto na ang sasakyan at pinabuksan naman kami ng pintuan at agad naman akong lumabas.
Napatulala ako dahil isang mamahalin na restaurant ang papasukan namin ngayon at nakakahiya dahil naka uniform ako!
Nakayuko ako habang naglalakad dahil nakikita ko na nakatingin ang mga tao sa kanya. Sikat eh."
Nagpahuli ako ng lakad para di ako mapansin nang matigil siya sa pag lalakad at napatingin sa akin.
"Why are you so far away?"
"Eh?"
At tinuro ko ang sarili ko na kinakunot ng noo niya at napalunok ako at agad naman akong lumapit sa kanya.
"You are my Assistant kaya nasa tabi kita and always remember that. Kailangan ding kumain ng maigi ang Assistant ko at ayoko ng payat na parang buto't balat na."
Napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa kamay ko.
"Hindi naman ako skeleton."
"Papunta ka na doon."
Nakarating kami sa isang VIP room at napanganga ako habang nakatingin sa paligid at nakikita ko din sa may malaking bintana ang boung lugar at ang ganda nun kaya ako tumakbo doon at napanganga ako habang nakatingin doon.
Ibang iba talaga ang future at ang ngayon. Marami pang puno ang nandidito at pagkarating ng 2024 ay magiging gusali na ang mga puno sa paligid.
"Mister... I mean Sir. Sir na ang itatawag ko sayo."
"Do whatever you want."
Tiningnan ko siya na nakaupo na sa upuan. Kaya lumakad ako at umupo ako at inisug naman ito ng waiter.
"Ang ganda ng lugar na ito, Sir."
"I know right."
Binigay naman ng Waiter ang menu at binuksan ko iyon at nanlalaki ang mga mata ko sa laman ng menu.
"Ang mahal..." mahinang ani ko.
"You can choose whatever you want."
"Pero...."
Kalahati na ito ng boung buwang sweldo ko noon.
"What are you?"
Napatingin ako sa kanya.
"You're Assistant, Sir."
"Mabuti alam mo kaya pumili ka na."
Napakagat ako sa labi ko kasi paano ako makakapili kung ganito naman kamamahal ang mga ito. Sinabi naman ni Sir ang order niya at napatingin naman sila sa akin.
"Same kay Sir."
Nakangiting ani ko at tumango naman ito at matapos makuha ang lahat ng order ay umalis na ito at nakatingin ako kay Sir Demetrius.
Kamukha talaga niya ang lalaking iyon. Malamang anak niya iyon. Ibang iba siya sa Dad niya. Hindi ko alam kung saan nagmana ang lalaking iyon. Pero alam ko na wala siguro sa mga magulang niya.
Na adapt niya iyon sa mga kaibigan niya pero seryoso sa Walong taon kaming magkasintahan ay di ko pa nakikita ang mukha ng Ina niya at di ko alam kung magkamukha sila o hindi.
"As my Assistant, I still didn't know your name."
Natigilan ako. Teka kanina pa kami nagsama at di ko pa nasasabi ang name ko sa kanya!
What the! Hinire niya ako pero di ko pa nasasabi ang name ko!
Jusko! Makakalimutin na din ako!
*****
LMCD22