Thalia's Point Of View*
Nasa sasakyan kami ngayon at nasa harapan ako katabi ng Driver habang ang mag ama ay magkatabi.
Gusto kong umupo dito para di ko makatabi ang Xander na yan. Bigla kaming huminto sa isang botique na kinagulat ko at bumukas ang pintuan nila at lumabas sila at pinagbuksan din ako ng Bodyguard at nagtataka naman akong lumabas.
"Bakit po tayo nandidito po?"
"Bibili tayo ng damit mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Sir Dem.
"Po? Hindi po ba at 11 kayo papasok eh malelate na po tayo."
"Baka nakakalimutan mo si Dad ang Boss, Thalia."
Biglang binatukan ni Sir Den si Xander na kinagulat ko.
"Bakit Dad?"
"Nagtanong ka ba kay Lia kung agree ba siyang tawagin mo siya sa pangalan niya, Xander?"
Natigilan naman si Xander sa sinabi ng Ama niya at ako naman ay muntik ng matawa sa sinabi ng Ama nito.
"Eh? Magkaibigan naman po kami ni Thali---"
Agad siyang napalayo nung babatukan na naman siya ng Ama niya.
Napatingin naman sa akin si Sir Dem.
"Pasensyahan mo na ang anak ko, Lia."
"Ayos lang po, Sir. Sanay na po ako sa ugali niya."
Nagulat naman sila sa sinabi ko. Sa pananalita ko ay parang matagal na kaming magkakilala ng lalaking ito.
"What I mean po is kilalang kilala na po siya sa school bilang ganyan po."
"What do you mean na bilang ganyan, Lia?" tanong ni Sir.
Tiningnan ko si Xander na parang naguguluhan din kung ano ang mean ko.
"Ang pagiging tarantado po. Pasensya na po sa word."
Natahimik naman silang dalawa sa sinabi ko at napalunok ako dahil doon. Nasobrahan na ba ako?
Bigla na lang natawa si Sir Dem na kinataka ko at nakita ko na napapout naman si Xander.
"That's why I like you being my Assistant dahil alam mo talaga kung ano o sino ang mga nasa paligid mo. Tama ang sinabi mo na tarantado talaga ang batang ito."
"Dad."
"Kagaya ngayon? Bakit ka pa nandidito eh kanina pa ang time in mo. Alis na."
"But Dad...."
Nagsign si Sir Dem na dalhin na si Xander at wala namang nagawa si Xander kundi ang sumama at kami na lang ang naiwan at kasama ang Apat na gwardya niya.
Pumasok na kami sa loob at nakikita ko na hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi niya dahil siguro sa sinabi ko.
"Sir naman eh..."
"Why?"
Napapout naman ako sa sinabi niya. Parang nang iinis ehhh.
"I just like you being a true person at hindi kagaya ng iba na pinili pang mag sinungaling kesa magsasabi ng katotohanan."
"Yun naman kasi ang nakikita ko sa kanya kaya yun ang sasabihin ko."
Tumango tango naman siya.
"Just be yourself kung may umaway sayo ay sumbong mo sa akin."
Napangiti ako at tumango.
"Kagaya po ninyo ang bait niyo po. Hindi po ako naniwala na heartless po kayo dahil alam ko sa likod ng malamig na expression po ay may tinatagong lambot sa puso niyo po."
Mahina naman siyang tumawa at pinat niya ang ulo ko.
"Just a defence mechanism when you do that emotion. Hindi ka agad matatapakan ng ibang tao. Just keep it in your pretty mind, my Assistant."
Napangiti ako at tumango.
"I will po."
"Pumili ka na ng mga gusto mong damit."
"Eh? Ah opo."
Agad naman akong namili ng damit at muntik na akong matumba dahil sa presyo.
"Sir..."
"Hmm?"
"May alam naman po akong mura lang po at mukhang mauubos ang pera na bigay niyo sa akin kung bibili ako ng dalawa o tatlong damit."
Nahihiya ako ngayon habang nakatingin sa damit. Parang ayoko ngang hawakan ang mga iyon.
Tumawag siya ng sales lady at agad naman itong lumapit sa amin.
"Yes, Sir?"
"From here to their kukunin ko lahat ng yan."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What!
"Po? Teka lang po, Sir."
Nagpapanik na ani ko sa kanya.
"Ah baka hindi masukat sayo? Get her size and yang design ng dress na nasa linya na yan ay kunin ninyo."
Di na ako nakasalita sa sinabi niya at napapout na lang ako.
Matapos akong kunan ng size ay bumalik na ako sa sofa at tiningnan ko si Sir Dem na seryosong nakatingin sa tablet niya.
"Sir..."
Napatingin naman siya sa akin.
"Sir, mahal po ang lahat ng binili ninyong dress po."
"That's coins for me."
Totoo naman ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan kung bakit niya yun ginagawa.
"But..."
"Come here."
Lumapit ako sa kanya at inilahad niya ang tablet sa akin.
At tiningnan ko iyon at nanlalaki ang mga mata ko dahil nakaschedule at naka arrange na ang lahat ng mga meetings at gagawin niya sa isang araw.
"Yan ang mga meetings ko ngayong araw at memorize mo ang format para kung may bagong meeting ako ay ilalagay mo diyan. Si Bobby na din ang magtuturo sayo sa iba."
"Okay po. Salamat po."
"Hmm..."
Tumayo naman siya na kinatingin niya sa akin.
"Let's go?" tanong niya na kinataka ko.
"Pero ang bayad po? At dadalhin ko pa po ang mga gamit...."
"No need to do that. This is my boutique and I can do whatever I want. Ihahatid na nila ang lahat ng damit mo sa kwarto mo mamaya. Don't worry."
Napanganga ako sa sinabi niya. What the! Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong botique siya ngayon!
Teka bakit hindi ko alam ang bagay na yun? Sa kanya talaga ang botique na yun!
Hindi ko alam ang bagay na yun!
Lumabas na kami at pumunta kami sa Kompanya.
Nakarating kami doon mga 12pm na at nakaramdam na ako ngayon ng gutom. Mukhang magpapadala na lang ako mamaya ng food delivery.
Maraming nakayuko kay Sir Dem at sanay na ako sa bagay na yun. Nakita ko si Bobby na nakangiting nakatingin sa amin.
"Good Morning, Sir and also Miss Thalia."
"Good Morning din Bobby."
"Hmm," tanging tango lang ang sinabi ni Sir Dem.
"So shall we?"
Pipindutin ko sana ang elevator nang biglang pinindot agad ni Bobby ang button sa elevator.
Pumasok na kami sa loob ng elevator at nasa tabi lang ako ni Sir Dem at sa kabila naman si Bobby. Napahawak ako sa tyan ko dahil gutom na nga ako.
"Nakahanda na ba ang kakainin namin sa opisina?"
"Yes, Sir."
Natigilan ako at napatingin kay Sir Dem at kay Bobby.
"May foods?" mahinang ani koy Bobby.
"Yep, don't worry puro masarap ang lahat ng iyon."
"I trust you with that."
Napatikhim naman ng mahina si Sir Dem at huminto naman kaming dalawa.
Nakarating kami sa opisina niya at napatingin ako sa paligid at namamangha ako habang nakatingin sa opisina nito.
"Ah, Miss Thalia, this is my table. Kung may kailangan ka ay tanungin mo lang ako at sa kabilang mesa naman ay yan ang sayo."
Napangiti naman ako at tumango at pumasok naman kami sa loob at ang ganda ng opisina ni Sir Dem.
"This is the office of our President."
Lumakad naman si Sir Dem sa mesa niya at agad akong lumapit sa kanya at tinulungan ko siyang hubadin ang business suit niya at pinabayaan naman niya ako at inilagay ko naman doon sa parang sampayan.
"Miss Thalia, umupo ka na dito."
Napatingin ako kay Bobby at lumakad papunta sa kanya at naglalaway ako sa mga pagkain na nandodoon.
"Mukhang masarap nga."
Nakita ko na umupo si Sir Dem sa harapan ko at napatingin ako kay Bobby na mukhang aalis na.
"Teka, tapos ka ng kumain, Bobby? Sabay ka na sa amin."
"Ah... ayos lang..."
"Join us."
Ngumiti ako sa sinabi ni Sir Dem at walang nagawa si Bobby kundi ang umupo sa tabi ko.
At kumain na kami. Mukhang alam ko kung paano ito lulutuin dahil noon inaalam ko talaga ang mga pagkain na kinakain ni Sir Dem at niluluto iyon sa kanya.
"Masarap ba?"
"Hmm... don't worry po lulutuan ko po kayo ng ganito."
"Marunong ka palang mag luto, Miss Thalia?"
"Yes, sarili ko lang ang binubuhay ko kaya marunong dapat akong magluto sa sarili ko."
"Hmm... tama din naman ang sinasabi mo. Pero pasensya ka na kung itatanong ko ito. Nasaan ba ang mga magulang mo, Miss Thalia?"
"Mga magulang ko? Matagal na silang patay at yun ang sabi ng taong nagalaga sa akin noon pero patay na din siya dahil sa sakit kaya ako na ang bumubuhay sa sarili ko ngayon."
"Kahit sa pag aaral?"
"Yes, malaki nga ang pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng scholarship sa gobyerno. Pero hindi pa yun sapat lalo na't marami ding mga project at kailangan ko pang kumain kaya nagtatrabaho ako sa restaurant at wala na nga ako doon dahil kay Xander."
Napatingin naman sila sa akin.
"Dahil kay Sir Xander kaya ka napaalis doon?"
"Ah oo. Pero mabuti na din na umalis ako doon."
"Why? What happened?"
"Ah nothing po. Okay na din ako dito dahil Assistant niyo ako."
Nakita ko nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ah about sa scholarship. May scholarship kaming binibigay sa mga College students na katulad mo. Baka gusto mong mag apply?"
Napatingin ako kay Bobby.
"Talaga? Meron? Anong requirements?"
"Hindi requirements kung matino ka o hindi basta makikita namin na pursigido ka na mag aral ay tutulungan ka namin hanggang sa makatapos ka."
Napatingin ako kay Sir Dem habang sinasabi niya iyon.
Bakit parang Angel ang nakikita ko kay Sir Dem. Napaiyak naman ako dahil bakit noon hindi ko nalapitan ang mga taong ito. Naiiba ko na talaga ang future ko. Sana magtuloy tuloy na ito.
"Thank you po."
Hindi ako babalik sa buhay na yun noon.
******
LMCD22