Chapter 6- Preparation

1615 Words
Thalia's Point of View* Nasa hapagkainan pa din kami at ang daming pagkain ngayon at sarap na sarap ako sa pagkain. Bahala sila sa buhay nila kung magugulat sila sa pamamaraan ng pagkain ko. Hindi ko hahayaan na magkaroon ng ulcer sa future noh. Ang sakit kaya sa tyan pag umatake na ang bagay na yun. "Dahan dahan lang sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan." Napatingin ako kay Xander na nag aalalang nakatingin sa akin. Tsk. "Sinabi ni Sir na kumain ako nga maayos dahil ang payat payat ko na." Lumamon pa ako nang nabulunan ako kaya mabilis na inilahad sa akin ni Sir Dem ang tubig at agad ko naman iyong ininom at di ko pinansin ang inilahad sa akin ni Xander. Bahala siya sa buhay niya diyan. "Are you okay? Dahan dahan lang sa pagkain sayo ang lahat ng iyan." Ngumiti naman ako at tumango. "Yes, Sir." Kumain na ulit ako. "Teka totoo ba ang sinabi ni Dad na dito ka na titira, Thalia?" Napatingin ako kay Xander pero di ako sumagot. Puna ang bunganga ko. Napatingin naman ako kay Sir Dem at tinuro ko ang bunganga ko. "Wag kang magtanong alam mo naman na kumakain pa si Lia." Ngumiti naman ako at uminom ng tubig para malunok ang kinain ko. "Yes, dito ako titira." "So, dito na din ako titira?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What the! Sa pagkakaalala ko ay hindi siya dito nakatira at doon siya sa kanyang Condo dahil sa ganitong edad niya ngayon ay nagrerebelde na siya sa kanyang Ama. "Sabi mo lumayas ka na dito at hindi ka na titira dito at kinuha mo na din ang lahat ng yaman mo diba para ibili mo ng condo at sasakyan." Natigilan naman siya sa sinabi ni Sir Dem. Tama yun nga ang nangyayari noon. Kaya pumunta si Xander dito ngayon dahil hihingi siya ng pera sa Ama niya para magsimula ng negosyo at naubos na ang lahat ng pera ni Xander sa pamimili ng kahit ano. Babalik din naman pala sa Ama niya tsk. "Dad..." "Matapos mong kumain diyan ay umalis ka na." Natigilan naman si Xander sa sinabi ng Dad niya at napangiti naman ako doon ng pasekreto. "Wala naman pong masama na matutulog ang anak ninyo dito po, Sir?" Napatingin naman sila sa akin dahil sa sinabi ko. Nakita ko na napatingin naman si Xander sa Ama niya na parang nagsasabi na patulugin siya dito. Napabuntong hininga na lang ito sa sinabi ko. "Okay, fine." "Thank you. Thank you, Thalia." Di ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako. Forward... Nasa kwarto na ako ngayon at tiningnan ko ang kwarto at mas malaki pa iyon sa kwarto ko sa aprtment ko. "Okay na ba sayo ang kwarto na ito?" Tumango naman ako. "Super okay na po ako nito po. Ang laki na po nito para sa akin po. Maraming salamat po talaga." "Hmm. Mamayang 11 sa umaga ay maghanda ka dahil magsisimula ka na ngayon." Napangiti ako at tumango. "Yes po." Nang may naalala ako. "Tungkol po kay Bobby. May utang ako sa kanya kanina po. Pwede po bang maki utang muna at minus niyo na lang po sa sweldo ko po ang utang ko po sainyo." "Hmm, narinig ko na ang bagay na yun." May kinuha siya sa bulsa niya at inilahad niya sa akin ang isang card na parang atm. "This is a company's card. Dito inilalagay ang mga sweldo mo at may laman na yang 30 thousand for the first time working in my company being my Assistant and don't worry about kay Bobby kasi binayaran ko na yun at bigay ko na ang bagay na yun." "Eh? Sire, babayaran ko po yun." "No need to worry about that. Mag ayos ka na diyan at mamayang eleven ay lalakad na tayo." "Yes po. Maraming salamat po talaga sa mga tinulong niyo sa akin." Nang may naalala ako. "Ah ito po pala. Nalabhan ko na po iyan." Inilahad ko sa kanya ang panyo na pinahiram niya sa akin nung umiyak ako. "Nah, it's yours now." Nagulat ako at umalis na siya. Napatingin ako sa panyo at napangiti ako at niyakap ang panyong iyon. "Thank you, Sir." Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ko yun baka may nilalang na pasukin na lang ako dito ng biglaan. Sinimulan ko na ang paglagay ng damit ko sa cabinet at habang ginagawa ko yun ay naalala ko yung unang kita ko kay Sir Dem nun. Flashback... Magkasintahan na kami ni Xander nun at nahihiya ako nun na mag pakilala sa Ama niya at ang sabi niya ay maayos lang naman ang ama niya at wag lang daw akong matakot. Pumunta kami sa mansion ng Dad niya at pinakilala niya ako bilang Girlfriend niya at sa simula ay natatakot ako sa ama niya niya kaya napayuko lang ako at mahinhin na kumain sa lamesa. Sobrang takot na takot ako kay Sir Dem nun na para akong kakain ng buhay nun dahil sa malalamig na titig niya sa akin pero habang nakakasama ko siya araw araw ay nakikita ko na panglabas lang pala yun niya. Ang totoo ay may mabuti siyang puso kaya nakakasundo ko siya at natatawa nga ako dahil nanlalambot siya sa kape ko. Nung natikman niya ang kape na gawa ko ay parati niya itong hinihingi sa akin pero ang sabi ko hindi parati umiinom ng kape. Kaya may oras siya na iinom na kape. At yun ang binabalik balikan ng mga kustomer ko noon sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Dahil sa akin ay lumago ang restaurant na yu pero ang may ari lamang ang nagkakapera pero kami ay ganun pa din at minsan ay nahuhuli pa ang sweldo namin dahil nalulong na ito sa sugal. End Of Flashback... Nevermind. Past is past na kaya di ko na aalahanin kung ano na ang nangyayari sa restaurant na yun lalo na't umalis na ako doon at hindi kagaya noon na nagtatrabaho pa ako doon hanggang sa grumaduate ako. Pero ngayon wala na ako doon at ang swerte ko dahil mas lalong tumaas pa ang sweldo ko at napunta pa ako sa amo na mabait. Tiningnan ko ang oras at ang dali naman pala ng oras. Tiningnan ko ang kabinet ko nang may narealize ako. Wala akong business attire! Patay! Anong susuotin ko doon? Nagbihis na ako ng Dress at naglagay ng kaunting make up para desente akong tingnan. Kailangan ko pang mamili ng damit! Jusko! Bakit di ko yun naalala? Lumabas ako ng kwarto nang matigilan ako nang makita ko si Xander na nasa labas pala ng kwarto ko. Natigilan siya nang makita ako at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kahit anong soutin mo ang ganda mo talaga, Thalia." "Bakit parang naging m******s ka sa paningin ko?" tanong ko sa kanya na kinagulat niya. "Nako hindi ako ganun. Totoo ang sinabi ko." "Bakit ka nga pala nandidito?" Lumakad na ako at sumunod naman siya. "Gusto ko sabay na tayong bumaba." "Bakit sasama ka ba sa Kompanya?" "Hindi, hindi naman ako papasukin doon. Hanggang hindi ako magtatrabaho doon." "Deserve." "Eh?" Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa baba at tiningnan ko ang relo ko at napaaga ang pagbaba ko. Umupo ako sa sofa at umupo din siya sa sofa pero hindi ko siya pinansin. "Bakit ang init ng ulo mo sa akin?" Tiningnan ko siya. "If ganun ang expression ko sa simula sa isang tao ay magiging ganun na yun forever." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Eh? Grabe ka naman. Ibang iba ka sa mga taong nakilala ko." "Hindi kami same. Kaya tigilan mo ko." "I know lalambot ang puso mo sa akin." Nakangiting ani niya sa akin at walang emosyon ko lang siyang tiningnan. "Ayusin mo muna ang buhay mo. Ang gulo kasi." "Hindi naman magulo. Wala namang mali sa buhay ko." "Ikaw mismo ay mali na." Wala ka kasing kwentang nilalang. "Ano bang mali sa akin para maayos ko?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hmm... everything." Nagtataka naman siyang tumingin sa akin at napatingin ako sa taas nang marinig ko ang mga yapak ng paa at nakita ko nga si Sir Dem na bumaba at naka business suit. Napatingin naman siya sa akin. "Sir, pasensya na po kung ganito ang sout ko kasi hindi pa ako nakabili ng damit na pangtrabaho." "No need to wear business attire. Okay lang kung magsout ka ng dress. You're my Assistant only. Don't worry bibili tayo ngayon ng mga susuotin mo ngayon." "Okay po." "Shall we?" Tumango naman ako at lumakad na kami at napatingin ako kay Xander na nasa sofa at iniwan na namin siya doon. Bahala siya sa buhay niya. Nakalabas na kami at sasakay sana sa sasakyan nang biglang nagsalita si Xander. "Dad." Napatingin naman sa kanya si Sir Dem. "Babaguhin ko na ang buhay ko. Sana may isang chance pa ako na maging empleyado sa kompanya natin. Gagawin ko po ang lahat magbago lang po." Yumuko siya na parang nagmamakaawa sa Ama niya at nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sir Dem. "Okay, but no cars, no atm and no condo. Tanging igagastos mo lang ay ang sweldo mo sa kompanya. Surrender mo lahat kay Bobby ang lahat ng atm at keys mo." Namatingin ako sa kanya na parang nagdadalawang isip naman siya at napabuntong hininga na lang siya. Sigurado akong gagawin niya ang lahat dahil malaki ang makukuha niya once sasagutin ko siya at may mangyari kuno sa amin. Alam ko ang lahat ng iyon dahil nalaman ko ang lahat ng iyon pero pinili ko pa ding patawarin siya. Pero ngayon. Pagbibigyan kita hanggang masuccess ka sa plano mo. "Okay, surrender ko lahat." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD