Thalia's Point Of View*
Nakatulala ako habang nakatingin sa Kalendaryo dahil palapit na ng palapit ang petsa kung kailan naging kami ni Xander.
Naiwasan ko nga ang mga mangyayari sa akin pero kinakabahan ako ngayon baka mangyari ang araw na yun.
Ang araw na yun na hindi ako makahindi dahil nahihiya ako. Maraming tao nun nung nag tinanong niya ako kung pwede ba niya akong maging Girlfriend nun.
Oo palaban ako noon pero sa dami dami ng binigay sa akin ni Xander na mga regalo ay mahirap siyang hindian sa tanong niya na pwede ba niya akong maging Girlfriend.
Napahawak ako sa ulo ko dahil kailangan kong makaisip ng paraan para hindi mapunta sa ganung sitwasyon ang mangyayari.
"Are you okay, Miss Thalia?"
Napatingin ako sa gilid ko at nakikita ko si Bobby na nag aalalang nakatingin sa akin. Agad akong napangiti at agad ding tumango.
"Ayos lang ako at wag kang mag aalala sa akin."
"Kung may problema ka ay sabihin mo lang sa akin ha para matulungan kita."
Masaya ako dahil nakasama ko ulit si Bobby. Pasensya na Bobby dahil iniiwasan kita noon dahil grabe ang pagseselos sayo ni Xander at nagiguilty ako dahil sa kabaitan niyang pinapakita ay ginanon ko siya. Iniiwasan ko siya kahit ayokong gawin iyon.
"Salamat, Mr. Bobby."
"You can call me Bobby."
"Ayos lang ba yun sayo eh ikaw naman ang Senior ko dito."
Natawa naman siya ng mahina at tumango.
"Para na kitang kapatid. Kaya Bobby na lang ang tawag mo sa akin."
"Me too call me Thalia too."
"Okay, Thalia."
Nakangiti kaming dalawa.
Napatingin ako sa orasan ko at 3pm na. Oras na para uminom ni Sir Dem ng Kape. Ito kasi ang oras na kailangan mamahinga muna siya sandali at alam ko ang schedule na yun. Hindi siya kagaya sa iba na todo trabaho talaga eh siya kasi may oras sa pahinga o resses dahil mahirap na magkasakit.
Tumayo ako na kinatingin ni Bobby.
"Gawa muna ako ng kape."
Tumango naman siya at lumakad naman ako at agad akong pumunta sa kusina dito pa din sa floor na ito. Oh diba? May kusina pa dito sa labas ng opisina ni Sir Dem.
Nang matapos ko ng gawin ay dinala ko na ang kape at kakatok sana ako nang biglang may tumawag sa telepono ko kaya agad akong dumiretso sa mesa ko at inilapag ang dalawang kape.
"Sayo yang isa, Bobby."
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Thank you."
"Welcome."
Agad ko namang sinagot ang telepono.
"Hello?"
"Bring me coffee here in my office."
"Ah ipapadala ko na po sana kaso tumawag po kayo. Sige po deliver ko na po."
"Okay."
Binaba ko na ang tawag at nakikita ko na nanlalaki ang mga mata ni Bobby.
"Ang sarap nito."
"Ako na ang gumawa eh. Enjoy."
Natawa naman siya at tumango at pumasok na ako sa loob habang dala ko ang kape na hawak ko at ngumiti ako kay Sir habang lumalapit ako sa kanya.
"Here's your coffee, Sir. I'm sure you will like it."
Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko at kinuha naman niya iyon at inamoy at napatingin siya sa akin.
"Hmm, smells good."
Ngumiti naman ako at uminom na siya at nanlalaki ang mga mata niya nung natikman niya ang gawa kong coffee. Same reaksyon noon. Ganyan na ganyan din ang reaksyon niya nung ininom niya ang kape na gawa ko noon.
"Masarap po ba?"
Natahimik siya bigla na kinataka ko. Bakit naman siya natahimik at parang natulala.
"Sir? Ayos lang po ba kayo?"
"Hmm, I'm okay. Di ako makapaniwala na nakagawa ka ng ganitong kasarap na kape."
"Salamat naman po at nagustuhan ninyo."
"How did you know how to make this delicious coffee? I thought ang sabi mo waitress ka lang sa restaurant na tinatrabahuan ninyo at hindi barista."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sus, all in one po ang trabaho namin. Kung waitress ka dapat alam mo ding magluto, magbarista, maging cashier at maging waitress. Diba all in one ang talent ko na pumasok dito sa kompanya ninyo. Kaya ko pong gawina ang lahat ng iyan."
"Hmm, parang gusto kong tikman ang pagkaing iluluto mo."
"Sure po. Ngayong gabi po ay lulutuan ko po kayo."
"Okay, do you need to buy ingredients?"
"Kulang po ba ang ingredients sa kusina ninyo?"
"Hindi naman. As far as I remember ay updated naman ang bili nila sa mga ingredients. Naka budget naman ang lahat."
"Ah okay na po yun. Kung ano ang nasa Kusina niyo ay yun na din po ang lulutuin ko."
"You really do that?"
"Wala pong imposible sa akin po."
"Okay, ikaw ang magluluto ngayon sa main dish."
"Thank you po!"
Hanggang sa matapos na ang araw at napatingin ako sa orasan at ang dali naman nag 5pm.
Sigurado akong gutom na si Sir Dem. Napapansin ko na hindi pa lumalabas si Sir Dem at mukhang walang planong umuwi.
"Bobby, anong oras bang umuuwi si Sir Dem?"
"Oras? Hmm.... mga 6pm. Minsan ay lalagpas pa yun sa 6pm."
"Ha? eh ang kain niya?"
"Malelate na siya sa pagkain at minsan bibili na din siya ng pagkain sa labas."
"Hmm... kaya pala. Don't worry ako ngayon ang makaka assign sa everyday foods niya."
"Mabuti na din yung ganun."
Napatingin ako sa kusina na nasa gilid.
"May nga ingredients ba diyan sa kusina?"
"Hmm.... meron. Pero I think hindi kompleto ang mga ingredients doon."
"Titingnan ko."
Lumakad ako doon at tiningnan ang mga ingredients na nandodoon. Ngeee kulang ang ingredients doon.
"So ano?"
Tumingin ako kay Bobby.
"Kulang na kulang eh. Paano ba ito."
"Ganito na lang paano kung papauwiin na lang ng maaga si Sir."
"Eh? Pwede ba yun?"
"Yes, pwedeng pwede."
"Sige pauwiin natin."
"Okay, pero may gagawin ka."
Tumango naman siya at kumatok kami bago pumasok.
"Why?"
"Sir, maaga po ba kayong umuwi ngayon?"
"Pag matapos ko ito ay uuwi na ako. Bakit? Gutom ka na?"
Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Bobby.
"Uhmm... opo, gutom na po ako. Magluluto pa po ako diba?"
"Hmm... okay, dadalhin ko na lang ito sa mansion."
Nagulat ako dahil umagree ito sa sinabi ko.
"See?" mahinang ani ni Bobby.
Naalala ko ulit ang sinabi niya kanina.
Flashback...
"Pero may gagawin ka?"
"Ano naman ang gagawin ko, Bobby? Baka magalit sa akin si Sir Dem."
"Hindi siya magagalit dahil alam ko na nakahanap na siya ng katapat niya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.
"Katapat?"
"Yep, basta ang gawin mo lang ay sabihin mo na nagugutom ka na."
"Ha! Oii ayokong sabihin ang bagay na yun."
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Nah, sabihin mo lang yun. Para makauwi na tayo. Gusto ko na ding mag beauty rest."
Natawa naman ako.
"Sabihin ko na lang na para maka beauty rest ka na."
"Nah, wag na wag mo yang sasabihin dahil alam ko na ang sasabihin niya na ako ang magtatapos ng mga gagawin niya."
"Okay, susubukan ko ang bagay na yan."
"Okay, let's go."
End Of Flashback...
Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Sir Dem. At nag iisip ako kung ano ang lulutuin ko ngayon. Nang napansin ko ang restaurant na pinagtatrabahuan ko noon na wala na masyadong tao.
Nakaupo sa gilid ang mga waitress. Sa mga ganitong gabi ay maraming tao ang nandodoon pero ngayon wala na.
"Diyan ka ba nagtatrabaho noon?"
"Opo, doon po."
"Nakikita ko na wala ng masyadong kustomer sa restaurant na yun."
"Di ko po alam kung bakit. Basta tapos na ako sa kanila at di na ako babalik sa restaurant na yan."
Boung buhay ko habang nag aaral ay doon lang ako at kahit ako ang nagpapadala ng yaman sa restaurant na yun ay dinadown pa din ako ng Manager.
Pero ang may ari ng Restaurant na yun ay ang close ko. Kailangan kong mag paalam sa kanya at sasabihin ko ang lahat ng panlalait sa akin ng Manager. Para na din akong anak ng May ari ng restaurant na yun.
"Gusto mo bilihin ko ang restaurant na yun?"
Napatingin ako kay Sir Dem.
"Po?"
"Nakikita ko ang guilty sa mukha mo habang nakatingin sa restaurant na yan. Nakikita ko din na sikat ang restaurant na yan noon pa man at ikaw ang nakakadala ng sikat noon."
"Yung may ari ng restaurant na yan na si Ma'am Josephine. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagpapasok sa akin noon nung walang wala talaga ako noon pero dahil sa bagong Manager na dumating ay ayoko ng magtrabaho doon."
"Hmm... sa pagkakarinig ko umalis ka sa restaurant na yun dahil sa anak ko pero sa manager pala?"
"Ah oo nga din po. Dahil sa kanya."
"Tell me kung ano ang ginawa ng anak ko sayo para mabigyan ko siya ng leksyon."
"Wag na po. Ayos na ako."
"Tell me. Malalaman at malalaman ko din naman ang tungkol sa bagay na yan."
Napayuko at napalunok. Alam ko na tuturuan talaga niya ng leksyon ang anak niya niya dahil ilang beses ko ng nakita ang bagay na yun.
"Tinable niya po ako sa restaurant at agree naman ang manager ko sa bagay na yun kapalit ay pera. Ayoko pong maging ganun dahil para na akong...."
"Okay, that's enough. Okay na yun at wala kang ginawang mali. Ang ginawa mo lang ay ang iligtas ang sarili mo."
Pinat niya ang ulo ko.
I'm thankful talaga na nasa tabi ko ngayon si Sir Dem.
"Salamat po ng marami."
*********
LMCD22