Chapter 9- Seduce

1591 Words
Thalia's Point Of View* Nagluluto ako ngayon ng pagkain at tatawagin ko lang si Sir kung tapos na akong mag luto dahil nandodoon siya ngayon sa Opisina niya. Nang maalala ko na naman ang nangyari noon. Flashback.... Pagod ako sa trabaho nun at hinang hina ang katawan at pagkapasok ko sa Apartment ko ay nakita ko si Xander na nakaupo sa sofa habang naglalaro ng video game at ang kalat ng lamesa. "Bakit ang tagal mo! Gutom na gutom na ako ha." Tiningnan ko siya at tumingin sa paligid na sobrang kalat. "Edi sana nagluto ka na lang sana." "Ano?! So papakainin mo ko ng instant noodles?" Napakunot ang noo ko at napatingin ako sa kanya. "Hindi lahat ng oras ay ikaw ang iniisip ko. Pwede ba wag mo kong gawing katulong dito. Magtrabaho ka para mapakain mo ang sarili mo. Kung hindi mo kayang gawin ang bagay na yan. Magbreak na tayo!" Napakunot ang noo niya at agad siyang tumayo at sinampal ako ng malakas na kinaupo ko sa sahig at nakita ko na parang nagulat naman siya sa sinabi ko at agad siyang lumapit sa akin. Napaiyak ako sa ginawa niya. Sinaktan niya ako sa sariling bahay ko! "Anong karapatan mong saktan ako!" "I'm sorry. Hindi ko na uulitin ang bagay na yun. Kagaya ng sinabi mo ay magtatrabaho ako. Wag ka lang makipag break sa akin, Babe." Umiiyak siya ngayon sa harapan ko at napabuntong hininga na lang ako. End Of Flashback... Kaya pala ayaw niyang makikipag break sa akin dahil may malaking pustahan silang ginawa ng mga barkada niya at yun ay once makama niya ako ay makukuha niya ang pabuya na yun. Pero naging 8 taon na kaming magkasintahan at tanging halik lang ang ginagawa namin dahil ayoko muna sa mga ganun. Natatakot ako na baka hindi siya ang tamang lalaki sa akin. Hindi ko alam sa ibang babae pala niya inilalabas ang kalibugan niya at sa Pinsan ko pa. Ilang ulit na siyang magtangka sa akin pero hindi ko nga siya pinagbibigyan noon. Wala din akong alam sa bagay na nagpupustahan na pala sila noon pa man. Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ko na lang ang niluluto ko. Tinikman ko yun at napangiti ako dahil tamang tama na ang lasa ng niluto ko. Alam ko na paborito lahat ni Sir Dem ang mga niluluto ko at makikita ko talaga na wala talaga siyang pili basta ako na ang nagluluto. Inilagay ko na sa mesa kasama ang mga katulong ni Sir Dem. Mababait sila at tinulungan din nila akong maglagay ng mga plato. "Ayan, tapos na." "Ang naiwan na nasa kaldero ay ulam na ninyo iyon. Dinami ko talaga para makatikim din kayo." "Salamat, Iha." Ngumiti ako at tumango at lumakad na sila paalis sa dining room at nakita ko na bumaba na si Sir Dem. "Sir, kain na po tayo." Nakangiting ani ko sa kanya. "Naaamoy ko nga na masarap ang niluluto mo diyan ngayon." "Hindi niyo pa nga natikman po. Masarap na agad." "Okay, kakainin ko na." Ngumiti naman ako at tumango sa sinabi niya at agad naman siyang sumandok at kumain na siya at napatawa ako ng mahina dahil sunod aunod na ang pagsubo niya sa kinakain niya. "Dahan dahan lang, Sir. Baka mabulunan ka." At makita ko nga na parang nabulunan siya kaya binigyan ko siya ng tubig. "Dahan dahan lang po dahil wala ka naman pong kaaway. Sayo po ang lahat ng yan, Sir." "This is so delicious. Same sa luto ng Asawa ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi niya sinabi noon ang bagay na yun eh. Kaya nakakabigla lang. Nabago ko nga ang hinaharap ko. Napatingin ako sa braso ko dahil sa past life ko ay na tapunan ako ng mainit na tubig at grabe talaga ang paso nun na kinaresulta ng pagka peklat nung nagtatrabaho ako sa restaurant. Napangiti ako. "Lia? Are you okay?" Napatingin ako kay Sir Dem na ubos na ang kinakain niya na nasa plato niya. "Bakit hindi ka pa kumakain?" "Ah, kakain na po. Masaya lanh ako dahil nagustuhan ninyo ang luto ko." "Hmm... I starting to like it your home made foods." Napangiti ako at tumango. Napansin ko na wala si Xander at alam ko na nasa club iyon kaya di na ako nasanay. Natapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Jusko gusto ko ng mahiga. Boung araw akong busy sa araw na ito. Napatalon ako sa higahan at napapikit ako dahil ang sarap ng hinihigaan ko. Pero wag maging tamad kailangan kang mag hilamos, Thalia. Mahiya ka naman sa mabango at malinis na higaan na hinihigaan mo oh. Tumayo na ako at agad na akong naghilamos at pati banyo ang linis nun. Umupo na ako sa bathtub at napapikit ako at napabuntong hininga at napatingin ulit ako sa braso ko kung saan may peklat noon pero ngayon ay wala na. "Wala na ako sa restaurant kaya siguro naman ay di ko na makukuha ang bagay na yun diba?" Ibang iba ang future ko pag kasama ko ang lalaking Xander na yun. Hindi pa kami kasal pero nakikita ko na kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap nun. Pero, ngayon ipaparanas ko sa kanya ang mga ginawa niya sa akin noon. Alam ko na hindi niya kailanman maiiwasan ang kagandahan ko. I make him fall in love with me. Nakangiti ako at tumayo na. Nagsout na ako ng bathrobe at nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang nanunuklay nang biglang may kumatok sa pinto. "Sino kaya yun?" "Thalia, it's me Xander." Nakakunot ang noo ko. Ano naman ang ginagawa niya dito? Natigilan ako nang may naisip. Napangiti ako at tumayo at napatingin sa salamin. Hmmm perfect. Lumakad ako sa may pinto at binuksan ko yun at natigilan siya dahil sa damit ko ngayon. "Anong kailangan mo, Sir Xander?" inosenteng ani ko sa kanya. Nakita ko ang mga tingin niya papunta sa katawan ko. Sanay na ako sa mga titig niya dahil dumaan na ako sa pagiging matured at nadala ko na ito hanggang ngayong buhay na ito. "Xander?" Tawag ko sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya na parang nabibighani siya lalo na may mga tubig pang tumutulo galing sa buhok ko. Nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa akin ngayon. "Xander!" Nagising naman siya sa sinabi ko at napatingin siya sa akin na parang gulat na gulat na nagising na siya sa katotohanan. "Thalia...." "Bakit ka nandidito? May kailangan ka?" "Ah n-nothing, gusto ko lang ma sure na nasa kompurtable ka ba sa kwarto na tinitirhan mo ngayon?" Napatango tango naman ako. "Yes, kompurtable naman. May kailangan ka pa? Mukhang galing ka sa inuman ha. Lasing ka ba?" "Ah, inimbithan ako ng mga kasama ko sa department ko na mag inuman. Alam mo naman first day of work ko kanina diba?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Hmm, so matulog ka na." "Okay, good night, Thalia." "Hmm." Sinira ko na ang pintuan at napasandal ako sa pintuan at napatingin ako sa kamay ko dahil ramdam ko pa ang nginig ng kamay ko habang nakatingin sa kanya kanina. Natatakot pa din ako sa kanya baka patayin na naman niya ako. Napakamao ako sa kamay ko. "Wag na wag kang matatakot dahil hindi mangyayari ang bagay na yun." Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto at tinulungan naman ako ng mga katulong sa pagluluto dahil sobrang nasarapan daw sila sa hinanda ko kahapon. "Kailan ka natutong magluto, iha?" Tanong ni Manang sa akin. "Nung nagtatrabaho po ako sa isang restaurant po." "Woah, cook ka doon?" "Hindi po pero once magtatrabaho ka po doon ay dapat marunong kang mag waitress, cashier, cooker, and marunong ka ding gumawa ng mg coffee, tea and juice." "Woah, kakaiba ang restaurant na yun ha." "Don't worry po, tuturuan ko po kayo pag may oras ako kung paano gumawa ng coffee or anything na gusto niyo pong lutuin." "Woah, sige, excited na akong mangyari iyon." Napangiti na lang ako kasi kahit kahapon pa kami nagka kilala ay naging close ko na agad sila kahit nasa mga edad na sila. "Gising na si Sir Demetrius." Napatingin kami sa Butler na pumasok at agad naman naming hinanda ang mga pagkain namin sa lamesa. At kinuha ko din ang gawa kong kape at agad kong narinig ang boses ni Sir Dem. "Where's Lia?" Ako agad ang hinahanap niya at agad naman akong lumakad palapit sa kanya at nginitian ko siya. "Good Morning, Sir. Here's your coffee." "Good Morning. Thank you. Take your sit." Agad naman akong umupo at napangiti sa kanya. "How's your sleep?" "Maayos naman po. Nakakatulog po ako ng maayos po." "Hmm, good to hear that. Ang aga mo namang nagising at ikaw ba ang gumawa ng lahat ng ito?" "Tinulungan naman po ako nila Manang po." "Hmm... good to hear that. Papasok ka na ngayon sa school mo diba?" "Yes po." Tumango naman siya at napatingin sa butler niya na kinataka ko at nagulat ako nang may pumasok na dalawang lalaki. "Lia, this is Tim and Rob. Your Driver and your Bodyguard." Natigilan naman ako sa sinabi ni Sir Dem. Teka bakit ako nagkaroon ng Bodyguard at Driver? "S-Sir, bakit po meron akong Bodyguard at driver? Kaya ko naman ang sarili ko po." "It is for your protection." Waaaa! Wala akong maintindihan! Bakit naman niya ako pu-protektahan! Hindi naman ako importante na tao! "Pero--" "No but that's final." Waaaaaaaaa! Gusto ko lang naman ng normal at tahimik na buhay bakit naging ganito! ******** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD