Thalia's Point Of View*
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Sir Dem papunta sa School namin. Ayokong maging agaw pansin ng mga estudyante dito noh.
"Kuya, stop the car po muna."
Agad namang hininto ni Kuya Driver ang sasakyan.
"Uhmm, alam ko po na sinusunod ninyo si Sir Dem sa mga inuutos niya sa inyo pero sa pagbabantay sa akin ay pwede naman po na wag niyo na po akong bantayan dahil assistant lang po niya ako at wala na pong iba doon."
"Yun po ang inutos sa amin ni Sir Dem kaya susundin po namin ang bagay na yun po sa ayaw po ninyo o sa gusto."
Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi talaga nila ako titigilan.
"Ganito na lang po. Bantayan niyo na lang po ako sa malayo at wag po kayong pahalata na kilala niyo po ako. Alam niyo naman na normal po ang buhay ko sa totoong buhay at ayokong---"
"Naintindihan ko po, Milady."
Natigilan ako sa sinabi nila at napabuntong hininga na lang ako.
"Don't call me Milady. Hindi naman po ako madame sa mansion."
Nagkatitigan naman sila sa isa't isa kaya doon na ako nagtyempo na lumabas.
"Bye!"
"Milad---"
Nagsign ako na wag maingay at tumakbo na ulit ako hanggang makarating na ako sa school at pumasok na ako sa gate at napangiti na lang ako.
Babaguhin ko na ang buhay ko. Naglalakad ako nang biglang may naalala ako.
Flashback...
Naglalakad ako nang biglang may bumisina ng malakas at muntik pa niya ako masagasaan at napatingin ako sa isang sasakyan at nakita ko ang sasakyan at dahan dahan akong tumayo at lumabas ang isang lalaki at siya ang Student President namin at siya din ang anak ng may ari ng school namin.
Lumapit naman siya sa akin.
"Ayos ka lang?"
Dahil di ko gusto ang tingin ng mga babaeng ka school mate ko ay agad akong tumayo. Dahil crush ng bayan ang lalaking ito at bestfriend din siya ni Xander. Di ko alam kung kasali ba siya sa pustahan nila.
"Ayos lang ako. Pasensya na."
Nagmamadali akong umalis doon at tinawag niya ako pero di na ako tumingin at doon ko napansin na may sugat ako sa kamay ko.
Kaya may peklat din ako sa kamay ko nun.
End Of Flashback...
Siya si Rafello Sebastian. Mabait siya at matalino at madami ding nagkakagusto sa kanya at isa din siya sa nagmumulat sa akin noon na may ibang babae na kinikita si Xander pero si Xander lang ang pinaniniwalaan ko kasi wala daw.
Baka siya ang nagpasa ng video at pictures sa akin noon pero si Nanny Natalie yun eh. Yung nagbigay ng message bago ako namatay.
Kailangan ko siyang imbestigahan.
Naramdaman ko ang sasakyan na nasa likod ko at bumusina at napatingin naman ako sa sasakyan at nakatingin lang ako sa driver at isang inch na lang at tatama na sa akin ang sasakyan.
Pero hindi pa din ako gumalaw at napataas lang ang isang kilay ko.
Agad namang lumabas si Rafaello at nag aalala siyang nakatingin sa akin.
"Are you alright."
Kailangan kong makuha ang tiwala niya.
"Hmm, ayos lang. Dahan dahan lang sa pagmamaneho may mga estudyante na nag lalakad," kalmang ani ko sa kanya at nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko.
"Uhmm... tatandaan ko yun. Pasensya na talaga may meeting kasi ako at late na ako."
"Alis ka na."
Tumango naman siya.
"Babawi ako sayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at pumasok na siya at aalis sana nang biglang huminto ang sasakyan niya.
"Hatid na kita. Doon din naman ang punta ko."
Teka alam niya ang room ko.
"Wag na magagalit ang fans mo."
Tinuro ko ang mga fans niya sa likuran ko na galit na nakatingin sa akin. Kanina ko pa yun nararamdaman.
"Please..."
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na lang ako. Wala din naman akong pake sa kanila dahil hindi na ako yung Thalia na inaapi ng mga haters ko.
Marami nang nagkakagusto sa akin lalo na si Xander dahil daw sa beauty ko pero tahimik lang ako at pinili kong lumayo sa gulo.
"Nice to meet you pala. Kahit kilala mo na ako bilang Students President ay magpapakilala ulit ako."
Napatingin naman ako sa kanya.
"I'm Rafello Sebastian, nice to meet you, Miss Thalia Eris Campbell."
"You really know me."
"Ah oo ikaw kasi ang naririnig ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Don't worry hindi ako kagaya nila."
"I know."
Tumingin ako sa labas ng bintana at naramdaman ko na nagulat siya sa sinabi ko.
"So pwede ba kitang maging kaibigan? Gusto kitang maging kaibigan. Matagal na kitang gustong maging kaibigan at nararamdaman ko kasi na ayaw mo sa akin."
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit mo naman nasabi ang bagay na yan? Wala ka namang ginawang mali and you're perfect to become our President."
Nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko.
"Nakikita ko kasi na parang wala kang interesado sa lahat ng lalaki dito. Dahil lahat sila nag hahabol sayo."
"I know that. Gusto din kitang maging kaibigan noon pa man, Mr. President."
Yun ang totoo. Kahit na siya ay pinalayo din sa akin ni Xander noon. Ayaw niya ang mga tingin ni Rafello sa akin. Gusto akong kaibiganin ni Rafello pero seloso si Xander.
"Talaga? Ngayon ko pa nalaman ang bagay na yan at masaya ako dahil narinig ko yun galing sayo."
Huminto naman ang sasakyan sa harap ng building namin at tiningnan ko siya na nakangiti sa akin.
"Can I have your number? Para madali kitang matawagan at mapuntahan agad kita pag ililibre kita ng recess pambawi sa nagawa ko kanina."
"I can buy my own."
"Please..."
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ko na ang cellphone niya at inilagay ko ang number ko at binalik sa kanya ang phone niya at lumabas na ako sa kotse niya.
"Sabay tayong kakain mamaya but I can buy my own food. See you later."
Ngumiti ako sa kanya at nakita ko na napatawa na lang siya.
"Fine, fine. See you."
Umalis na ang sasakyan niya at napangiti na lang ako at lalakad sana nang makita ko ang mga titig ng mga babae sa akin at ang mga lalaki naman ay kakaiba din ang tingin nila sasakyan ni Rafello.
Lumakad na lang ako nang biglang may humarang sa dinadaanan ko.
"Kaano ano mo na si President! Bakit ka nakasakay sa sasakyan niya? Ayaw niya sa lahat ay ang may sumakay sa front seat ng sasakyan niya."
Alam ko din ang bagay na yun pero bakit kaya niya ako pinasakay doon? Ngayon lang din ako nakasakay sa sasakyan niya.
"Muntik na niya akong masagasaan kaya pinasakay niya ako sa sasakyan niya para dalhin sa clinic pero ang sabi ko ay ayokong magpadala sa clinic. Tapos ang estorya."
Lumakad na ako paalis doon. Alam ko na fans club niya yun. Di na ako nagsalita dahil alam na nila na wala akong pake sa paligid.
"Thalia!"
Napatigil ako at nakita ko sa di kalayuan si Xander na masayang nakatingin sa akin. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Same kami ngayon. Estudyante sa umaga at trabahante naman sa hapon. Ang nakakainis lang ay makikita ko siya kahit saan ako magpunta.
"Good Morning," bati niya sa akin.
"Hmm Morning."
Lumakad pa din ako at di ko siya pinansin at nakasunod lang siya sa likuran ko.
Ang pinaka malala talaga sa lahat ay magkaklase pa kaming dalawa at nandidito pa siya ngayon sa tabi ko. Nakatingin pa din siya habang nagdidiscuss pa din ang mga guro namin.
Tiningnan ko ang kalendaryo at doon ko maalala na malapit na pala ang Anniversary namin ni Xander. Yun ang araw na mangyayari ang bagay na yun.
Sa araw na yun ay wala akong magawa kundi ang umuo sa kagustuhan niya.
At mangyayari ang lahat ng iyon sa kaarawan ni Xander na gagawin sa isang malaking venue.
At ang araw na yun ay mangyayari sa susunod na araw na.
"Thalia."
Napatingin naman ako kay Xander na nagsalita sa gilid ko.
"What?"
"This is for you."
Nakita ko ang isang invitation at yun nga ang invitation niya sa kaarawan niya!
"Don't worry, ipapadala ko ang gown na susuotin mo sa mans----"
"Quiet, ayokong malaman na nakatira ako sa mansion mo."
"Okay, di ko sasabihin. Mamaya na tayo mag uusap."
Tumango na lang ako at tumingin sa guro sa harapan.
Forward...
Tinakasan ko si Xander dahil alam ko na makikisabay sa akin ang isang iyon. May kasabay ako ngayon. Nakarating ako sa Canteen at wala si Rafello dito at nakita ko na biglang may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko iyon.
"Nandidito ako sa Office. Dito mo ko puntahan."
"Eh? Bakit diyan?"
"Don't worry, ako lang ang nandidito ngayon. Ayokong may mga estudyanteng magagalit sayo pag magkasama tayo sa Canteen."
"Sana naisip mo yan kanina nung binaba mo ko sa sasakyan."
"I'm sorry, sa pagmamadali ko na yun. Mag iingat ako sa susunod! Punta ka na dito at promise wala akong gagawing masama sayo. Mabuti akong nilalang sa mundong ito."
"Pfft! Hindi halata but I trust you."
Lumakad na ako paalis doon.
Alam ko na mabuti kang tao.
Flashback...
Niyakap niya ako sa huling pagkakataon dahil aalis na siya papuntang Canada.
"Kung maaga lang sana kitang nakilala agad ay ako sana ang minahal mo. Pagbalik ko ay padadalhan kita ng mga chocolates na paborito mo."
Natawa na lang ako ng mahina dahil alam niya na mahilig ako sa sweets.
Nagulat ako nung bigla niyang hinalikan ang noo ko.
"This is a friendly kiss. Pagbalik ko puprotektahan kita at aagawin kita kay Xander. Magiging karapat dapat ako para sayo."
End Of Flashback...
Di ko alam kung anong naging reaksyon niya nung nalaman niya na wala na ako sa mundong iyon. Di ko kayang makita yun.
*****
LMCD22