3rd Person's Point Of View*
Flashback... 9 years ago... 3rd year College year.
Naglalakad ngayon si Thalia sa hallway at nakatingin ngayon ang mga lalaki sa kanya.
Maraming namamangha sa kanya dahil sa katalinuhan, kagandahan at kabaitan niya. Marami din siyang manliligaw at hindi niya ito pinansin dahil hindi pa muna nito iniisip ang ganung bagay dahilang pag aaral muna niya ang tanging priority niya ngayon.
Hindi din maiiwasan ni Thalia na may mga taong ayaw sa kanya at lalo na ang mga babae dahil pakiramdam niya ay inaagaw ni Thalia ang mga Boyfriends nila.
At isa na nabighani sa kanya ay si Xander na isang Varsity noon.
"Paano ko kaya mapaibig ang isang Thalia Eris?" ani ni Xander sa mga Barkada niya.
"Xander, baka nakakalimutan mo ikaw ang pinaka gwapo dito sa Campus natin. Kahit sinong Babae ay nagugustuhan ka. Teka lang ganito na lang. Pustahan na lang tayo?"
Napatingin naman si Xander sa sinabi nito.
"I like that."
"Alam mo naman na mahirap mapa oo ang isang kagaya niya diba. Kaya paghirapan mo ang bagay na yun, Campus Crush ng bayan."
Natawa na lang si Xander habang nakatingin kay Thalia.
"So what is the price?"
"You can wish whatever you want. All you want to do is ma One night stand mo siya at syempre ma girlfriend mo siya."
"Okay, deal?"
"Deal."
Nakangiting ani niya at tiningnan niya si Thalia.
"Magiging akin ka, Thalia."
Kinabukasan...
Nasa library ngayon si Thalia at biglang lumapit si Xander sa kanya at nakangiting nakatingin si Xander sa kanya na kinakunot ng noo niya.
Pero binalik niya ang tingin niya sa libro.
"Thalia..."
Natigilan si Thalia nung tawagin siya ni Xander.
"Yes, may kailangan ka?"
"Kilala mo naman ako diba?"
"Hmm... why are you approaching me? I don't know you."
Totoo ang sinasabi ni Thalia na hindi niman niya talaga kilala ang lalaki kahit sikat na sikat ito sa campus nila dahil hindi concentrate lamang si Thalia sa pag aaral at hindi sa ibang tao.
"Eh? You don't know me?"
"I'm sorry but it's true that I don't know."
Tumayo si Thalia na kinatulala ni Xander sa upuan niya. Dahil ang nasa isipan ni Thalia na nagpapansin lang ito sa kanya at wala naman siyang pake kung sino ang Estudyanteng iyon.
Kailangan niyang magtapos ng pag aaral dahil kailangan niyang mag katrabaho sa isang magandang kompanya dahil siya na lang mag isa sa buhay niya dahil wala na ang mga magulang niya.
Scholar siya at nagpapart time job siya sa isang Restaurant para may makain siya araw araw at may mga naipon din naman siya para sa future niya.
Nasa restaurant siya ngayon at nag aasikaso sa mga customer nang biglang lumapit sa kanya ang isang kasamahan niya at binangga siya sa balikat.
"Ikaw ang gustong magserve sa gwapong kustomer sa labas sa may table 5. Tsk."
At nilagpasan siya nito at nagtataka naman siyang tumingin sa taong sinasabi ng kasama niya.
Napakunot ang noo nito nang makita na naman niya ang lalaking nasa library kanina.
"Good Evening, may I know what your order is, Sir?"
"Can I order you?"
Sanay na siya sa mga ganitong bagay dahil may mga kustomer na ganito din minsan.
"I'm sorry, but I'm not on the menu and you can choose from the menu lang po."
Nakangiting ani nito kay Xander at mahina namang natawa si Xander dahil sa sinabi nito.
"You're interesting..."
"I'm sorry hindi po interesting ang pangalan ko."
Natawa naman ito ng malakas dahil sa sinabi nito.
"Can you call your Manager. May pag uusapan lang kami."
"Kung may gusto po kayong iorder ay hindi po ang Manager ang kukuha ng order niyo po. Kaya niyo po ako inassign dito para kumuha po ng order ninyo."
Napangiti naman si Xander at napasandal sa upuan nito. Hinawakan nito ang kamay ni Thalia.
"I really like you."
Napabuntong hininga na lang si Thalia at binawi niya ang kamay niya at dumating naman ang Manager niya at agad kinausap si Xander.
"Pasensya na po. May problema po ba dito?"
"Problem? Hmm.. nothing. Your waitress is interesting lang naman. She makes me happy. Can I have her at my table today and don't worry I'll pay her for hours."
Napakunot ang noo nito sa sinabi niya.
"I'm sorry. I work here as a waitress and not you entertainer, Sir."
"Thalia, just respect our customer."
Napataas ang kilay ni Thalia dahil sa sinabi nito.
"Kung ano ang ginagawa niya ngayon ay yun din ang gagawin ko sa kanya. I respect customers but when the customer not respecting me or my co-workers. I will fight for that respect."
Walang emosyon na ani ni Thalia sa kanya at tumingin naman si Thalia sa Manager niya. Nakikita kasi niya na parang disagree ito sa sinabi niya.
"Kung yan ang isiipin niyo, Manager. Hindi niya inintindi ang kapakanan naming mga waitress kung mabastos man kami o hindi ako ay na ang aalis sa position ko."
Tumalikod na si Thalia at marami namang kustomer ang nakikinig sa sinabi niyo. Aalis siya dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang binabastos siya.
'Aalis na si Miss Ganda? Hindi na natin siya makikita dito sa Restaurant?'
'Siya lang ang pinupuntahan ko dito.'
Napabuntong hininga na lang siya at agad pumunta sa locker at nagbihis hanggang sa umalis na siya doon.
Hindi niya namalayan na may sasakyang dumating at nakatulala lang siya nang biglang may humawak sa braso niya para maalis siya doon.
Naramdaman niya na may yumakap sa kanya at nung tingnan niya ito nakita niya si Xander na hinihingal at nag aalalang nakatingin sa kanya.
Agad siyang lumayo sa Binata at agad tumayo.
"Thank you for saving me."
Aalis sana siya nang magsalita ito.
"Ganyan ka ba talaga sa taong lumigtas sa buhay mo?"
Napatingin si Thalia sa lalaki at nakakunot ang noo.
"I'm really sorry dahil nabastos ka sa sinabi ko kanina. Gusto ko lang makipag kaibigan sayo. Bawal ba yun?"
"Marami ka ng kaibigan."
"Ayaw mo ba maging kaibigan ko? Bilang saviour mo?"
Napabuntong hininga na lang si Thalia at tumingin sa binata.
"Fine."
At umalis na siya doon.
End Of Flashback...
Thalia's Point Of View*
Nagising ako at nasa clinic ako ngayon. Naalala ko na nawalan ako ng malay nung nasa room ako at di ko aakalain na nasa 3rd year College na ako ngayon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa panaginip na mangyayari noon... I mean ngayon.
Tiningnan ko ang Kalendaryo and dammit! 2016 pa? 3rd year College pa nga ako nung panahong iyon at ang edad ko ay 18 pa nun. Pero 2024 na ang year namin pero bakit ako bumalik 9 years ago? Next year pa magiging kami ni Xander.
Tumayo ako at napahawak ako sa ulo ko at sinigurado ko kung ayos pa ba iyon. Tumayo ako at pumunta ako sa full body mirror at tiningnan ko ang mukha ko doon.
Hindi ako haggard katulad nung 2024. Napakagat ako sa labi ko at napaiyak ako nang maalala ang lahat ng nangyari sa akin.
Naghihirap ako sa pagtatrabaho pero inutang lang lahat ni Xander dahil na freeze ng Dad niya ang lahat ng atm niya.
Natigilan ako nang maalala ang Dad niya. Si Tito...
May cellphone ako nung third year college ko! Kinuha ko iyon at napangiti ako dahil touch screen pa din ang cellphone ko.
Pero ang problema wala akong Wifi or data na kinakunot ng noo ko. May wifi ba dito sa clinic?
Napabuntong hininga ako dahil may wifi nga pero para lang naman sa mga teachers ang wifi na yun.
Lumabas ako ng clinic at tiningnan ko ang paligid ng school namin at nakikita ko na wala pa ang mga bagong building na nakita ko nung 2024.
Naglakad lakad ako habang nakatingin pa din sa paligid at tiningnan ko ang kamay ko at napaupo sa bench.
Jusko... ano bang nangyayari? Bakit ako nasa nakaraan? Teka nandidito ba ako para baguhin ko ang hinaharap ko? Naalala ko yung nagsend ng pictures at videos sa akin.
May tinext siya sa akin nun na sa susunod na buhay ko ay maging masaya ako pero natigilan ako sa number nung nasa taas ng message at nanindigan na ang mga balahibo ko nang maalala kung kaninong Number iyon.
Napaiyak ako dahil number iyon ng Yaya ko na namatay nung 2010. Siya lang ang nagpalaki sa akin nung namatay ang mga Magulang ko sa isang aksidente noong 5 taong gulang ako. Pero ang number na yun ang hindi ko kailanman makakalimutan. Ang second mother ko na nag alaga sa akin at namatay dahil sa cancer... siya ang nagpasa sa akin ng message na yun.
Napaiyak ako dahil hindi man lang siya nagpakilala sa akin. Napatakip ako sa mukha ko at umiyak ako ng umiyak.
"Are you okay?" natigilan ako nang may nagsalita sa harapan ko at dahan dahan akong tumingin sa kanya at nanlalabo ang mga mata ko kaya di ko siya masyadong nakikita.
At pinunasan niya ang luha ko gamit ang isang malambot na teka at natigilan ako nang maamoy ko ang pamilyar na pabango.
At doon ko nakita ang taong nasa harapan ko.
"Are you okay?" tanong niya ulit sa akin.
Teka ang Dad ni Xander.... bakit nandidito si Tito? Anong ginagawa niya dito?
Teka asan ang mga Bodyguards niya? Nagpalinga linga ako sa paligid at hinahanap ko sila at nakita ko na nasa di kalayuan sila.
"O-Opo, ayos lang po ako."
"Hmm... okay."
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya ang panyo sa kamay ko na kinagulat ko at umalis na siya.
"Teka lang po ang panyo niyo po."
Di na siya nagsalita at umalis na siya na kinatulala ko at napakamot na lang ako sa ulo ko at napatingin ako sa panyo niya at inamoy ko yun.
That scent... I miss his perfume...
Pero teka lang... wala namang ganitong nangyari sa past ha? May nabago ba ako?
*****
LMCD22