Middle
Nasa ganoon akong pag Iisip nang bigla akong magulat ng bilang may tumikim sa likod ko..nawasiwas ko ang hose na hawak ko at huli na dahil literal na nabasa ko siya Nanlaki ang mata ko nang mapag sino iyon.
Nabitawan ko ang hose na hawak ko at napa nganga nalang dahil sa matinding kaba..
"Naku Sorry po Sir!" nangingig ang boses ko dahil basang basa ito, di ko rin maiwasan mapatingin sa basa nyang dibdib na akat na akat ang mga abs..
Nakita kong ihinilamos pa nito ang palad sa basang muka..
"Sino may sabing magdilig ka dito?!" binalik nito ang mga kamay sa bulsa at prenteng tumayo saakin.
"Hah!! ah..kasi wala akong magawa kaya ko naisipang magdilig" iwas mata parin ako dito.
Hindi ko na naiwas ang mata ko nang hinubad nito ang damit nya sa harapan ko.. "Damn that Abs!" nakagat ko nang mariin ang labi ko sa tanawing iyon.. he is shirtless at ang basa nyang pantalon ay mas lalong nag pa Hot sa kanya.
Hindi rin ako handa nang hinakbang nya ang mga paa palapit saakin, ang mata nyang nakapirmi ay nagpapabayo ng wagas sa aking puso. sunod sunod akong napalunok..
hindi ko mapigilang isipin pero weird dahil bago ito sa pakiramdam ko..
Bigla akong nagsisi dahil sa get up ko ngayon? Shet do i look nerd or something?'
Sandali pang tumira ang mga titig nya saakin, bago nya pulutin ang hose sa paanan ko..
di ko mapigilang mapasinghap,habang pinapanood siya.. hawak na nito ngayon ang hose at inumpisahan ang pag didilig..
"Go back Inside, ako na ang magdidilig"
Nanatili lamang ako doon habang pinapanood sya..
"Pede ba kitang makausap?" nag ipon muna ako nang hangin bago muling nag salita.
"Tungkol sana sa utang ko sayo!" patuloy lang itong nag didilig tila walang gustong sabihin.
"Peter?!" paos na tawag ko sa pangalan nya, sa puntong iyon siya lumingon saakin. saka pinihit ang hose para mawala ang tubig..
Humarap ito saakin, tiningala ko siya at ang seryosong muka nya saakin ay nagpapabilis ng t***k ng puso ko..
"Hindi pa naman kita sinisingil, maluwang ang bahay ko, you can stay here as long as you want" Tiningala pa nito ang Mansyon niya.
"Salamat sa pagtangap mo saakin dito sa bahay mo, pag nakahanap ako ng trabaho makakabayad din ako sayo"
"Uulitin ko,hindi pa ako naniningil, maliit na bagay lang iyon isa pa madalas naman na wala ako dito kaya magandang may kasama si Manang Nelia sa bahay"
Muli nitong pinihit ang hose at malayang lumabas doon ang tubig.
"Pede akong pumasok na katulong kung papayag ka? para kahit papaano makabayad sayo?!"
Sandali pa nya akong tinitigan, dahilan para hawiin ko ang bangs kong nakatakip sa isang mata ko..
"Hindi na kaylangan, may katulong na naman na dito!" tinalikuran nya ako saka muling hinarap ang pag didilig..
Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. kung ganon ay kaylangan ko ng maghanap ngtrabaho para agad na makabayad sakanya..
Pinasya ko nang ihakbang ang paa ko, nang lingonin nya muli ako,
"Whats your name?! I'm sorry hindi ko pala natanong"tuluyan na nitong pinatay ang hose saka binitawan..
"Brigette Sy po!" sabi ko na tumingin sa mga mata nya.
"I'm Peter Monteverde" pinahid muna nito ang basang kamay sa pantalon bago ilahad saakin.
Nahihiya man ay inabot ko iyon nang nakangiti. Tila nagulat ito sa pagdaiti ng mga palad namin kaya agad nya itong binitawan, binalik nito sa bulsa ang kanyang mga kamay..
At kumunot ang Noo nito nang binisita ang kabuoan ko..
"Nice dress, bagay sayo!"sumilay pa dito ang banyagang ngiti..
"Are you a EMO? I'm sorry for the word, but i think,hindi bagay sa panahon ang suot mo, It's Summer" nakita ko pa itong umiling..
Ako naman ay namula nang husto sa tinuran nya? do i really look weird? he said i'm Emo?damn!!..
"Eto lang po kasi ang meron akong damit, karamihan puro black and long dress"
nakagat ko nang mariin ang labi ko, dahilang totoo talagang puro itim na ang mga damit ko ngayon..
Narinig ko ang pag buntong hininga nya saka sinilip ang makinang na relo sa kanyang bisig.
"Sabayan mo na akong mag breakfast, mag shower lang ako" mabilis na nya akong tinalikuran, at di ko mapigilang mapasinghap dahil sa manly scented perfume nya na humahalo sa hangin.
Mabilis ko siyang nilingon habang papasok sa loob ng Sala.. kaylangan ko sigurong magpalit ng damit.. pero sabi nya ay bagay saakin ito??..
Pumikit ako ng mariin, 'What the hell is happening to you gette?' iwinaksi ko ang ganoong isipin at dumeretso na rin sa loob.
Sinilip ko ang kahon na pinaglalagyan ng mga damit ko, at mabilis akong nag halungkat ng damit, pero pulos itim ang nandoon.. sa huli ay humarap nalang ako sa salamin, sinipat ko ang suot ko.. bakit ay bigla akong na Concious sa suot ko? dati naman ay hindi.
Maya pa ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto.. "Brigette pinatatawag kana ni Peter,sabayan mo daw siyang mag almusal!" bigla akong kinabahan sa tawag na iyon ni Manang Nelia.
"Sige po manang susunod na ako" sinipat kong muli ang aking sarili sa salamin. bago bumaba sa komedor..
Naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa center habang nakahalukipkip.. nang matanawan ako ay tumuwid ito ng upo..
"Lets eat!" buo ang boses nito nang magsalita..
Agad naman akong tumalima at umupo narin malapit sa kanyang tabi..
Tahimik lang kami habang kumakain, manaka naka ko siyang tignan kumunot ang noo ko dahil tila may pasa ito sa bandang ibaba ng kanyang labi..
"What do you plan for today?" bigla ang pag angat ko ng paningin sa maitim nyang mata..
"Hah!.. wala naman, siguro maghahanap ako ng trabaho bukas" bumaba muli ang tingin ko sa pagkain.
"Okay, but for now were go for a shopping. Sasamahan mo ko" muli ay nagtama ang mata namin, nahihiyang yumuko ako saka sinipat ang suot kong damit.
"I buy you a new clothes" tumingin pa ito sa suot ko saka nag iwas ng tingin.
"Salamat pero may mga damit pa naman ako, saka di pa ako nakakabayad sa mga utang ko sayo"
"I said don't worry about your debts, di pa naman ako naniningil"
Napa buntong hininga na nalang ako sa sinabi nya.. paano pa ako makakabayad nyan kung dadagdagan nya pa ang utang ko?..
Nang matapos kumain ay nag aya na ito kaya wala akong oras pang makapag palit ng damit.
Sakay ng kanyang sasakyan tahimik lang kami habang daan, Napukaw lang kami ng mag ring ang Cp niya..
Pinanood ko siya habang sinusuot ang earphone bago sagutin ang tawag.. "hello pare, anong atin?"
binaling ko nalang ang paningin sa bintana.
"Ayos, naman na ako si Margaux kamusta?" narinig ko pa ang buntong hininga nya..
"Sige, pag may oras ako baka dumaan ako dyan" sumulyap pa ito saakin bago ibaba ang earphone nya at tinuon muli ang mata sa Daan..
'Margaux?' siguro ay girlfriend nya ang babaeng iyon. iyon ang naiwang tanong sa isip ko..