Flashback
Maaga ang gising ko dahil ngayon ang araw nang pagbisita ni daddy dito sa bagong bahay na nirentahan namin.
Syempre kahit 'di kami nagkaroon ng bonding moment noong bata ako ay hindi ibig sabihin ay 'di ko na siya nami-miss. I love him at kahit na malaki ang pagkukulang niya sa amin ay hindi pa rin n'ya kami pinabayaan ni Inay.
Nasilip ko si Inay Casandra na busy sa pagluluto. Halatang nag-ayos din ito ngayon at suot ang bago niyang bestida.
"Morning, nay!" naupo ako sa silya at hinalungkat ang mga nakatakip na pinggan.
"Kumain kana diyan, Gette. Tataposin ko lang itong niluluto ko," aniya, ni hindi ako nito tinapunan nang tingin. Inumpisahan ko ng kumain nang makarinig kami ng nag doorbell sa labas.
Mabilis ang naging paglingon ni Inay na halatang kinabahan nang sobra dahil muntik pa itong mapatalon sa gulat.
"Ang daddy mo na siguro iyon!" May pananabik sa boses nito nang magsalita. Nag-ayos pa bahagya ng buhok para sana tumungo sa pinto.
"Ahh, Inay ako nalang po ang mag bubukas!" Presinta ko.
Tumungo na nga ako para pagbuksan ang kumatok ngunit nagtaka sa aking nabungaran.
Isang babaeng ang napagbuksan mo, Sopistikada itong manamit at mapulang mapula ang labi. Nakasuot din ito nang black shades at, nakasuot ng knitted dress na kulay pula.
"Sino po sila?!" Magalang kong tanong dito.
Imbes na sumagot ay binaba nito ang salamin para silipin ako. Walang anu-ano'y diretso itong pumasok sa loob nang bahay na ikinakunot ng noo ko.
"Anak ang daddy mo naba iyan?!" Maluwang ang ngiti nito sa amin habang hawak ang sandok pero bigla niya itong nabitiwan dala nang pagkabigla.
Nahimigan kong tumawa ito saka inilibot ang mata sa paligid.
"Sino po sila?" inulit ko ang tanong ko sa kanya.
"I'm Lusil Sy, Leo's Legal wife!" Hinila nito ang salamin at diretso ang tingin kay Inay na tila nawalan na ng kulay.
Nagulat man ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko para madaluhan ito, kumapit ako nang mahigpit sa braso niya bago humarap dito.
"So, you are the mistress and the you are the illegitimate child of my husband?" Pagak nitong sabi sa amin.
Nakagat ko nang mariin ang aking labi sa narinig habang si Inay ay walang naisagot.
"Kita mo nga naman 18 years?? I can't Imagine that! Ganoon kayo katagal naitago ni Leo sa amin?" Napapantastikohan nitong sabi.
"All this stuff, the money, the car and this f*****g house? what else did you stole from me? The privilege to live in wealth? or win his heart?" Naningkit na ang mata nito kay Inay pero nasa postura pa rin ito.
Lumingon ito sa akin bago tumawa muli ng pagak.
"Ang kakapal nang mukha n'yo! Simula't sapul nakinabang kayo sa perang pinaghihirapan namin! Kaya pala pagaalis si Leo nang hindi sinasabi kung saan pupunta ay dito pala siya nagpaparaos!"
Naikuyom ko ang mga kamay sa tinuran niya. Si Inay ay tila tulala na dahil sa tindi nang gulat.
Lumapit ito sa amin, saka hinaklit ang ang braso ni Inay. Kinutya niya ito nang tingin mula ulo hanggang paa bago ngumisi.
"Tsss.. Ano kaya ang nagustuhan saiyo ng asawa ko? You look so ordinary, old fashion and poor! Oh? I know, malandi, gusto nang asawa ko iyong nilalandi siya!" she bluntly said.
"Magkano? Magkano ka niya naikama noon para mahawakan mo siya sa leeg ng ganito katagal?" Sukat na sukat niya ng tingin ang Inay kong walang paring Imik.
"Sandali lang po, hindi po yata tamang sabihan n'yo ng malandi ang Inay ko!" Nanginginig ang boses ko nang mag salita.
Lumingon ito sa akin, saka pabalang na binitiwan ang Inay ko. Ako naman ang hinigpit niya nang hawak, tiniis ko ang kuko niya na dumidiin sa braso ko.
"Sinong may sabi saiyong makisabat ka? Ano nga ba ang aasahan ko sa Isang bastardang katulad mo? Bastos! Siguradong gagaya ka din sa Nanay mong malandi!"
Marahas kong iniwaksi ang kamay nito sa akin at muntik pa itong matumba dahil sa pagkawala ng balanse.
"Kaya ko hong tanggapin lahat ng pangungutya n'yo sa akin pero ang sabihan ng malandi ang Ianay ko ay hindi ho ako papayag!" Pigil ko ang galit sa sinabi.
"Bakit ano ba ang tawag mo sa babaeng pumatol sa may asawa? Diba malandi!"
"Sabihin na ho nating pumatol siya sa may asawa pero natanong n'yo ho ba sa sarili n'yo kung bakit pinatulan ni daddy ang Ina ko? Kasi mahal nila ang Isa't isa!"
Nag-iba ang ekspresyon nang muka nito sa narinig, halatang nasaktan sa aking tinuran.
Agad na pinalipad nito ang kamay sa pisngi ko, saka ako tinulak ng malakas kaya napa-upo ako sa sahig. Wala na akong nagawa nang sabunutan niya Tiniis ko ang p*******t niya dahil alam kong mali ako, mali ang ginawa ni Inay at ni daddy, kaya tinangap ko ang sakit.
"Bitiwan mo ang anak ko, walang hiya ka!" Mabilis hinila ni Inay ang buhok nito dahilan para pakawalan ako.
Basa ng luha ang mga mata ko habang pinanood ko si Inay kung paano niya sabunutan at pagkakalmutin ang babaeng iyon.
"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko, walang hiya ka!" Dinaganan pa nito ang babae para hindi makalaban. Agad naman akong nalarma kaya tangka ko na sana silang aawatin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si daddy.
"Anong nangyayari dito, Lusil Cassandra!!" Tinangka nitong awatin ang dalawa kaya tumayo na din ako para hilahin si Inay palayo dito.
"Let me go! Hindi pa ako tapos sa kabit mo! Babasagin ko ang pagmumukha ng malanding 'yan!" Sumisigaw na ito.
Pigil ko ang braso ni Inay, hindi ito nagsalita imbes ay humagulgol ito ng iyak habang nasa tabi ko.
"Enough, tama na yan, itigil n'yo ito!!" Lumakas pa ang boses ni daddy.
"Gusto mo itigil ko ito? Palayasin mo dito iyang mga hampaslupa na 'yan. Wala silang dadalhin ni isa mang gamit dito!"
Lumingon ako kay daddy na tila gulong g**o na ang isip sa nangyayari.
"No, hindi ko pwedeng gawin sa kanila iyon, wag mong iutos sa akin ang bagay na iyan dahil hindi ko kayang gawin." Umiiling na saad ni daddy.
"Pwes kung ayaw mo, sasabihin ko nalang kay mama ang tungkol sa bagay na ito. Mamili ka ako? Oh iyang kabit mo?!"
"Lusil, please pag-usapan natin ito!" Narinig ko ang pagmamakaawa ni daddy sa asawa.
"Uulitin ko Leo, kami ng anak mo, oh iyang kabit at bastarda mong anak?!"
Nakita kong napayuko si daddy. Nang magtaas ito ng tingin sa amin ay basa na nang luha ang mata nito. Kinabahan ako nang husto sa naging reaksyon niya.
"I'm sorry Cassandra, anak!"
Tuluyan nang pumatak ang mga luha nito bago umiling.
Lalong lumakas ang hagulgol ni Inay sa narinig, wala kaming nagawa nang lumabas sila pareho ng bahay. Iniwan na kami ni daddy. Pinili niya ang asawa n'ya. Masakit dahil ganoon lang pala kadali ang lahat, lahat nang pinagsamahan nila ni Inay ay ganoon lang pala nito itinapon.
Simula noon ay palagi nalang tulala si Inay, minsan bigla nalang itong iiyak at magkukulong nang ilang araw sa kwarto. Gusto ko siyang kausapin at sabihin na magiging ayos lang ang lahat pero kahit ako ay nasasaktan din.
Itinuloy ko ang pag-aaral, kahit alam kong unti-unti nang nababawasan ang hinuhulog ni daddy para sa pag-aaral ko. Pati ang kotse na iniregalo ni daddy kay Inay noong birthday niya ay kinuha na rin ni Lusil. Sa susunod na buwan ay hindi na kami makakahulog sa bahay, kalaunan din ay kinakailangan na namin umalis doon at lumipat sa mas maliit na apartment.
May naipon naman si Inay, iyon nalang muna ang gagamitin namin para makapag umpisa. Inumpisahan na rin namin ibenta ang mga gamit na hindi na madadala sa paglipat. Appliances, refrigerator at sofa pati ang laptop na gamit ko sa school ay binenta ko na rin.
"Nay,papasok na po ako!" Paalam ko isang araw. Nakatanaw lamang ito sa bintana at hindi ako sinagot.
Minabuti ko itong lapitan at hawakan sa balikat. Lumingon ito sa akin at kita ko ang sakit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. Gustohin ko man alisan ang sakit na iyon ay hindi ko magawa dahil ako mismo ay nasasaktan din.
"I love you, Nay!" Hinalikan ko siya sa pisngi saka pinasya nang umalis.
"Gette, tara nood tayo nang practice ng Basketball sa gym?" Hinila ako ni Hazel, sa ngayon ay mas lalong napalagay ang loob ko dito, sinubukan kong sabihin sa kanya ang naging problema ko, ano pa nga ba ang itatago ko? Hindi na namin kailangan lumipat ng school dahil wala na kaming tinatago.
"Naku, ayuko nga baka sabihin ng Jerric Falcon na iyon ini-stalk ko siya!" Hindi kasi lingid kay hazel na may pagtingin sa akin ang mayabang na classmate naming iyon.
Nakita kong sumimangot ito sa. akin, kahit itago niya ay alam kong matindi ang pagka gusto nito kay Jerric.
"Okay sige tara na!" Ako na mismo ang humila sa kanya para manuod. Buong oras ng practice ay puro pag-papa-cute lang ang ginawa ni Jerric sa akin bagay na ikinainis ko ng todo dahil napansin kong nakasimangot na si Hazel.
"Gusto mo kumain muna tayo nang fishball bago umuwe?" Aya ko sa kanya na halata ang pagka badtrip kay Jerric.
"Libre kita!" Sinilip ko pa siya saka ako ngumiti, hindi ko na hinintay na sumagot siya imbes ay hinila ko na ang kamay patawid ng kalsada.
"Bayad po!" Inabot ko ang bayad ngunit sabay kaming napalingon sa langitngit ng gulong at malakas na pagkalabog na narinig sa malapit. Agad akong napalingon at biglang ang pag balong ng kaba ko dahil sa sigawan.
"Yung Ale nasagasaan!"