Tense
Huminto kami sa tapat ng isang mall, matapos nya itong ipark ay bumababa na kami, muli ay sinipat ko ang suot kong damit saka sinulyapan ito sa aking tabi.. naka suot ito ng vneck gray shirt saka maong pants at naka black shoes..
tila nakaramdam ako ng hiya habang naglalakad na kami patungo sa isang sikat na store sa mall, halos lahat ay napapalingon saamin dahil nag muka akong alalay nito. di lang iyon muka akong di gagawa nang mabuti dahil sa eyeliner kong makapal pati narin sa buhok halos tumabing na sa muka ko..
"Good morning Sir Peter!" magiliw na bati ng isang naka unipormadong babae dito.
"What can i do for you?" sumulyap pa ito saakin, saka binalik ang tingin dito, napansin ko ang pag pungay ng mata nito sa katabi ko bagay na ikinailing ko nalang.
"Can you please pick some dress for her?" na lumingon pa saakin..
Sumulyap muli saakin ang babae,saka ako pinasadahan ng tingin. nakita ko pa ang pag ngiwe nya bago ito mag salita.
"Sure, no problem about that" naka peter muli ang tingin.
"I'll wait for you here" wala akong nagawa nang tumungo na ito sa sofang naroon saka nag dekwatrong humarap saakin.
bago pa ako makapag react ay hinila na ako nitong sale's lady patungo sa fitting room, kung ano anong damit ang ipinasukat nito saakin, halos mamula ako sa hiya dahil kada bihis at palit ko ay pinapakita ng sales lady kay Peter ang damit.. may pagkakataong umiiling ito saakin indikasyon na di nya nagustuhan ang damit.
"Ano mo si Peter? i'm sure di mo siya boyfriend" napatitig ako sakanya buhat sa salamin habang isinasara ang zipper sa likod ko..
Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong nyang iyon.
"Mukang may special sayo, pero sa tingin ko di ikaw ang tipo non, I'm Jessica ako ang official designer ng mga suit nyang suot, ngayon lang nagdala ng babae si Pete dito?"
Ano ba ang dapat na isagot ko? dahil nakaramdam ako bigla ng hiya.
"Done! lets go pakita na natin sa kanya" hinila ako nito palabas ng fitting room.
I wearing a Tulip dress na kulay peach saka pinasukat saakin ang kulay silver na heels na nagpatingkad sa damit..
Nahihiya man ay sinulyapan ko siya at nakita kong nilaro nito ang mga labi habang nakatitig saakin ngayon, wala sa loob na hinawi ko ang buhok ko bago yumuko..
"What do you think?" tinig iyon ni Jessica..
"Hmm.. good!" bigla itong tumayo saka hinakbang ang paa palapit saakin.
Nakaramdam ako ng ibayong kaba, pano ang isang ka gwapong gaya nya nasa harapan ko ngayon?
"Let's go?!" inilahad pa nito ang kamay saakin, sa una ay nahiya akong abutin pero sa huli ay pinasya kong gagapin ang kamay nya.. ang pakiramdam kong iyon ay di maalis sa isipan ko.. marahan akong lumingon kay jessica na Awang ang bibig sa magkahawak naming kamay.
"Jess, paki deliver nalang ang mga damit sa bahay" sabi nito saka na ako hinila palayo sa shop na iyon..
Huminto kami sa isang Salon,at nakagat ko nang husto ang labi ko dahil alam ko na kung ano ang balak nyang gawin namin doon..
Tangka na kaming papasok pero pinigilan ko siya, ang naka kunot nyang noo ang tiningala ko..
"We need to fix your hair brigette" tinignan nito ang buhok ko nang may pagkaka ireta..
"Naku salamat nalang po Sir, ayos na po ako sa ganito" pag tangi ko sa kanya. hindi ko pedeng ibalik ang buhok ko sa dati oh kahit na anong ayos dahil mahirap na baka may makakilala saakin.
"Hindi kaba naiinitan sa buhok mo?" binitawan nito ang kamay ko saka namulsa sa harapan ko.
"hindi naman po, Sir ayuko ko pong madagdagan pa ang utang ko sa inyo" pag iiwas ko ng tingin dito..
"Here we go again,di mo naman siguro ako tatakasan sa mga utang mo diba?" nag taas pa ito ng kilay saakin..
"Hindi Sir, hinding hindi po"sunod sunod ang iling ko sa kanya..
"One more thing, wag mo na akong tawaging Sir masyadong pormal Peter nalang okay ba yon?" pinag ekis pa nito ang mga braso sa harapan ko.
Di ko nagawang sumagot, masyado akong nabibigla sa lahat.
"So let's go?" aya muli nito saakin sa Salon.
"Ah Sir, este Peter po pala, Ah..ayuko pong magpagupit itatali ko nalang po ang buhok pag naiinitan ako" umatras pa ang ako sa kanya..
Tinitigan nya muna ako, saka bumuntong hininga.. "Alright, lets go some other place!" wala na akong nagawa ng muli nyang hilahin ang kamay ko..
Sinulyapan ko ang likod nya habang naglalakad, di ko mapigilang humanga sa katawang lupa nya.. May ganito pa palang lalaki ngayon tall not so dark but handsome man? plus napaka baet pa.. sa isiping kasama ko siya sa iisang bahay ay tila nag papawala ng mga alaga ko sa tiyan..
huminto kami sa isang restaurant, tiningala ko ang pangalan nito
'The russian tea room' siguradong mahal dito, inumpisahan kong ilibot ang paningin ko, manaka naka lamang ang tao syempre halatang may mga sinabi lang ang kumakain dito.. di ko mapigilang manliit sa mga napapatingin saakin na parang isa akong mikrobyo kung sipatin nila mula ulo hanggang paa..
Pinili nitong maupo sa isang sulok ng restaurant, maya pa inabot saamin ang menu..
"What do want to eat?!" tanong nito na sa menu ang pansin.
wala akong maisip dahil di naman ako masydaong pamilyar sa mga pangalan ng pagkain na nakasulat doon..
"Ah may tubig ba dito?!" mahina kong tanong, na nagpa angat ng mata nya saakin.
kanina pa kasi nanunuyo ang lalamunan ko, isang beses pa akong lumunok sa harap nya, bago nya tawagin ang waiter..
"Can you please give her some water first?" saka binalik ang tuon sa menu..
ako naman ay nagkunyare muling tinignan ang nakasulat doon, 'shet bakit di ko kilala ang mga pagkaing ito?" nakagat ko ang labi ko saka ko siya sinulyapan..
"What"s your order?" tanong nito saakin..
nadepina ang labi ko saka binalik ang tingin sa menu..
"Hanger Steak nalang" tipid kong sagot.. saka isinara na ang menu..
tumitig muna ito saakin saka tinaas ang kamay para tawagin ang waiter..
"Our order for appetizers are,
Pelmeni and lobster Salad, and for the main coures will be a Hanger steak and chicken kiav..
"The Dessert Sir?" tanong pa nito kay Peter..
"What do you want?" tanong muli nito saakin..
"Kahit ano nalang" sabi ko saka tumalim ang tingin sa nakasaradong menu..
"Alright give me some Traditional cheese cake and chocolate pyramid
and our drinks will be lemonade and give me a glass of wine"saka na nito isinara ang menu saka tumingin saakin..
"Okay Sir" saka na ito umalis.
agad ko naman kinuha ang baso sa aking harapan saka ininom iyon.
"May i ask you something?"
tumuwid ito ng upo saka ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa saka pinagsalikop iyon dahilan para kuminang ang relo nyang pambisig..
"Ano po iyon?"sabi ko sa mahinang boses.
"Where is your mom? your Dad?"
nakatitig parin siya saakin na hinihintay ang magiging sagot ko..
"Patay na silang pareho" gumuhit ang pait sa lalamunan ko sa huli kong sinabi..Oo patay narin para saakin ang aking Ama, ako nalang mag isa ngayon.
"I'm sorry to hear that" halata sa boses nito ang matinding pag ka gulat..
"No it's okay, sanay naman na ako" pabula kong sabi na nag iwas ng tingin.
"How old are you?"bumalik ang tingin ko sa kanya na parang binabasa nito ang ekspresyon ng muka ko.
"I'm 20!" tipid kong sabi.. nakita ko pang umangat ang labi nito saakin.
"Ano natapos mo?" kumunot ang noo ko sa kanya, ine-interview nya ba ako?
Nag isip pa ako bago sagutin ang tanong nyang iyon.. "hanggang Thirdyear college lang ako, di ko natapos ang course ko" ngumiti ako ng bahagya sa kanya dahil sa hiya..
Nakita kong sumandal ito sa upuan saka pinag ekis ang muli ang dalawang braso sa harap..
Bago pa ito makasagot ay dumating na ang pagkaing inorder niya..
Tahimik lang kami habang kumakain, di ko mapigilang sulyapan siya, napaka pino nitong kumain halatang may manners.
bawat pag nguya nya ay napapabayo sa puso ko dahil sa mapupula nyang labi di ko tuloy malunok ang pagkain ko.
lalo pa akong kinabahan nang lumingon ito saakin at huling huli nya ako..
"you don't like your food? pede natin papalitan" binaba nito ang knife nyang hawak..
"No..no Sir, hindi na po kaylangan, ayos na po ito masarap po!" natataranta kong sabi..
"You look tense!" sumilay ang maluwang nyang ngiti saakin. pinamulaanan ako ng muka sa sinabi nya dahil nag init ang pisngi ko sa matinding hiya..
"I'm sorry!" sabi nito na umiiling na binalik ang tuon sa pagkain.
Hindi ko maitatanging nabusog ako, naubos ko din ang juice na si peter mismo ang umorder.
Muli ay nag libot pa kami sa loob ng mall para tumingin tingin, nang manawa ay pinasya na naming umuwe habang daan ay di ko mapigilang hilahin nang antok..
Nagising nalang ako sa mahihinang yugyog nya sa balikat ko..
"Were here" bulong nito habang tinatapik ako sa balikat.
bago pa ako makapag salita ay binuksan na nito ang pinto ng kotse bago lumabas at mabilis akong pinagbuksan.
"Salamat!" tipid kong sabi dito, ngumiti lang ito ng bahagya saka na nag patiunang mag lakad sa loob bahay.
Naabutan namin ang ilang paper bags at mga box ng sapatos sandals at ilang mamahaling bags sa Sala,
"Nandiyan na pala kayo, kadadating lang din ng mga iyan iaakyat ko naba sa kwarto ni Brigette?!" bungad ni manang Nelia kay Peter..
"Ako na po ang mag aakyat nang mga yan manang, salamat po!" saka yumukod para bitbitin ang mga gamit pero mabilis kong hinawakan ang braso nya..
"Peter, hindi ko matatangapang mga iyan. alam ko ilang pirasong damit lang ang napili ko kasama itong suot ko, pero bakit ang dami nito?!" bumaba pa ang tingin ko sa mga bagong gamit na para saakin.
Bumaba ang tingin nya sa brasong hawak ko na agad ko naman binitawan..
"Gusto mo makabayad sa lahat ng utang mo? pati sa mga ito?!" humarap na ito sa akin, wala sa loob na tumango ako saka siya tiningala..
Ilang minuto lang siyang naka titig saakin saka nagbuntong hininga sa harapan ko..
"Lets talk about it later, iaakyat ko muna ang mga ito" saka na tinuloy ang pag bitbit sa mga paperbags.
wala na akong nagawa at tahimik ko nalamang siyang pinanood habang umaakyat ng hagdan..